Sakura
Lumabas ako at nakita kong nakaluhod si Aichi sa harapan ni Akari. Halos kiligin naman ako sa nakikita ko. Way to go, Aichi! Gustuhin ko man manghampas nang dahil sa kilig ay hindi ko magawa dahil ako lang naman mag-isa ang naroroon.
Napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko ang kapatid ni Kaori na tila naiirita sa nakikita niya.
"Oi hindi pwedeng si Aichi ang first dance ni Asia My Loves!" ang sigaw ni Cameron.
Agad namang humarang si Kaori upang pigilan ang kanyang kapatid.
"Anthony Cameron Eiverlann Malfoy! Wag mong lalapitan si Asia kung hindi malilintikan ka sa akin!" ang sigaw ni Kaori.
Napangiti naman ako kay Kaori. Talagang isa siya sa mga avid shipper ni Aichi at Akari noon pa man.
"Pero Ate Kaori!" ang reklamo ni Cameron pero piningot na siya sa tenga ni Kaori.
"A-Aray teka Ate Kaori! Masakit!" ang sigaw ni Eiverlann.
Napalingon naman ako kay Sora at Shiro. Napangiti naman ako dahil kahit hindi totoong magkapatid yung dalawa ay para silang magkadugo.
"Teka aray ko Shiro!" ang sigaw ni Sora habang hawak hawak ang kanyang tuhod marahil ay sinipa yun ni Shiro.
"Walang hiya ka! Kaya ka pala nawawala Kuya kasi pinagpalit mo na ako sa iba!" ang sigaw ni Shiro.
"S-Shiro naman eh. Loves ka pa rin ni Kuya. Pero tinitibok ng puso ko na gusto kong mapangasawa si Asia ng habangbuhay,"ang sabi ni Sora.
"Oi wag niyo nang agawin ang dapat kay Aichi!" ang sigaw ko.
"Shut up! Mahal ko si Asia tandaan mo yan!" ang matigas na sabi ni Sora.
Napailing na lang ako sa inasta ng mga lalaking baliw na baliw kay Asia.
"B-Bakit hindi na lang s-si Ate Chiriko? Mabait rin naman yun? Maunawain? Ano pa bang kulang kay Ate Chiriko?" ang sabi ni Shiro.
Napatawa na lang kami ng sabihin yun ni Shiro. Mukhang impossible yun dahil maaaring mamatay ng maaga si Sora. Laging bugbog sarado yun kay Chiriko.
"S-Shiro naman! I-partner mo naman ako sa sobrang bait pero huwag naman sa amasona!",ang sabi ni Sora.
Halos malukot ang mukha ni Chiriko sa sobrang inis dahil sa sinabi ni Sora. Tss. Patay siya ngayon kay Chiriko.
"Amasona pala huh?" ang sabi ni Chiriko .
Piningot ni Chiriko ang tenga ni Sora inikot iyon na parang door knob.
"A-Aray ko!" ang sigaw ni Sora.
Napalingon naman ako nang biglang tumabi sa akin si Shin. Tss. Kahit may pag sa abnormal minsan ang lalaking 'to ang gwapo niya pa rin.
"Ang complicated talaga ng love story nila," ang sabi ni Shin.
"Sinabi mo pa. Sana nga bumalik na ang lahat sa dati. Masyado na kasing nasasaktan si Aichi sa nangyayari,"ang sabi ko at yumakap kay Shin.
"Sana nga. Kasi isang malaking trauma kay Aichi ang pagkawala noon ni Akari. Kung sino man ang lalaking naka-puting cloak, tiyak na mata niya na lang ang walang latay sa oras na magkrus ang landas nila ni Aichi," ang sabi ni Shin.
Naikuyom ko ang aking mga kamay sa oras na nababanggit nila ang naka-puting cloak. Baka kung sakaling magkita nga kami ng taong iyon ay baka gamitin ko na sa kanya ang forbidden technique naming mga taga-Sierra.
Ang Spider Lily's lullaby.
Asia
Ito ang ayoko sa ball eh. Akala ko sa pelikula lang ito nangyayari. Tumakbo ako palayo kay Aichi nang alukin niya akong magsayaw. Nakikita ko na ang usok na nagmumula sa aking bibig habang binabaybay ko ang open field ng academy. Tumakbo ako papalayo kay Aichi dahil isa lang naman ang pakay ko sa pagpunta ko doon, ang maiabot ang regalo ko sa kanya.
"Pumapatak na naman ang snow,"ang sabi ko nang mapansin ko ang mahinang pagpatak ng niyebe.
Napalingon ako nang makita ko si Eu na tumatakbo. Naka-tuxedo siya at nakaslick back ang kanyang buhok. Teka, hindi ba dapat nasa ball siya? Anong ginagawa niya rito?
"Asia!" ang sigaw ni Eu.
Hinatak niya ang kamay ko at saka niyakap ako. Naramdaman ko ang luha niya sa aking balikat.
"Get inside baka magkasakit ka!" ang sabi ko.
"Ikaw ang pumasok! Lalo na't sa ating dalawa ikaw ang inoperahan sa puso!" ang sigaw ni Eu.
Hindi ko nga alam kung totoo ba iyon o isa iyon sa mga kasinungalingan ni Mom.
"Nah. I'm fine. Just get inside,"ang sabi ko.
Umiling siya at ramdam ko ang pawisan niyang mukha. Kumalas ako sa pagkakayakap at kinuha ko ang aking panyo sa aking pouch. Pinunasan ko ang kanyang pawis.
"Hindi magandang tingnan sa isang lalaki na pawisan siya sa araw ng Winter Ball. Sige ka, baka ma-turn off sa'yo ang mga babae?" ang paalala ko kay Eu.
"And so what? Aanhin ko ang atensyon ng mga babae kung may sakit naman ngayon ang aking kapatid?",ang sabi ni Eu.
Pinisil ko naman ang kanyang pisngi. Napaaray naman siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Ano ba?! Magseryoso ka nga?" ang sigaw niya.
Hinawakan ko ang balikat niya at saka bumulong sa kanya.
"Live your life to its fullest. Hindi yung gagawin mo ang mga bagay na pagsisihan mo nang dahil sa akin. At ayokong ma-miss mo ang lahat ng moment na darating sa buhay mo. Kaya naman, bumalik ka na sa loob ng Main hall at i-sayaw mo na ang dapat mong i-sayaw. Or else Cinderella will leave the palace without getting to know his prince," ang sabi ko.
Natulala naman si Eu sa sinabi ko. Itinulak ko si Eu at nagcast ako ng teleportation spell sa kanya.
"Ianuae Magicae!"
Nagulat si Eu sa aking ginawa at bago pa man siya makapagsalita ay nai-teleport ko na siya sa Main Hall. Naglibot-libot muna ako. Gusto ko kasing makita ang niyebe. Ang kaso biglang tumigil ang pagpatak ng niyebe at ang huling butil nito ay aking sinalo.
Sa pagkawala ng niyebe ay biglang lumabas ang mga alitaptap at ang hawak kong niyebe ay naging korona.
"Same as before.",ang sabi ng pamilyar na boses.
"A-Aichi,"ang sabi ko.
Sa pagkakaalala ko ay tinakbuhan ko siya kanina? Kaya paano niya ako nahanap rito? Hindi ko rin alam kung bakit pumatak ang mga luha ko? Bakit ba ako nasasaktan kapag nakikita ko ang mukha ni Aichi? Ano bang meron sa kanya? Hindi naman ako si Akari para magkaganito.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong hinalikan ni Aichi.
"Ito lang alam kong paraan para mapatahimik ang isang iyaking katulad mo,"ang sabi niya.
Pero narealize ko. Did he stole a kiss? Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay pakiramdam ko na umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha.
"Di ba napakamagical ng way ko? Napaka-effective?" ang sabi ni Aichi at kinindatan niya ako.
"WAAAAAAHHHHH! AICHI HAMILTON!" ang sigaw ko at saka pinaghahampas ang dibdib niya.
"What?" ang kalamado niyang tingin sa akin.
"You stole a kiss from me! Y-You Moron!" ang sigaw ko.
"I never stole your first kiss. Because I receive it a long time ago. And to be exact that was two years ago," ang sabi niya.
I was shocked at that moment. Anong ibig niyang sabihin? Napailing naman ako. So hanggang ngayon naniniwala pa rin siya na ako ang namatay niyang fiancè, two years ago?
"Aichi please. Tama na. Huwag mo na akong pahirapan pa. Hindi ako ang babaeng minahal mo, two years ago. I share the same face of your fiancè but I am not your fiancè," ang sabi ko.
Eto lang ang tangi kong magagawa para tigilan niya ako. Ayokong mahalin niya ako dahil kamukha ko ang babaeng minahal niya noon. Ang gusto ko ay mahalin niya ako kung sino ako.
Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinaplos ang mukha niya.
"Walk forward, Hamilton. You can't fall in love with me. Or else I will be your hindrance to your throne. I can't be your queen," ang sabi ko.
"So you always thought that you're not Akari? What if I told you that I have a proof that you're Akari?" he said in cold tone.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong proof ang sinasabi niya?
Iniabot niya ang isang monocle. Nangangatal akong kinuha iyon at nang sumilip ako doon ay nakita ko ang isang puting bracelet sa aking kamay. Itinaas ni Aichi ang kanyang kamay at ibinaba ang manggas ng kanyang damit. Nangangatal ang aking kamay nang itapat ko sa kanyang kamay ang monocle na hawak ko.
Nakita ko ang kaparehong bracelet sa kamay niya.
"That's the heirloom of our family. The Monocle of Lockheart. Ang monocle na yan ang nagpapakita ng marka ng iyong kapareha. Bago ilibing si Akari ay nakita ko sa kamay niya ang markang iyan. Kaya naman naniniwala akong mabubuhay siyang muli at makakapiling ko siya," ang sabi niya at inayos niya ang kanyang manggas.
Hinigpitan ko ang kapit ko sa monocle at di ko maintindihan kung bakit ako natutuwa na si Aichi ang kapareho ko ngunit sa kabilang banda ay nakaramdam ako ng pagsisinungaling dahil hindi sinabi ni Mom ang totoo.
"Ngunit noong binisita ko ang kanyang puntod dalawang taon na ang nakakalipas ay nakita ko ang kanyang casket na walang laman. Kaya naman nang malaman iyon ng Legendary Council ay tinulungan nila akong hanapin ka sa mundo ng mga Hamstrung. Dalawang taon ang ginugol namin sa paghahanap namin sa 'yo. Gustuhin ko man sumuko noon, ngunit hindi ko magawa dahil sa oras na sumuko ay parang isinuko ko na rin ang kalahati ng buhay ko," ang sabi ni Aichi.
Ibinaba ko ang monocle at ibinalik iyon kay Aichi.
"Bakit wala akong maalala tungkol sa'yo? Bakit sa dinami-raming mawawala ay ang alaala ko pa na kasama kita? Bakit kailangan kong danasin ang lahat ng ito? Bakit ako pa?" ang sigaw ko.
Niyakap ako ni Aichi. Pinunasan ko ang luha ko dahil baka nakawan na naman ako ng halik ng lalaking 'to.
"Noong araw na hinabol kayo sa may lawa ay suot ko noon ang monocle. Kaya naman nang makita kita na hinatak ng isang baging ay napatingin ako sa kamay mo at doon ko nakita ang marks of fate. Sinabi ko sa sarili ko na sa oras na magkita tayong muli ay hahalikan kita bilang pagsalubong ko sa'yo. My Queen," ang sabi ni Aichi.
Natulala na naman ako sa sinabi niya. Ang sarap pakinggan na tinawag niya akong My Queen.
"Alam mo kung anong kinaiinisan ko? Nasobrahan ka kasi sa kagandahan. Kaya pinag-aagawan ka ng mga kalalakihan. At iyon ang hindi ko hahayaanng mangyari,"ang sabi ni Aichi.
Tumingin ako sa ibang direksyon para di niya mahalata na namumula ako. Iniba ko ang usapan para mawala ang awkwardness.
"Alam mo ang ganda ng niyebe," ang sabi ko.
"Oo nga parang ikaw," ang sabi niya.
"Huh?" ang sabi ko.
Kaso lalo lang naging awkward. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"Akari, look," ang sabi ni Aichi.
At ikinumpas niya ang kamay niya at gumawa ng isang snowman. Sobra akong namangha nang simula niyang pasayawin iyon.
"Wow,"ang sabi ko at hinawakan ko yun.
Ang kaso parang may alaalang dumaan sa utak ko.
"Igawa mo ako ng taong niyebe.",ang sabi ng isang babae sa isipan ko.
Sa madaling salita ay ang sarili ko sa nakaraan.
"Akari. Hindi mo ba nagustuhan?",ang tanong ni Aichi.
"Nagustuhan ko. May naalala lang ako.",ang sabi ko.
"Akari. Pwede bang mangako ka sa akin na hindi mo na ako muling iiwan pa?" ang tanong ni Aichi.
"Wala man akong maalala sa aking nakaraan, tandaan babalik at babalik ako sa'yo. Para mahalin ka, My King,"ang sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga salitang iyon? Mukhang iyon ang mga salitang nais kong sabihin sa nakaraang buhay ko.
"Bumalik na tayo sa ball,"ang sabi ni Aichi.
"Sige,"ang sabi ko at inalalayan niya ako.
Gusto kong magtagal ang oras na ito.
Aichi
Bumalik na kami sa Main hall. Sa wakas, nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Nang bumukas ang pinto ay napalingon ang mga naroroon. Bakas sa mukha ng mga kaibigan namin ang pag-aalala.
Nagpunta kami sa gitna ng Main Hall at formal na nagbatian ni Aichi bago magsimula ang aming pagsasayaw.Bawat pagsaliw namin sa sayaw ay napakahiwaga. Nang matapos ang tugtog ay formal kaming nagbating pangwakas bago kami tuluyang magpunta sa kinaroroonan ng aming mga kaibigan.
"My god Asia! You're frozen!" ang sabi ni Sakura.
"I'm fine. Don't worry about me.",ang sabi ni Asia
"Are you sure?" ang tanong ni Jin kay Asia.
"Yeah. I'm fine,"ang sabi niya.
"Nabalitaan namin kay Sakura na nagkaroon ka ng Chikara Fatigue Syndrome,"ang sabi ni Jin.
"Huwag na kayong mag-alaala. Mabuti na ang pakiramdam ko,"ang sabi ni Asia at itinaas ang kamay niya upang ipakita ang kanyang invisible muscles.
Nagtawanan naman sila sa ginawa ni Akari. Lumapit naman sa akin si Europe at tiningnan ako nang seryoso.
"Tanda,"ang sabi ni Europe.
"O Europa nandito ka pala,"ang sabi ko.
"Pwede ba kitang makausap?" ang tanong ni Europa.
Nagpunta kami sa gazebo malapit sa may Main Hall. Umupo ako sa isa sa mga bench na naroroon.
"Anong gusto mong pag-usapan natin.
"May alam ka ba sa nakaraan namin na hindi namin alam?" ang tanong ni Europe.
"It's for me to know and for you to find out," ang sabi ko.
"Aichi. Bakit parang sobrang lapit mo kay Asia?" ang tanong niya.
Hindi ko na lang muna sasabihin ang tungkol sa Marks of Fate. Ayokong isipin niya na kaya ko lang minahal si Asia ay dahil lang sa markang iyon.
"Hindi ba pag nagmamahal ka puso ang ginagamit?" ang sabi ko.
"Pero hindi ba dapat gumagamit ka rin ng isip?" ang banat niya.
Napangisi naman ako sa sinabi niya. Gaano ka man talino, kung tinamaan ka, tatamaan ka talaga.
"When it comes to love, the genius becomes idiot and the idiot becomes genius,"ang sabi ko.
Mukhang napahanga ko ang mokong na 'to ah. Napabuntung-hininga na lang siya at saka siya nag-indian sit sa tabi ko.
"Oi tanda. Boto naman ako sa'yo eh. Ang sa akin lang, ligawan mo muna siya,"ang sabi niya.
"Salamat kung ganun," ang sabi ko.
"Pero tandaan mo, kapag sinaktan mo siya, hindi ako magdadalawang isip na tapusin ka," ang seryosong sabi niya.
"Hinding-hindi ko yun gagawin,"ang sabi ko.
"Hay naku. Siguraduhin mo lang,"ang sabi niya at nagfist bump kami.
Hinding-hindi ko lolokohin si Akari.
Asia
Nasaan na ba sina Europe? Hinanap ko sila sa tumpok ng mga tao ngunit wala sila roon.
Hinanap ko sila hanggang sa mabangga ko si Sora.
"O Asia? Naisayaw ka na ba ni Aichi?" ang tanong ni Sora.
"Oo sa labas nga lang,"ang sabi ko.
Yumuko siya bilang tanda ng pagbating panimula sa pagsasayaw.
"Kung ganun, pwede ba kitang ma-?",naputol ang sinasabi ni Sora nang sumingit ang isang babae.
"Ehem. Kuya eh kung si Ate Chiriko na lang kaya ang isayaw mo at wag mong guluhin ang pamamahinga ng magandang dilag," ang sabi nung babaeng kulay violet ang buhok na may highlights na puti.
"Shiro naman eh!" ang sigaw ni Sora.
Lumapit naman ang isang babae na kulot at pula ang buhok.
"Oo nga Sora. Epal ka sa bagong love story ni Aichi!" ang sabi ni Chiriko.
Napansin ko na nagblush si Chiriko kaya gumawa na ako ng move.
"Ah. Sora bakit hindi mo isayaw si Chiriko? Ang alam ko masarap magmahal ang mga tsundere. At isa pa, bagay kayo," ang sabi ko sabay ngiti.
Napansin ko na nagblush ang mga mukha nila.
"A-Ano b-bang s-sinasabi mo Asia? Hindi ako Tsundere!" ang sigaw ni Chiriko.
"Nah. It's fine. Magsayaw na kayo dun," ang sabi ko sabay tapik kay Sora.
Kaso yung tapik ko hindi literal na tapik. Kundi malakas na pagkakatulak.
"P-Patay, ",ang nasabi ko na lang at saka tumalikod.
Chiriko
Shoot!
Ang awkward ng posisyon namin. Nasa ibabaw ko si Sora. Ang mas masaklap pa naglapat yung mga lips namin. Agad siyang umalis sa ibabaw ko dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.
"Ah! S-Sora! C-Chiriko! S-Sorry napalakas pala yung tapik ko!",ang sabi ni Asia habang nilalaro ang kanyang mga daliri.
"Wew. Mukhang may mabubuong love team ah?" ang panunukso sa amin ni Shin.
"ChikOra? SoChi? What do you prefer na name ng love team nila?" ang dagdag pa ni Sakura.
Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa sobrang kahihiyan. Sa peripheral vision ko, tumingin sa ibang direksyon si Sora at namumula rin ang pisngi nito maging ang tenga niya. May be this is the most awkward and embarrassing moment yet the sweetest moment we'd ever had.
Erase. Erase! Agad kong inalis ang kalandian ko at huminga ako ng malalim at isinigaw ang pangalan niya. Pero sa hindi inaasahan ay sabay kaming sumigaw ni Sora.
"ASIA!"