Chapter 13-Winter Ball

3445 Words
Sora Nag-inat inat ako dahil masakit pa rin yung mga katawan namin. Ultimong si Xerxes na Great tactician ng Medius Regnum ay hindi pinatawad ni Satsuki. Kasama rin siya sa mga naparusahan noong gabing winasak namin ang office ni Satsuki. "Pambihira talaga si Headmaster Satsuki. Hindi man lang tayo na-excempt," ang reklamo ni Mikuo. Yung triplets ay may mga pain reliever patch sa kanilang katawan. Tss. Pinagpush up ba naman kami habang naka-activate ang double gravity sa loob ng punishment room? Talagang sasakit ang mga katawan namin! At kanina ay naririnig ko ang mga badtrip na construction elves na nag-aayos ng kanyang office. Kaya talagang mag-iinit na naman ang kanyang bait.  "Eh isa ka rin naman sa mga bumagsak sa Headmaster's office ah. Si Sir Elric nga di pinatawad ikaw pa kaya?" ang sabi ni Miku. "Oo na. Pero kahit na! Buti sana kung na-tolerate natin yung sa punishment room eh kaso hindi eh!" ang sabi ni Mikuo. "Tumigil na nga kayo. Ang ingay niyo,"ang sabi ko sa kanila. "Ok fine,"ang sabi ng triplets at nagpatuloy kami sa paglalakad. Napansin ko na lumalamig ang paligid. Lumingon-lingon ako at baka nasa paligid lang si Aichi.  Paglingon ko sa may bandang east wing ay nakita kong nakatayo lang siya at pinagmamasdan ang niyebe. Mukhang hanggang ngayon ay tinutupad pa rin niya ang pangako niya kay Akari. Gusto niya kasi ang niyebe. Tss. Kaya siguro sa aming lahat, si Aichi ang pinili niya. Tss. Masuwerteng nilalang. "Pumapatak na pala ang mga niyebe," ang sabi ko. "Mukhang dapat ko na siyang ipaggawa ng taong niyebe.",ang sabi ko sa aking isipan. Napataas naman ang kilay ko nang mapansin kong nagkakagulo yung triplets at si Shinichi sa harapan ko. Ano na naman kaya ang inalmusal ng mga ito?  "Mukhang dapat ko na siyang ipaggawa ng taong niyebe. Tulad ng kanyang huling habilin,"ang sabi ni Miku at nagkunwari pang hinimatay. "Kaso paano ko naman siya maigagawa ng taong niyebe kung hindi naman ako ang nilalaman ng puso niya? Nakakapanghina," ang sabi naman ni Shinichi. Kahit tatahimik-tahimik 'tong mokong na 'to may tinatago rin palang kalokohan ang isang 'to. At sumunod pa sina Mikuo sa yapak nung dalawa. Nang napikon na ako ay iyon na ang naghudyat upang gamitan sila ng technique upang itaboy ang lahat ng buwisit sa mundo. "Titigil ba kayo kusa o kailangan niyo pa magkaroon ng pasa?" ang tanong ko sa kanila. "Ui Kuya Sora, wag ka nang umiyak! Gumawa ka na ng taong niyebe tapos gumawa ka ng kanta tapos ang pamagat ay I'm coldly in love with you!" ang pang-aasar ni Mikuo. That's it!  I'm done! "So you've chosen death guys? I think my buddies are happy to eat your souls. Cry of ghouls!" ang sigaw ko at pinahabol sila sa mga kaluluwa. "Waaaaaahhhhhh! Kuya Sora! Sorry na!" ang sigaw nila habang hinahabol ng mga umiiyak na mga kaluluwa. Nang makalayo na sila ay napatingala ako sa langit. Ang niyebeng ito ag nagpapaalala sa akin ng kanyang puting buhok at ang bughaw na langit ang nagpapaalala ng kanyang mata.  "Akari. I wish you will forget him for a long time. I will wait. Hanggang hindi ka na sigurado sa nararamdaman mo para sa kanya,"ang sabi ko sa isipan ko. Asia Achoo! Pakiramdam ko ay mga nakakaalala na naman sa akin. Hay naku, mukhang nag-aalala pa rin sila sa ginawa naming pagtakas mula sa academy. Pagkagising ko mula kaninang umaga ay isang ka-dramahan na naman ni Headmaster Satsuki ang nakita ko. Pero kahit na panaginip lang ang mundong pinasok ko kanina ay talagang mapapaniwala kang para kang nasa totoong mundo. Gayunpaman, ay hindi ko kayang makitang lumuluha si Headmaster. Kahit sino naman siguro magugulat na lamang sa pagpatak ng luha ng isang striktong tao. Naninibago pa rin ako sa  abilidad na na-diskubre kanina.  Ni hindi ako makapaniwala na kaya kong pumasok sa panaginip ng ibang tao. Isa pang dumagdag sa isipin ko ay ang Midnight Monarchy.Nalaman ko na isang matinding sakit ng katawan ang natanggap ng Midnight Monarchy kagabi dahil sa pagkawasak ng office ni Headmaster kagabi. Napabuntung-hininga na naman ako dahil sa mga isipin ko sa buhay. Napaisip pa ako sa posibilidad na ako ang kapatid niyang nabuhay. Lalo na't posibleng mabuhay ang namayapa na sa mundong ito. Pero kahit na ganun, ay hindi maaaring sumandal kami sa isang panaginip lamang. Bagamat isang teorya lamang ang spell, ay isang palaisipan pa rin sa akin ang lahat. Malalim na ang gabi nang magising ako. Napatingin ako sa orasang nasa desk at pasado alas dos kwarenta'y tres na ng madaling araw. Tanging liwanag na nagmumula sa buwan ang aking ilaw sa aking silid. Nagpalingon lingon ako at nakita ko na nasa gilid ng kama ko si Headmaster Satsuki. Naririnig ko ang kanyang mga salita habang natutulog. ''Lil' Sis, tama na ang paglalaro natin ng tagu-taguan, namimiss ka na ni Kuya.'',ang sabi ni Headmaster Satsuki. Hinaplos ko ang buhok ni Headmaster. Kahit kinakabahan na baka magising ko siya ay pinilit kong pa-kalmahin si Headmaster. Sa hindi sinasadyang pangyayari ay nagising ako sa mundo ng panaginip ni Headmaster. "Kuya,bakit hanggang ngayon ay hindi  ka pa rin sumusuko? Hindi ka ba napapagod?" ang sabi ni Akari. Niyakap ni Headmaster Satsuki si Akari. Doon ko nakita ang emosyon ni Headmaster Satsuki. Umiiyak siya ngayon at ayaw niya nang bitawan si Akari. Kumalas si Akari sa pagkakayakap kay Headmaster Satsuki at lumapit ito sa akin. "Alam kong mapilit ako. Pero hindi ko na kayang makitang nagkakaganito si Kuya. Isa na lang akong parte ng alaala. Pero nakikiusap ako, alalahanin mo kung sino ka Asia. Ikaw ay ako. At walang sinuman ang maaaring bumago nun," ang sabi ni Akari. Humangin nang malakas kaya naman naipikit ko ang aking mga mata. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa kwarto na muli ako at nakita kong lumuluha si Headmaster. ''So ikaw nga si Akari?'',ang sabi ni Headmaster. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Hindi ko na talaga alam kung sino ako. Akala ko magiging ayos lang ang lahat. Hindi ko inakalang mas gugulo pa lalo ang sitwasyon. Paano ko haharapin ang kinabukasan kung hindi ko maaalala ang nakaraan? Niyakap ko si Headmaster Satsuki na patuloy pa ring umiiyak dahil sa panungulila niya sa bunso niyang kapatid. Hindi ko maaaring i-claim na ako ang nabuhay niyang kapatid. Ayokong umasa siya sa wala. ''Nagkakamali po kayo, Headmaster. Hindi po ako ang nawawala niyong kapatid,''ang sabi ko at hinigpitan ko ang kapit ko sa kumot. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Bagamat basa ito ng kanyang mga luha, ay nakikita ko ang pangangatal nito. ''Oras na po, siguro para tanggapin ninyo na wala na po ang kapatid niyo. Hindi po ako si Akari. At walang magbabago po dun,'' ang sabi ko. Lumabas ako ng kanyang kwarto. Umalis ako ng Headmaster's Haven at nagtungo sa open field.Nang makarating ako sa open field ay umupo ako sa bench. Sumandal ako sa bench at nagsimulang umiyak. Gusto kong maging kapatid ni Headmaster pero paano kung mali lahat ng iniisip niya? Paano kung hindi talaga ako ang kapatid niya? Madaming bakit ang pumapasok sa isipan ko. Bakit nagawang magsinungaling ni Mom tungkol sa aming pagkatao? Simula kanina ay hindi ko na muling nakausap si Headmaster.  Masyadong mabigat ang mga salitang binitiwan ko. Kaya tanggap ko kung galit sa akin si Headmaster. Siguro nga ay galit talaga sa akin yun. Inilagay ba naman kami sa Royalty section ulit?! Ni hindi niya man lang kami pinapili kung gusto ba talaga namin maging royalty? Jusmiyo! Mas gugustuhin ko na lang maging knight! Napasilip ako sa bintana at nakita ko ang mga puting niyebe na nagmimistulang bulak sa ganda.  Kaya naman tumayo ako mula sa desk at dumantay ako sa bintana. "Pumapatak na pala ang niyebe sa labas,"ang sabi ko. Binuksan ko ang bintana at sinalo ang isang niyebe. Ganito pala ang pakiramdam ng sumasalo ng niyebe. Napakalamig. Habang pinagmamasdan ko ang ganda ng niyebe ay kumatok sa may desk ko si Sakura. Nababakas sa kanyang mukha ang matinding stress na idinulot ng paparating na Winter Ball. That's why I hate gathering kahit nasa mundo pa kami ng mga Hamstrung. "Asia tara bili na tayo ng regalo,"ang sabi ni Sakura. "Sige,"ang sabi ko. Ayon kay Sakura, dapat akong umattend ng Winter Ball lalo na't isa akong parte ng Royalty. Ang kaso nakakatamad talagang pumunta at dahil malamig ang panahon ay mas masarap pang matulog o di kaya ay kumain ng lugaw. Di ko trip makipagplastikan lalo na't makikita ko lamang ang pagmumukha ni Frith.  Nagpunta kami sa Town square ng Caden City. Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng Medius Regnum.  Ang kaso nga lang di pa idinedeklarang kingdom dahil hindi pa ito kumikita ng one hundred sixty five million Chi. O di ba ang higpit nila. Sari-saring pang regalo ang makikita mo rito. May mga alahas, scarfs, souvenirs at kung anu-ano pa. May isang payat na lalaki ang lumapit at inalok ang mga produkto. "O mga binibini. Bumili na kayo ng scarf! Para sa inyong mga iniirog!" ang sabi nung isang lalaki. Iniirog? Unang pumasok sa isip ko ay si Aichi. Nasa open field kami at kasabay nun ang pagbagsak ng niyebe. "Aichi, para sa'yo.",ang sabi ko at iniabot ko ang isang scarf. "Asia, salamat. Dahil sa'yo maiinitan na ang nanlalamig kong leeg.",ang sabi ni Aichi. Halos takasan naman ako ng sarili kong dugo sa naiisip ko. Erase! Erase! Bakit siya agad ang pumasok sa isip ko?! Isa pa may, Akari na yun! Tandaan mo, Asia hindi mo maaaring palitan si Akari lalo na't magkaiba kayo! "Manong pabili po,"ang sabi ko. "Aba miss! Couple scarf po yan! May free snow globe pa yan!" ang sabi ni Manong. Nawala sa isip ko na hindi ko kailangan bumili ng ganito. Kaya naman kumuha ako ng pera sa aking bag na dala. "Sige po bibilhin ko na,"ang sabi ko. "Six hundred fifty chi lahat," ang sabi niya at agad kong inabot ang bayad. Nang maibot ko na ang bayad ay bigla na naman akong nakaramdam ng hiya dahil pinaalala ko sa sarili ko na hindi ko dapat bilhan ng kahit ano si Aichi! Nagoyo ako ni manong dun ah! Napabuntung-hininga na lang ako dahil ang habol ko lang naman talaga ay yung snow globe. Tss. Akari, sana kasi bumalik ka na. Ang hirap naman na lagi na lang akong napagkakamalang ikaw. "Asia tayo na! Dun tayo bumili  tayo ng damit para sa Winter Ball,"ang sabi ni Jin. "Sige," ang sabi ko at nagpahila na lang sa kanila. Pagdating namin sa botique. Wala masyadong namimili. Sabi nila masyado daw excited ang mga babae dito kaya maaga pa lang eh namimili na sila. Iginala ko ang aking paningin at napansin ko ang isang dress na kulay white kaya agad ko iyong kinuha. Hinaplos ko iyon at naramdaman kong napakalambot nito at napaka-komportable sa balat. "Wow! Miss sobrang ganda ng taste mo!" ang sabi nung saleslady. "Gusto ko kasi yung simple lang," ang sabi ko. "Miss bagay po yan sa inyo sigurado ako," ang sabi nung saleslady. "Wow! Asia! Ang ganda naman niyan!"ang sabi ni Akako. Ewan ko ba pakiramdam ko ay tinatawag ako ng damit na ito. Yung parang nang-aakit na bilhin ko at isuot ko. Tss. Ayan ka na naman Asia, napakagastos mo. "Sige babayaran ko na 'to sa Cashier," ang sabi ko. Nang magtungo ako sa cashier ay pinagtitinginan ako ng mga tao dito. Hindi na ako magtataka, kamukha ko ang namayapang prinsesa ng Medius Regnum. At hangga't nabubuhay ako ay maalala lang nilang namatay ang prinsesa na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sinong pumatay. "God! Minumulto siguro ako ni Princess Hikari!" sabi nung isang babae. "Siguro hindi naman tayo minumulto ni Princess Hikari," ang sabi naman ng kausap nito. Hindi ko na lang sila pinansin at patuloy na naglakad. Tss. Mukha ba akong zombie? Siguro dahil sa hindi ako nakatulog nang maayos kanina. Iniabot ko ang gown sa cashier at agad niya naman itong pinunch. "Miss magkano itong gown?",ang tanong ko. "A-Ah.Two thousand five hundred seventy six Chi na lang po para sa inyo," ang sabi nung cashier. Labis akong nagtaka sa kanilang ikinilos. Tss. Kung natatakot sila sa akin, pwes , hindi na lang ako pupunta sa party. "A-Ah sige. I'll take it," ang sabi ko. Agad kong binayaran yung gown at saka umalis. Hindi ko na hinintay dahil anumang oras eh bubulagta na ako sa daan. Pero baka kaladkarin lang ako ni Sakura palabas ng kwarto ko. Dumaan ako sa isang store ng mga sapatos. Mahirap na, hindi ko pa naman nadala ang mga heels ko mula sa mundo ng mga Hamstrung. Pumasok ako sa isang shoe store at isang saleslady ang lumapit sa akin. "Madame! What do you want?" ang tanong sa akin noong saleslady. Nagulat ako na pamilyar sila sa wikang Ingles. Kaya naman napangiti ako. Mukhang Hindi ako mahihirapang mag-adjust rito. "I want a glass shoes but I want a hypoallergenic type. And please make it size five,",ang sabi ko doon sa saleslady. "Y-Yes Madame," ang sabi ng Saleslady  at nagtungo ito sa isang silid sa likuran ng counter. Pumikit ako saglit at kinausap gamit ang telepathy sina Sakura. Naririnig ko ang ang sigawan nung dalawa. "Oi guys sorry kung umalis agad ako," ang sabi ko. "Naman eh! Dapat hinintay mo muna kami!",ang sigaw ni Akako. Agad akong napapikit ng sumigaw si Akako. Ang lakas talaga ng boses niya. Pero hayaan ko na lang. Napangiti na lang ako sa kanilang pag-aalala. "Nah. Pag hindi pa ako umalis baka hinimatay na yung mga tao sa pag-aakalang minumulto sila ni Princess Hikari.",ang sabi ko. "Just ignore them. Pupuntahan ka na lang namin. Where are you?",ang sabi ni Sakura. "I'm here at the dormitory. I decided na hindi na lang ako a-attend ng Winter Ball," ang sabi ko at iminulat ko ang mata ko. "Madame. Here. Wear this," ang sabi nung saleslady. Agad kong sinuot yun at nagfit naman sa paa ko. "I like it," ang sabi ko. Agad kong binayaran yung binili kong sapatos. Nang papaalis na ako ay tinawag ako ng saleslady. Pagharap ko ay nakita ko ang isang lilang kahon na kanyang hawak. "Ah Miss. Dahil kayo lang bumili niyan ,take this as token of appreciation," ang sabi nung saleslady sabay abot ng isang gintong bracelet at isang choker. "S-Seriously? Pero hindi ba mahal 'to?" ang sabi ko. "Yes Madame para po sa inyo yan," ang sabi nung saleslady. "T-Thank you," ang sabi ko. Kahit nahihiya ay tinanggap ko iyon. Napangiti ako at saka nagbow bago umalis ng store. Nagteleport ako sa dorm at inilapag ko lahat ng paper bag ng aking mga pinamili. Napalingon ako sa may pintuan at narinig ko ang isang malakas na pagkatok sa pintuan. Tiyak na si Sakura 'to. "Asia!" ang sigaw nila. Agad kong binuksan ang pinto at nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Sakura at Akako. "Hay naku! Kung alam niyo lang! Kung nakakamatay ang tingin kanina pa akong nakabulagta," ang sabi ko. "Umuwi na kayo. Inaantok na ako. I need to sleep,"ang sabi ko. "Anong uuwi? Mamaya na kaya ang ball! Tayo na magpapaayos pa tayo!" ang sabi ni Sakura sabay hila sa akin. Napakapit ako sa ulo ko dahil nakakaramdam na ako ng matinding hilo. "Bakit ang putla mo?" ang tanong ni Jin. "W-Wala pagod lang siguro,"ang sabi ko. "Maybe you should go for rest," ang payo nung dalawa. "Mukha nga.", ang sabi ko pero bigla akong natumba. Agad lumapit si Akako at hinawakan niya ang aking kamay. Pumikit si Akako, at pagkatapos niyang pakiramdaman ang aking katawan ay iminulat niya ang kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya nang matukyan niya ang  temperatura ko. "Chikara Fatigue Syndrome. Mukhang napapasobra na ang paggamit mo ng Chikara. Dito ka na muna, Asia. Maiintindihan namin kung di ka makakapunta sa Winter Ball," sabi ni Akako. Nagkatinginan naman kami ni Sakura sa sinabi ni Akako. Aichi Nagpapogi na kami para sa ball. Sayang naman kung hindi makikita ni Asia ang kagwapuhan ko. Bihira lang ito kaya lulubus-lubusin ko na. Ito na ang oras na pinakahihintay ko. Ang muli siyang makita. "Hay naku. Bakit ko ba iniisip yun? Siguro ganun talaga kapag nagmamahal,"ang sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Kumatok naman si Shin. Tsk. Kahit kulay dilaw ang kanyang traditional attire ay di maipagkakailang pinaghandaan ng tukmol na ito ang Winter Ball. "Guys okay na ba kayo?" ang tanong ni Shin. "Okay na kami,"ang sabi ko. Lumabas kami sa Dormitory at nagtungo kami sa Main hall ng Academy bilang panimula ng Winter Ball. Nakita namin sila na nakatayo sa crowd. Bilang panimula ng Winter Ball isasayaw namin ang mga babaeng gusto naming isayaw. Agad kong hinanap si Asia. Kaso may mga asungot din na naghahanap sa kanya. Alam niyo na kung sinong mga asungot ang tinutukoy ko. Walang iba kundi ang  kapatid ni Kaori na si Ace at ang pinsan kong si Sora. "Ang swerte naman nung babaeng hinahanap nina Prince Aichi," ang sabi nung isang babae na nakayellow na ball gown. "Pinag-aagawan siya ng mga sikat na mga boys ng academy. Sana tayo na lang yun," ang sabi nung babaeng naka-green na gown. Insecurities. Umiiral na naman. Nakita ko sina Sakura na tila naiistress. Kahit na naka-make up siya ay makikita sa kanya ang pag-aalala. Lumapit ako at nagbabakasakaling nakita nila si Asia. "Hey, why do you look so stress? May nangyari ba?" ang tanong ko. Nagkatinginan naman sina Sakura at Akako. "Bad news. Di siya makakapunta ngayon. May Chikara Fatigue Syndrome siya ngayon. Kaya naman, nasa kuwarto lang siya ngayon at nagpapahinga," ang sabi ni Sakura. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Masyadong malupit ang tadhana. Hindi ko hahayaang mangyari yun. Ayokong maranasan niyang mag-isa sa mga oras na ito! Tumakbo ako palabas ng Main Hall. Kailangan ko siyang puntahan. Please, Akari. Hintayin mo ako. Pagbukas ko ng pinto palabas ng Main Hall ay napatulo ang luha ko. Namamalik-mata ba ako? Akala ko may sakit siya ngayon? Bakit siya narito? Nakatayo siya sa may Fountain, at pinagmamasdan niya ang pagbagsak ng niyebe. Napatulo na naman ang mga luha ko dahil sa muling pagkakataon ay narinig ko ang boses niya. "Tale of winter starts A lady dancing in the snow Light all the snowflakes falling from the sky She melts away the coldness from someone's heart Smiling and waving through breeze Captivated by her eyes the drowns me to nostalgia,", ang pag-awit niya. Pinunasan ko ang luha ko, gamit ang panyong gawa sa silk. Alam niyo kahit na wala siyang alaala mapanakit talaga siya. Lumapit ako at niyakap si Asia. Inisip ko sa mga oras na yun na siya si Akari. Alam kong masakit. At alam kong hindi tama pero masisisi niyo ba ako? "I'm sorry, Akari. Kung hindi kita nailigtas noon. I'm sorry, "ang sabi ko. Kumalas sa pagkakayakap ko si Asia. "Hindi ako si Akari,"ang malamig na sabi ni Asia. Tumulo na naman ang luha ko. Namimiss ko na talaga siya. Kailan ba siya babalik? Hanggang kailan ba ako maghihintay? "Pasensya na. Nga pala. Merry Christmas," ang sabi niya at may inabot siya na regalo. Binuksan ko iyon at nakita kong may snowman ang disenyo nito. "Merry Christmas," ang bati niya. Nakita ko ang suot niyang scarf na katulad ng disenyo sa akin. Niyakap ko naman siya bilang pasalamat sa scarf na natanggap ko. Ramdam ko na sobrang init ng katawan niya. "Bumalik ka na sa dorm. Magpahinga ka na muna. Hindi magiging maganda  kung magpaparty kang may sakit," ang sabi ko. Kumalas siya sa aking pagkakayakap at umiling. Tinitigan niya ako sa mata at halos malunod ako sa mga tingin niyang iyon. Animo'y may malakas na hangin ang humaplos sa aking balat sa mga oras na iyon. Ang kanyang mga mata ay parang bughaw na himpapawid na kung saan sumasaliw ang hanging nagmumula sa hilaga. Ang kanyang ngiti ay parang   bukang-liwayway na nagbibigay pag-asa. Katulad ng isang prinsipe sa mga fairytale, lumuhod ako at hinalikan ko ang kanyang kamay. "May I have this dance?" ang sabi ko. Frith Lumabas ako ng main hall upang sundan si Aichi. Sa kanya ko lang dapat ibigay ang una kong sayaw. Ngunit isang nakakairitang tanawin ang sumalubong sa akin. Nagtangis ang aking mga bagang at halos bumaon ang aking mga kuko sa kamay nang dahil sa matinding galit. Hindi ako papayag na matalo ako ng isang prinsesang walang sariling kaharian! Hindi ako papayag na mapunta lang sa kanya si Aichi. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na mamatay ang una niyang nobya. Ngunit heto at may pumapapel na naman? Ang kapal ng mukha ng babaeng yun! Ano bang ginawa niya at nagustuhan siya ng minamahal ko? Pangako ko sa sarili ko na ibabaon ko siya ng buhay sa lupa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD