Chapter 12- Chasing the Ashbell Twins

3048 Words
Asia Natameme ako sa mainit na tensyon sa pagitan ni Sora at King. Hinigpitan ko ang pagkapit sa t-shirt ni Eu. Nababakas rin sa mukha ni Eu ang pagkabahala. "Bakit hindi mo gawin? Lumapit ka dito Kuya Sora. O baka matutulog ka na naman katulad ng gabing iyon?",ang sabi ni King na siyang ikinagulat namin. Nag-iba ang ang aura ni Sora. Tila isang trigger button ang napindot ni King sa kanyang sinabi. Isang wrong move ata ang pagpapaala ng kanilang mga nakaraan. ''Kazuto, huwag mo ako hayaang durugin ang buto mo. At isa pa, hindi mo dapat balikan ang pagkakamali ko sa nakaraan.'',ang sabi ni Sora. Lumabas ang isang bughaw na aura at nagsimulang lumabas ang mga kaluluwa. ''Bakit Kuya Sora? Totoo naman hindi ba? Masyado kang mahina kaya yung babaeng pinakamamahal mo ay namatay. Hindi ba sa sobrang duwag mo hindi ka pinili ng taong mahal mo?'',ang pang-aasar ni King. Gusto kong pigilan si King ang kaso ayaw niyang magpaawat. "Hay naku! Yari tayo nito kay Kuya Aichi! Masyado na nang ginalit ni King si Kuya Sora!",ang sabi ni Mikuo. Habang nasa mainit na diskusyon ang dalawa ay nakarinig ako nang isang malakas na palakpak. Nakita kong nakangisi si Aichi. Nakaramdam ako nang matinding pagsikip ng dibdib at pagsakit ng ulo. Isang imahe na naman ang nakita ko. Napaluhod na naman ako sa matinding sakit. "Asia, are you all right?! Hey! Hang in there!",ang sigaw ni Eu. Lumapit sa amin si Aichi ngunit agad nagteleport palayo si Eu. Ngunit laking gulat namin nang mapansin naming nasa kabilang dulo lang kami ng silid napunta. Mukhang may pumipigil sa aming chikara. Nakita ko ang pagkindat ni Aichi bago niya tuluyang sinermonan yung triplets. "Oi Miku,Meiko at Mikuo! Yari kayo kay Tita Glacea! Tinakasan niyo na naman daw siya!",ang sabi ni Aichi. Na-out of balance na ako nang tuluyan kaya naman napilitan na si Eu na buhatin ako. "Magteleport na tayo!",ang sabi ni Europe. Pero sa pagkakataong ito ay hindi niya magawa dahil may pumipigil sa chikara namin. "Anong----?",ang tanong namin. "Scared already?",ang sabi ni Aichi. Lumingon ako sa paligid at napansin ang isang staff na nakalutang. Narinig ko ang pagtunog ng dila ni Sora na tila dismayado sa ginawa ni Aichi. Kaya naman napilitan si King at Sora na maglaban ng mano-mano. "Kung ganun, nag-e-emit ng nullifying Chikara ang staff mo na yan? Asia ngayon na!",ang sabi ni Eu. Ngunit nang magsasalita na ako ay tinakpan ng parang isang multo ang bibig ko. Maiiyak na talaga ako sa sobrang takot. Takte lang ipanlaban niyo na ako sa lahat wag lang sa multo! Kung ganun maaaring mamili si Aichi ng mga taong pwedeng gumamit ng chikara sa ilalim ng kanyang nullifying staff? Tsk. Now I should be aware of his ability. I can't think straight after all this pain I experience. "Please naman kahit sa utak lang. Ianuae Magicae.",ang sabi ko habang hawak-hawak ang kamay ni Eu. Oo nakapagteleport kami sa Mansion. Ang kaso may nauna na pala sa amin. Nakarinig ako nang isang yabag mula sa study room ni Mom at nang sumilip kami ay nakita ko ang isang lalaking kamukha ni Aichi ngunit itim naman ang buhok nito. Nagbabasa ito ng libro at nang mapansin niya ang aming presenya ay isinarado niya ang libro at saka lumingon sa direksyon namin. "Sabi na eh, magteteleport kayo rito eh. Hay naku. Hanggang kailan niyo balak pahirapan sina Aichi? Halos mabaliw na yung tao kakahanap sa inyo. Kung hindi ko pa siya hinatak malamang ay susugod siya mag-isa rito.",ang naiiling na sabi ng lalaking kaharap namin ngayon. Alam kong hindi si Heiji ang isang ito. "Heiji? Paano mo nalaman yung mansion namin?",ang tanong ni Eu. "Unang-una sa lahat hindi ako si Heiji. Pangalawa, ako si Eichi. Pangatlo, kakambal ko yung dalawang kumag na yun.",ang sabi niya. "Para sa isang tulad mo masyado kang madaldal.",ang sabi ko. Tila nagpantig ang kanyang mga tenga sa aking sinabi. Inihagis niya ang libro ni Mom pabalik sa bookshelf and to my surprise ay nagshoot ito sa pinagkuhanan niya. Pinalagutok niya ang kanyang mga kamay at saka tinitigan kami nang matalim. "Para sa isang babae masyado ka atang mayabang.",ang sabi ni Eichi at kasabay noon ang paglalabas niya ng kuryente sa kanyang katawan. "Hindi ako mayabang. Ang sinasabi ko lang ay madaldal ka.",ang sabi ko. Binato ni Eu yung lampshade dun kay Eichi pero agad itong nakaiwas. Nagbato siya ng lightning balls kaya naman nagcast ako ng mirror walls. Tumalbog pabalik ang kuryente kaya naman agad siyang umiwas. "Hindi ka ba sinabihan ng Mom mo na huwag maglaro ng kuryente dahil nakakamatay?", ang tanong ni Eu. "Mas nakakatakot pa rin ang Ice vermillion kaysa sa sarili kong chikara. Kaya huwag mong masabi-sabing takot akong mamatay dahil sa chikara ko.",ang sabi ni Eichi at nagpakawala siya ng lightning spear. "Augue!",ang sabi ko at nagpalabas ako ng maraming fireballs. Nagsagupaan ang apoy at ang kanyang kidlat kaya naman bago pa ito sumabog ay itineleport ko ang atakeng iyon sa labas ng mansion. At mula sa may bintana ay nasilayan namin ang matinding pagsabog mula sa aming atake. Tss. Kung hindi ay mukhang matinding renovation ng bahay ang magaganap. Pinalutang ni Eu ang sofa at binato iyon kay Eichi ngunit agad itong hinati gamit and lightning blades. "Hay naku! Sumuko na kayong dalawa!",ang sigaw ni Eichi at saka pinagbabato kami ng Lightning Spikes. "Estucheon!",ang sigaw ko at nagkaroon ng shield sa paligid namin ni Eu. "Eu. Kaya mo pa bang magteleport?",ang tanong ko sa kanya. Narinig ko nalang ang pagbagsak ng katawan ni Eu sa sahig. A realization hits me! Ginamit niyang conductor ang sahig at dahil great conductor rin ang katawan ng tao dahil may sixty five percent water content ang katawan ng tao. Meron ring ions ang ating katawan, walang dudang makukuryente talaga si Eu. Pero bakit Hindi ako nadamay sa pagkakakuryente? "Shoot! Eu!",ang natataranta kong sigaw. Inalog-alog ko ang ang kanyang katawan nagbabakasaling magising siya. Naiiyak na naman ako sa sitwasyon na ito. Ano ba Asia?! Hindi ito ang oras para umiyak ka! Narinig ko ang papalapit na yabag patungo sa akin. Napalingon ako at nakita ko kung gaano ka-peke ang ngiti ni Eichi. "Hay naku! Nasaan na kaya ang Akari na kilala ko?",ang sabi ni Eichi na kahahati lang sa shield ko. Agad akong lumayo kay Eichi. Masyado ko pang mahal ang buhay ko. Napatingin ako kay Eu. Ang gusto ko lang ay tahimik na buhay. "Ianuae Magicae!", ang pagkacast ko ng Teleportaon spell. Napadpad ako sa isang gubat at pilit kong hinabol ang aking hininga. Nagsimula akong tumakbo. Wala na akong pakialam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Ang nais ko lang ay mamuhay nang malayo mula sa gulo. Kung maaari lang sana ay kami na lang ni Eu ang magkasama. "Patawad, Eu!",ang sabi ko aking isipan. Naririnig ko ang mga yabag ng sumusunod sa akin. Binilisan ko ang aking pagtakbo dahil ang nais ko lang talaga ay makalayo sa mga taong nais kong putulin ang anumang kaugnayan ko sa kanila. "Sandali Akari!",ang sigaw ni Aichi. "Tigilan niyo na ako! Gusto ko nang lumagay sa tahimik! Hindi ako si Akari! Ako si Asia Rin Ashbell!",ang sabi ko. Hindi ka tutulungan ng mga luha mo Akari. Huwag mong hahayaan tumulo ang anumang luha. Tiisin mo ang lahat ng sakit. Tandaan mo, Asia. Keep moving or else you'll never see your future marching forward. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Hanggang sa hindi ko na nakita si Aichi. Nakarating ako sa lawa kung saan una kong nakita si Aichi. Doon ko naramdaman kung gaano kahiwaga ang ice chikara ni Aichi. At doon ko rin napagmasdan ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko siya masisisi nawala ang kanyang pinakamamahal. Doon na tumulo ang mga luha ko. Bakit naging kamukha ko pa ang babaeng yun? Bakit ba wala akong maalala? Bakit kailangan naming maranasan ang lahat ng ito? Sa pag-iisip ko ng mga katanungan ay lalo lang gumugulo ang sitwasyon. Lalo lang nitong pinapalala ang aking pagkauhaw sa katotohanan. "Sino ba talaga ako?",ang tanong ko sa sarili ko. Nagsimulang magpakita ang mga alitaptap na lalo pang nagpahiwaga sa kagandahan ng lawa. Samahan pa ng nakakaakit na liwanag na nagmumula sa buwan. Nakita ko kung gaano nito pinakita kung gaano kalinaw ang tubig sa lawa. Natulala ako nang makita ko sa isipan ko ang isang pangyayari. Habang patuloy na tumatakbo sa isip ko yun ay parang binibiyak naman nito ang utak ko. "Goodbye Akari.",ang sabi ng isang lalaki. Tila isang kaluluwa na lang ang kausap niya habang patuloy itong naglalaho sa ere bago ito magmistulang alitaptap na may bughaw na liwanag. Napasigaw naman ako sa sobrang sakit. "Huwag mong kalimutan kung sino ka ba talaga! Alalahanin mo, ang taong pinakamamahal mo!",ang sabi ng isang boses sa aking isipan. Nawalan ako ng balanse ngunit hindi ko naramdaman ang pagbagsak ng aking katawan sa damuhan. Pagtingala ko ay nakita ko ang kalmadong mukha ni Sir Xerxes. "Kapag nalaman ng kapatid mo na hinayaan kitang natulog sa damuhan sa kalagitnaan ng malamig na gabi, tiyak na sa punishment room ang bagsak naming lahat. Kaya naman, bumalik na kayo ni Europe sa Chikara Realm. Hindi kami ang tunay na kaaway ninyo.", ang sabi ni Sir Xerxes at saka binuhat ako. Napaisip ako sa kanyang mga sinabi. Nagpadala lang kami siguro sa aming mga emosyon. Dapat namin silang pakinggan kahit hindi ganun kaganda ang rason nila. "Pwede kang umiyak, Miss Ashbell. Walang masama doon. Ang masama ay pinipilit mong maging masaya kahit alam mo sa sarili mo na sobrang sakit na. Baka kapag ginawa mo ulit yan, maaaring maging halimaw ka na hindi nakakaramdam ng anumang emosyon at iyon ang pinakanakakatakot na katangian.",ang sabi ni Sir Xerxes. Nagsimula na siyang maglakad. Napaluha na lang ako sa sinabi ni Sir Xerxes. Di ko alam kung tao pa ba ako sa kasalukuyan. Ang mga kamay na ito ay natutong lumaban para sa paglilinis ng karangalan ngunit kailanman ay hindi ko ito ginamit upang makaramdam ng init ng pag-aaruga. Ni-hindi ko nagawang yakapin si Mom kahit sa huling sandali. Napagtanto ko na napakaduwag kong tao dahil alinman sa mga emosyon ay hindi ko naipakita kay Mom. " Tandaan mo, tao ka, Asia. May pakiramdam ka. Alam mo sa sarili mo ang hangganan ng pagtitiis mo. Maaari kang umiyak habang buhat kita, pero huwag kang sisinga sa damit ko. Mahirap maglaba. Mahal ang sabon na nagmula sa kaharian ng Sierra. ",ang nakangiting sabi ni Sir Xerxes. Dumantay ako sa dibdib ni Sir Xerxes at saka ipinikit ang aking mga mata. Kahit sa panaginip lang sana ay maliwanagan nawa ang nagugulumihanan kong isipan. Aichi Hinahabol ko ang hininga ko dahil ang bilis tumakbo ni Asia. Ni hindi niya namalayan na nakagamit siya ng Speed and Agility chikara. Tss. Perks of being Celestial Prodigy. Napailing ako habang nililingon ko ang paligid. "Ang. B-Bilis. N-Niya.",ang sabi ni Sora. Napaupo siya sa damuhan sa sobrang pagod at pilit niyang hinahabol ang kanyang hininga. "Parang pagmamahal ko rin, ang bilis kong nahulog sa kanya.",ang sabi ko at saka inayos ko ang aking tindig at muling tumakbo. "Hugot mo! Nasa gitna tayo ng mission!",ang sigaw ni Sora. "Hell I care. Ang hindi ko alam ay kung saan natin siya hahanapin.",ang sabi ko. Napatigil ako nang biglang sumulpot si Kazuto. Mukhang kakatapos niya lang gumawa ng portal. "Sa west. Sa may bandang lawa. Nandoon siya kasama si Sir Xerxes.",ang sabi ni Kazuto. Napataas ang aking mga kilay ko. At ano namang ginagawa ni Xerxes dito in the first place? Hindi ba dapat nasa academy siya? "Paano mo nalaman? At anong ginagawa dito ni Xerxes?",ang tanong ko. "I'm a Sound Chikara user. I can hear and create sounds. I saw your resolve so it's fine to hurry up or else baka sa iba mahulog sa iba si Asia.",ang pang-aasar ni Kazuto "Thanks Lil' Bro!",ang sabi ko. Napatingala ako sa taas at nakita ko si Eichi na tumalon mula sa taas ng puno habang buhat-buhat si Europe. Tss. As usual to Mr. S-class-is-super-basic, minani-mani niya lang ang pagkaladkad kay Europa. "O tapos na ba kayo jan?",ang tanong ni Eichi. "Nope. Si Akari na lang ang kulang.",ang sabi ko. "Pasensya na! Na-late ako!",ang sabi ng pamilyar na boses. Napalingon kami at nakita naming buhat buhat niya na si Asia na parang isang bagong kasal. Tss. Dapat ako ang may buhat kay Asia hindi siya. "Xerxes!",ang sigaw namin "How rude! Dapat Sir ang tawag niyo sa akin lalo na't Professor niyo ako on P.E. and Combat!",ang sigaw niya. "Hayaan mo na pag tinawag ka naming Sir magmumukha kang gurang.",ang sabi ni Sora. "Gurang pala huh!",ang sigaw ni Xerxes habang ibabato niya na sana ang kanyang psychokinetic ball niya. Pinigilan ko ang pag-aaway nila lalo na't mahirap na at baka may makakita sa aming Hamstrung. "Cut the crap! Ano bang ginagawa mo rito?",ang sigaw ko. "Ok. Fine. Umuwi na kayo! Alam niyo bang sinermonan ako ni Mitsui dahil sa inyo! Ito namang Lyra dumagdag pa at sinermonan din ako kasi ako daw ang P.E. and Combat professor niyo eh tinuturuan ko daw kayong makipagbasag-ulo! Hay naku! Ang sarap pag-umpugin ng ulo ng dalawang yun!",ang reklamo ni Xerxes. "Did you record it?",ang sabi ni Eichi. "Oo naman Kuya.",ang sabi ni Kazuto. I-plinay yung ni Kazuto yung nirecord niya. Lumabas ang isang dilaw na orb at napapalibutan ito ng mga runes na nagmimistulang vibration sa palibot ng orb. "Ok. Fine. Umuwi na kayo! Alam niyo bang sinermonan ako ni Mitsui dahil sa inyo! Ito namang Lyra dumagdag pa at sinermonan din ako kasi ako daw ang P.E. and Combat professor niyo eh tinuturuan ko daw kayong makipagbasag-ulo! Hay naku! Ang sarap pag-umpugin ng ulo ng dalawang yun!" Napangisi naman kami dahil sa record na yun. Nice one, Kazuto! Napataas naman ang kilay ni Xerxes at nakita ko ang pagngisi nito. I thought we turned the tables pero kami pa ata ang dehado sa Great Tactician ng Medius Regnum. "Sir ibibigay ko ito kay Sir Crimson at Ma'am Flerris. ",ang sabi ni Kazuto. "Bigay niyo! Tingnan natin kung magawa niyo! Ibigay mo yan kay Mitsui ibabagsak ko kayo!",ang sabi ni Xerxes. Kaya naman itong si Kazuto namutla. What do you expect to Kazuto? Grades are everything to him. Kaya naman naglakad siya palayo sa amin. "Ok fine. Bumalik na tayo sa Academy.",ang sabi ni Kazuto. Napatingin naman sila sa akin na tila may hinihintay na mangyari. Duda talaga ako sa mga ito. Alam kong ipapangalandakan nila ang palpak kong paggawa ng portal. At inaakala nilang roller coaster ride ang ginagawa kong portal! "Kuya Aichi ikaw na lang kaya ang gumawa ng portal baka sakaling exciting ang mangyari.",ang sabi ni Mikuo at agad siyang binatukan ni Meiko. "Exciting ka jan? Wag mo namang ipangalandakang palpak gumawa ng portal si Kuya Aichi.",ang sabi ni Miku. "Salamat guys! Nakatulong!",ang sarcastic kong sabi. Itinaas ko ang aking kamay at nagsimula akong gumawa ng portal. Inisip ko ang lugar na gusto kong puntahan. At sa oras na ito ay ang Chikara Academy lang naman ang gusto kong puntahan. "Sana exciting!",ang sigaw nung triplets. "Exciting kayo jan?! Feeling ko masama ang mangyayari rito eh.",ang sabi ni Shinichi. "Oh pasok na mga nakahithit ng katol! Huwag niyo ang sisisihin sa mangyayari sa atin. Isa-isa silang pumasok, at naririnig ko ang kanilang mga sigaw. Kazuto Wew! Mukhang may thrill ang pagpasok namin. Dahil hayop! Kuya Aichi! Sumpain ka! Dapat marunong na siya sa pagkakataong ito! Pero bakit bumubulusok na naman kami sa ere! "Waaaaaahhh!",ang sigaw ko dahil babagsak lang naman kami sa Headmaster's Office. Kung alam ko lang na babagsak kami sa mismong Academy eh di sana ako na lang ang nagvolunteer na gumawa ng portal! "Kuya Aichi! Sumpain ka!",ang sigaw namin. "Hayop ka Aichi! Hanggang ngayon palpakin ka pa rin gumawa ng Portal!",ang sigaw ni Kuya Sora. "Huwag niyo kong sisihin! Ginusto niyo yan eh!",ang sabi niya. "Kuya! Yari tayo kay Tanda!",ang sigaw ko. "WAAAAAAAAHHHHH!",ang sigaw naming lahat. "Anak ka ng Bakunawa, Hamilton! Huwag mong sabihing aerial view ang iniisip mo during teleportation?!",ang inis na sigaw ni Sir Xerxes. Tumatawa naman si Kuya Aichi. At dahil sa tawang iyon mukhang alam na namin ang dahilan kung bakit kami laging bumubulusok pababa kapag nagteteleport sa tuwing si Kuya Aichi ang gumagawa ng portal. Katulad ng inaasahan bumagsak kami sa Office ni Headmaster Satsuki. Nabutas ng matindi ang bubong ng opisina ni Headmaster at kahit makapal ang usok ay kitang kita ko ang inis sa mukha ni Headmaster. "HA-MIL-TON!!!!!",ang sigaw ni Headmaster Satsuki na feeling namin ay umabot sa buong Academy. "Aray ko naman! Ang sakit sa tenga Headmaster!",ang sigaw ko. "Sinong sira ulo ang nagpagawa ng portal kay Aichi?!",ang sigaw niya. Nagtaasan kaming lahat at itinuro naman kami ni Kuya Aichi. Patay. Mukhang wala kaming lusot sa isang ito. Nararamdaman ko na ang matinding inis kay Headmaster. Napatingala naman kami sa butas sa bubong at nakita namin ang pagbagsak noong dalawa. "Headmaster! Umalis kayo jan!",ang sigaw ni Sir Xerxes habang buhat-buhat si Rin. "Oi Tanda umalis ka jan kung ayaw mong masira yang pogi mong mukha!",ang sigaw ni Kuya Eichi habang buhat-buhat si Len. "Shoot! Umalis na tayo!",ang sigaw ni Headmaster. Nagteleport kami sa labas ng Office at narinig ko ang isang malakas na pagsabog mula sa loob ng opisina ni Headmaster. That's it! We already filled up Headmaster's patience meter! And we are waiting to his top to the lungs yell! "HAMILTON! ELRIC! MGA WALANG HIYA KAYO! LAHAT KAYO SA PUNISHMENT ROOM!",ang sigaw ni Headmaster. Grabe yung galit niya! Pakiramdam ko ay matinding sakit ng katawan ang aabutin namin ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD