King
"Are you one of us?" ang tanong niya na ikinagulat namin.
Napamaang naman ako sa sinabi ni Asia. Ano bang tinutukoy niya? Ang pagiging Chikara user kaya ang tinutukoy niya? Alin ba dun? Halos mapalunok kami ng aming mga sariling laway dahil sa kaba. Masyadong nakakatakot si Asia kumpara noong dati.
"What do you mean?" ang tanong ni Meiko.
"Anong ibig kong sabihin? Nagmula rin kayo sa Chikara Realm, hindi ba?" ang tanong ni Rin.
Chikara Realm? Paano nila nalaman ang tungkol dun? Hindi kaya dinala sila ng mga nagmula dito pero sino? Hindi kaya dinala sila doon ni Kuya Kaito?
"Ano bang pinagsasabi niyo? Nakahihithit ba kayo ng katol?" ang pagbibiro ni Mikuo.
Tiningnan ako ni Asia sa mata at nakita ko ang mga matang naghahanap ng kasagutan sa mga katanungang bumababagabag sa kanila.
"Oi, don't tell me nanggaling na kayo dun?" ang tanong ko.
"Yeah. And we we're studying in Chikara Academy for the past two weeks," ang sabi ni Len.
"WHAT?" ang sigaw namin.
Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi nila. Namuo ang pawis sa aming mga sentido at pakiramdam ko ay walang patutunguhan ang pagtatago namin.
''Mukhang wala talaga akong maitatago. You may calm your eyes now. Hindi kami kalaban," ang sabi ko.
Their face calmed down a bit. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil talagang nakakatakot ang mga mata ni Asia.
"So, how did you know that we have chikara like you?" ang tanong ko at nagkatinginan sila ni Europe.
"Based on your reaction when we appear in front of you," ang sabi europe at saka ngumiti siya.
Tsk. This person really amazes me everytime. I just got curious kaya naman tinanong ko kung anong section nila. Maybe were in college here but Meiko and the others were still in last year of Highschool. I, Shinichi and Ace were in actually college in Chikara Academy. I was assigned at the Royalty section, but I have a dream. At ang pangarap ko ay ang maging knight. Pero dahil sakop ako ng royalty I've got no choice but to attend the Royalty Section.
"What section?",ang tanong ni Shinichi sabay inom namin ng iced tea.
"Sad to say but the headmaster assigned us to the Royalty Section.",ang sabi ni Len.
Naibuga namin sa mukha ni Ace yung iniinom namin nang malaman namin yung section nila. Halata sa mukha ni Ace ang pagkairita kaya naman kinuha niya ang napkin na malapit sa kanya at agad niyang pinunasan ang kanyang mukha.
"What? Sa Royalty Section?",ang sigaw ko.
"Whoa! How come?" ang sabi ni Ace habang pinupunasan yung mukha niya.
"I think we put in a case called 'Mistaken Identity',"ang sabi ni Rin.
Mistaken identity? But why? Anong trip ni Headmaster para mapagkamalang kung sino si Europe and Asia? Pinagkaisipan ko pa talaga kung sino ang kamukha nila ngunit hindi ko maalala.
"Rin bakit sa tingin mo ay Mistaken lang pagkakalagay sa inyo sa Royalty section?" ang tanong ko.
Umupo naman sila sa couch at saka kumuha ng blueberry cheesecake bago sila nagsalita.
"Dahil sa kamukha ko ang tinatawag nilang Princess Hikari,"ang sabi ni Rin.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. So after all this time hinahanap pa rin nila si Princess Hikari. Ang huling rinig ko ay may humukay sa kanyang libingan at nawala ang bangkay niya doon. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang pagkawala ng bangkay niya. May ibang nagsasabi na nabuhay ang prinsesa gamit ang forbidden spell na tinatawag na Revixisse. At pinaniniwalaan nilang nasa Hamstrung world ang prinsesa.
Napalingon ako kay Asia at inisip ko ang natatandaan ko sa hitsura ng Prinsesa. Oo nga no? Kamukha niya. White hair. Raging blue eyes. White Complexion. Walang duda mapagkakamalan ngang siya si Princess Hikari. Isa na lang ang kulang, ang magpakita ang kanyang gintong mata na tinatawag na Celestial's eye.
"Totoo naman eh. Mukhang ikaw nga ang hinahanap nila,"ang sabi ko.
"What do you mean? Wag mong sabihing may kinalaman ka sa past nung Princess Hikari?" ang sabi ni Len.
Inayos ko ang pagkakaupo ko at tinitigan sila. Sa aming lahat na naririto, kami lang nina Ace at Shinichi ang nakakaalam ng tunay na hitsura ng prinsesa ng Medius Regnum. Nasaksihan ko lahat ng hinanakit, luha, poot at galit ni Kuya Aichi sa naka-white cloak na siyang tumapos sa buhay ni Prinsesa Hikari noong gabing iyon.
"Actually, First year highschool ako nun nung pumasok si Princess Hikari. Brown pa ang buhok niya at may glasses. In short, nerd siya. But after ng isang mission sa Terra ganun na ang nangyari naging kamukha mo na siya. Walang makapagpaliwanag ng pangyayaring iyon," ang sabi ko.
"What?" ang sigaw ni Rin.
"Then paano naman yung mga Phantom na humahabol sa amin? Anong kinalaman naman sa kanya?" ang tanong ni Len na ikinaseryoso namin.
Napatiim naman ako nang bagang. Kung ganun nakaabot na pala sa mga phantom ang tungkol kay Asia at Europe. Talagang nanganganib ang buhay nila kung ganun.
"Len, makinig ka. Kung yung Phantom yung usapan isa lang ang naiisip ko. Mukhang bukod sa Chikara niyong kaka-discover pa lamang. Mukhang may nakita pa sila sa inyo na maaari nilang gamitin sa mga plano nila," ang sabi ko.
"Pero hindi ba babalik naman kayo sa Academy, di ba?" ang tanong ni Ace.
"Hindi na kami babalik dun," ang sabi ni Rin.
"Bakit naman hindi?" ang tanong ni Meiko.
"Meiko, ayaw na namin na may madamay pang mga inosente dahil lamang sa pagprotekta sa amin. Tama na ang gulong idinulot namin kay na Aichi. Isa pa, ayaw ko nang umasa sa tulong nila, "ang sabi ni Rin.
Habang nagkakaroon ng matinding pagkaseryoso ng paligid ay biglang sumingit si Mikuo at Miku. Hindi ko alam na wala pa pala ang mga ito dito sa hide out. Hindi ko sila masisisi, sa kanilang tatlo pinaka-mature mag-isip si Meiko.
"Yo Guys! Namiss niyo ko?" ang sabi ni Mikuo, siya naman ang easy-go-lucky na kakambal ni Mitsuo.
"Hindi ka namin na-miss Mikuo,"ang sabi ni Rin at Len.
Tss. As expected, malakas pa rin mang-asar yung dalawa. Nag-inarte na naman si Mitsuo na akala mo ay nabasag ang puso nito sa sinabi nung dalawa. Lumapit naman si Miku at niyakap si Asia. Sa aming sa lahat ay si Miku ang pinakabata.
"Ah ganun ba? Kung ganun di mo rin ako na-miss?" ang sabi ni Miku.
Isa pa yan sa kakambal ni Meiko. In short, triplets sila. Kaya naman kapag nagsama-sama sila ay isang delubyo ang magaganap. Kaya naman binansagan sila the Royal Chaotic Triumvirate nang ibang gang. Pero para sa kanila ay napakabaduy ng pangalan na iyon kaya naman nagpapakilala silang The Midnight Calamity, dahil para sa amin para silang bagyong humahawi sa mga kalaban namin sa events.
"Hi Sis!" ang bati ni Miku kay Meiko.
Tumalikod lang si Meiko at nagtungong pantry. As usual, magtatampo na naman ang isang 'to kay Asia.
"Ahm. Narinig namin usapan powers ah? Alam niyo kami meron din!" ang sabi ni Mikuo kaya binatukan siya ni Miku.
"Aray! Bakit mo ko binatukan?" ang sigaw ni Mikuo
"Baliw ka talaga! Alam mo namang may Hamstrung dito eh!" ang sigaw ni Miku.
"Okay lang. Di naman sila Hamstrung eh," ang sabi ni Meiko at tinuro yung dalawa.
"Teka,lahat ba kayo eh sa Knight Section?"ang tanong ni Len.
"Actually nahahati ang Knight Section sa Lima pang subsection.First is Amity. Second is Bravery, third is Courteousness, Fourth is Freedom and last is Serenity. Pero lahat kami nasa section ng Bravery. Nakakabagot kasi ang pagiging seryoso ng Amity. At ang triplets naman ay nasa highschool.",ang sabi ni Shinichi.
"Whoa! Pero, bakit ganun? Parang ang laki ng takot ng mga Knight Section sa Royalty section? " ang tanong ni Rin.
"Alam mo Rin, kilala na ng Royalty Section bilang section ng mga future leaders. Kaya huwag ka nang magtataka kung ganun ang pakikitungo ng mga taga-Knight section," ang sabi ni Ace.
"Mas maganda sana kung course na lang ang tinawag nila kaysa sa section nakakalito eh.",ang sabi ni Len at lumantak ng Chocolate cake.
Na-curious ako sa chikara nila kaya naman nagtanong ako. Baka may makuha rin akong kasagutan kung bakit sila hinahabol ng mga Phantom. Mahirap na baka may nakitang potential sa kanila ang mga Phantoms. At yun ang kailangan naming mapigilan.
"Maiba ako anong power niyo?" ang tanong ko.
"Actually, teleportation, telepathy, and telekenesis yung sa akin.",ang sabi ni Len.
Kung ganun nasa Multi-Sub-Ability ang kanyang Classification. Hindi na ako magtataka kung bakit sila hinahabol ng kanilang mga kalaban.
"Impressive huh.",ang sabi ko.
Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Rin. Halatang nagulat siya sinabi ni Len.
"At kelan ka pa nagkatelekenesis huh Eu?" ang tanong ni Rin.
"Kagabi lang. Nung natutulog ka kasi nasanggi mo yung picture frame kaso hindi na ako aabot ang kaso nung ikinumpas ko yung kamay ko lumutang yung picture frame," ang paliwanag ni Len na ikinagulat namin.
"Within one night natutunan mong i-manipulate yun?" ang sigaw nila except sa amin ni Len at Rin.
"Yeah. Pero wag kayong magulat sa akin. Kung hindi kay Asia. Mas malakas ang ability niya kumpara sa akin,"ang sabi ni Len.
"What do you mean?" ang takang tanong namin.
"I'm a caster and also a mind reader. O I forgot I remember I have also telepathy," ang sabi niya.
"WHAT?" ang sigaw namin.
"C-Caster? That is third level of Classification!" ang sigaw ni Ace.
Now i know kung bakit talaga tinatarget ang dalawang 'to. They are really powerful.
"Nope. I think they should put another type," ang sabi ni Meiko.
"What do you mean by that Meiko?" ang tanong ko.
"The Cross Bloods," ang sabi niya.
Napangiwi naman kami sa sinabi ni Meiko. Wala na ba siyang ibang maisip na tawag?
"Eww. Ang Baduy. How about the Hybrid?" ang sabi ni Mikuo.
"Hybrid?" ang sabi ko.
"Yeah. Hybrid. Two types in one. O di ba parang kape lang," ang sabi ni Mikuo.
"Sira! Three-in-one yun!"ang sabi ni Ace.
Ace
Hay naku! May pag-asa ba ako? Grabe kapangyarihan palang nila hindi ko na sila ma-reach. Asia my Loves naman kasi eh!
"Oi Ace kanina ka pang tahimik jan? Ah alam ko na ipakita mo na lang kaya sa akin yung powers mo?" ang sabi ni Asia My Loves.
Ngumiti siya sa akin at ako naman itong si marupok ay sunod naman sa pinaggagawa niya. Ene be, Asia my loves?! Baka matunaw ako, paano na future nating dalawa? Tumikhim naman ako at saka inilabas ang aking sketchpad.
"Sige ba!" ang sabi ko.
Kinuha ko yung ballpen at nagdrawing ng mga numbers. Lumutang sa ere ang mga drinowing ko at pumaikot ito kay Asia. Nagsimula itong magcountdown at nagpasabog ito ng confetti.
"Whoa! Animator ka?" ang sabi ni Asia my Loves na first time ko lang makitang magtwinkle ang mga mata.
"Oo eh!" ang sabi ko.
Asia My Loves naman eh wag mo akong titigan ng ganyan baka matunaw lalo ako! Ay bad mind! Mind reader nga pala siya!
"Eh ikaw kaya King? Ano kaya sa'yo?" ang tanong ni Europa.
Oo nga no? Never ko pang nakita yung powers ni King?
"Ay yun ba?" ang sabi niya at pumitik siya at nabasag yung baso.
"C-Crash Magic?",ang sabi ko.
"Actually, hindi. Nagpakawala siya ng waves kaya nabasag yung baso. Ikaw ha! Sound chikara user ka pala?",ang sabi ni Meiko.
"As expected,"ang sabi ni King.
"Eh sa inyo?",ang tanong ko.
Si Meiko gumawa siya ng baso. Glass chikara user pala siya? Magpagawa kaya ako ng inking pen sa kanya? Si Miku naman gumawa ng Ice knife. Parang yung kaibigan lang pala ni Ate na si Aichi Hamilton. Sunod si Mikuo, gumawa siya ng prutas na gawa sa crystal. Crystal Chikara user pala siya.
"Oi Shinichi? Ano sa'yo?" ang sabi ni Meiko.
Kumuha siya ng libro at binasa yun. Then biglang nagkaroon ng cake sa lamesa.
"Silver tongue," ang sabi namin.
"Tara kainin na natin yung cake.",ang sabi ni Shinichi.
"Butterscotch Cake ba yan?",ang tanong ni Mikuo.
"Oo.",ang sabi ni Shinichi.
"Hay salamat. Kinabahan ako at Amelia Bedelia binasa mo. Palpak pa naman yung sponge cake niya dun," ang sabi ni Meiko.
Kung ganun para pala siyang si Ate. Si ate kasi ay kaya niyang magsummon ng mga creatures kapag binasa niya ang isang word.
"Alam mo magkatulad kayong ability ng Ate ko,"ang sabi ko kay Shinichi.
Habang nagkakasiyahan kami ay nagulat kami sa biglang pagbukas ng pinto. Iniluwa nun ang mga taong dapat naming layuan. Ang mga estudyante ng Royalty Section. Para naman kaming nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa kanilang pagdating.
"At last, nahanap na rin namin kayo, Asia at Europe,"ang sabi ng isang pamilyar na boses.
Tumayo si King at saka seryosong tiningnan ang mga taga-Royalty section.
"Kuya Sora long time no see. What brings you here?"ang sabi ni King na siyang ikinagulat namin.
''None of your business, Kazuto. We need Asia and Europe back",ang sabi ni Sora.
''It's my business. Member ko sila kaya pananagutan ko sila,'' ang sabi ni King.
Naikuyom ko ang aking kamao. Wala akong alam sa nangyayari pero anuman ang dahilan nila, hindi nila dapat pinipilit sina Asia.
''Gusto mo ba ulit mabalian ng buto, Kazuto?'' ang tanong ni Sora.
Ngumisi si King at saka tumawa nang malakas. Alam kong hindi baliw si King pero mukhang sinasaltik na naman siya! Nang na-ulian na si King ay tumitig siya nang matalim kay Sora.
''Bring it on,''ang sabi ni King.
Seriously? Hindi ko alam ang pinaplano niya pero tiyak na isang sakit sa katawan ang binabalak niya!