Akari/Hikari Nakakainis talaga sina Kuya. Kahit anong paliwanag ko ay talagang sinusubok nila ang pasensya ko. Ipinaliwanag ko lang naman na ipinaglaba ko lang si Saber ng damit pero para sa kanila ay may ginawa na akong kababalaghan. Nakakainis! Nandito ako ngayon sa may Moonlight Garden kung saan laging gabi at tanging mga bulaklak na namumukadkad at nabubuhay sa dilim lang ang tanging makikita rito. Nabalitaan ko nga na may bahaghari kang makikita rito kahit na gabi. Hindi ko nga pinaalam na narito ako eh. Mahirap na, baka magmisa na naman yung tatlo sa akin. Eh matitigas pa naman ang ulo ng mga yun. "Putek na iyan. Ang hirap magpaliwanag sa magugulong tao,"ang sabi ko sa aking sarili. Bakit ko nga ba kinakausap ang sarili ko? Para naman akong tanga sa ginagawa ko. "Pwede ba kitang

