“And where have you been again?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Rex sa bagong dating na si Aira. Late na kasi ito para sa rehearsal sa araw na iyon. After JE’s accident, The Hermits continued as a band, and Aira became the vocalist. Ang JEM Entertainment ay hinayaan ni Bettina na si Marlon ang mamahala. Tutal ang lalaki rin naman ang kasa-kasama noon ni JE, kaya’t mas gamay na ni Marlon ang trabaho roon. But the band didn’t get the same popularity as before. Mula nang mawala si JE, unti-unting nawala ang kinang ng mga ito pagdating sa paggawa ng musika. They never exceed what JE accomplished when he was with them. They never had the same impact to the fans. Padabog na naupo si Aira sa harap ng keyboard nang hindi sinasagot si Rex. “Ready. . .” ani Felix sa mga kasama. Walang n

