SEAN Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang sumunod na lang sa kagustuhan ni tito. Hindi naman din malaking problema para sa akin kung sino ang maiiwan dito, sadyang gusto ko lang din muna malaman ang kani-kanilang panig bago kami magdesisyon upang wala kaming pagsisihan sa huli kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa aming panig. Wala na akong balak na magpatagal pa rito at masyado nang maraming oras ang aming nasayang na siyang hindi naman na rin namin maibabalik pa. Humakbang na ako palapit kay tita tsaka ko siya tinabihan. "Ikaw na mauna, Tita. Kailangan kong masiguro na makakababa ka muna ng ligtas bago ako sumunod sa 'yo. Para na rin ma-assist kita habang narito pa ako," sabi ko sa kanya at pagkatapos niyon ay bahagya ko siyang tinulak paabante sa daanan, hindi ko naman iyon

