SEAN Ang maganda lang dito ay wala pa akong nasisilayan na kahit anong bagay na maaaring magdulot sa amin ng isang matinding peligro o aksidente. Hindi lang maiiwasan ang sobrang pagkarumi ng nasa paligid namin, kahit saan ako lumingon ay wala akong ibang makita kundi mga sapot at kumpol-kumpol na alikabok, na para bang hindi na ito nagagamit ng ilang daang taon. Nakakatatlong minuto pa lang yata kami sa aming paglalakad, rinig na rinig ko naman ang mga yapak ng dalawang babae na kasama ko sa likuran kaya hindi ko naman kailangang alalahanin kung nakakasunod ba sila ng mabuti sa akin o napag-iiwanan ko na sila at masyado silang nabibilisan sa akin. Mula sa sulok ng aking mga mata ay napansin ko ang isang anino, hindi naman iyon galing sa tao kaya binalewala ko na lang iyon at hindi ko na

