SEAN Walang pumalya sa aming tatlo na magkakasabay rin na pumunta sa harap ng main door upang lapitan si Amy dahil doon siya nakalupasay ngayon. Lumuhod agad ako sa harapan niya kahit pa hindi niya ako nakikita, gustong-gusto ko na manghingi ng tawad sa kanya pero mababalewala lang din naman iyon kung hindi niya ako maririnig. Maghihintay na lang siguro ako hanggang sa oras na magising na siya upang mapag-usapan namin ng mabuti ang nangyari at kung ano na ang pinaplano niya ngayon. Inupuan naman ni tita ang kanyang sariling binti at paa upang maipatong niya sa kanyang hita ang ulo ng kanyang anak. Habang si Francine naman ay walang magawa kundi ang manood sa amin mula sa gilid dahil alam niyang hindi rin naman siya pahihintulutan ni tita na lumapit kay Amy. Napansin ko na parang hindi na

