SEAN Lumuhod na rin ako sa harapan ni tita tsaka ko siya yinakap. Hindi ko iyon masyadong hinigpitan kasi baka mahirapan siya sa kanyang paghinga, mahirap na, umiiyak pa naman siya. Saglit lang naman iyon, dumistansya agad ako sa kanya kasi nakakahiya rin para kay tito kahit pa wala naman iyong malisya. Hinawakan ko na lang siya sa magkabilang balikat niya tsaka ako ngumiti sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya. “Ako ang bahala, Tita, kami ni Francine ang bahala na magligtas kay Amy,” sabi ko sa kanya tsaka ko inayos ang buhok niya. Tumayo na rin ako para tulungan ko siyang makatayo, nagtulong kami ni tito na buhatin si tita kasi nanghihina siya ngayon. “Umupo na muna kayo kahit saan man kayo komportable, mag-uusap muna kami ni Francine,” marahang utos ko sa kanila at hindi ko naman si

