SEAN “Ano bang meron d’yan? Ano bang hinahanap mo? Kanina ka pa nakatingin sa baba, may binabalak ka bang gawin?” tuloy-tuloy na tanong ko kay Francine nang mapansin ko ang patuloy na pagngiti niya at ang makinang niyang mga mata. Medyo lumakas ang boses ko kaya nung napasulyap ako kina tita at tito ay nakita kong nakatingin nga sila sa amin, marahil ay bigla silang napatingin dahil sa pagtaas ng boses ko. Sumenyas ako sa kamay ko na wala silang dapat ipag-alala at huwag muna kaming pansinin kaya bumalik na sila sa kani-kanilang ginagawa at mukhang abala lang sila sa pag-uusap. Siguro ay pinapatahan ni tito si tita dahil sa nangyayari at malamang ay nanghihingi na rin siya ng tawad sa nagawa niyang pagsampal sa asawa niya kanina, kung hindi naman din kasi niya ginawa ‘yun ay baka hindi na

