Jiro’s POV Susundan ko sana si Aleina kanina pero piniglan ako ni Aeron dahil alam niyang handa na akong makipagtalo kay Aleina dahil sa mga nasabi niya. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na tapusin ang sinasabi ko at nagawa pa niyang husgahan ako. Sinabi na lang sa akin ni Aeron na lawakan ang pag-unawa kay Aleina ngayon dahil hindi lang naman iyon ang naririnig niya mula sa ibang tao at masyado raw mabigat ang pinagdadaanan nito kaya hindi makatutulong kung maging ako ay dadagdag pa sa mabigat na pinagdadaanan niya. Tinanong ko nga kay Aeron kung may alam siya sa mga pinagdadaanan ni Aleina dahil sa paraan ng pagkausap niya sa akin ay parang siguradong-sigurado siya sa may mabigat itong pinagdadaanan at sinabi lang niya na si Malia ang nagsabi ng mga iyon sa kanya. Papunta na ako

