Jiro’s POV Nasungitan kaagad ako ni Miss Nunal noong sinabi ko na pumapayag akong lumabas kasama siya kagaya ng idinahilan niya sa lalaking kausap kanina. Nasungitan ako pero sinabi rin niya na tutuparin lang niya ang ipinangako sa akin sa muling pagkikita namin kaya ililibre na raw niya ako. Kaagad ko ngang sinabi kay Kuya Euan na natapos ko lahat ng kailangan kong gawin pero sinabi ko rin na hindi kaagad ako uuwi dahil may sasamahan akong kaibigan. Kaagad nga siyang tumawag at nagtanong kung sino ang kaibigan na tinutukoy ko. “Jiro, parang kailan lang ay malungkot ka na walang nakaaalala sa iyo na kaibigan mo pero ngayon ay sasabihin mo sa akin na may sasamahan kang kaibigan? Saan mo naman napulot ang kaibigan na iyan?” Sunod-sunod na naman ang pagtatanong niya kaya kahit isa sa mga ta

