Jiro’s POV Hindi lang basta paghingi ng tawad ang ginawa ko sa mga kapatid ko dahil noong nakaraang araw ay sumama ako kay Ate Michiko para tumulong sa Dream Flower Shop. Hindi ko naman akalain na talagang susulitin niya na pagbuhatin ako ng kung ano-ano at nautusan din niya akong mag-deliver ng mga bulaklak. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero inaasahan ko na ganito siya sa akin dahil sa pagiging pasaway ko at hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang binanggit sa akin kung kailan ako dapat pumunta sa unibersidad na papasukan ko. Samantalang ang pambawi ko naman kay Kuya Euan ay ang pagbabantay kay Tovee kaya nakalabas ulit silang mag-asawa. Hindi ko alam kung tumanda ba ako kaya mabilis akong napagod o kung sadyang fully charged lang si Tovee kaya hindi ko matadaan ang salitang pahi

