Aleina’s POV “Rebecca, dahan-dahan ka sa paglalakad mo at baka madapa ka pa.” Ngayon lang ulit kami nakalabas dahil ngayon lang ako nagkaroon ng budget para igala siya sa labas. Pahinga ko rin ngayong araw at wala naman masyadong gagawin dahil natapos ko na iyon para lang mabigyan ang makulit na bata na ito dahil gustong-gusto niya na lumalabas kami. Nang pagsabihan ko siya ay huminto siya para hintayin ako sa paglalakad pagkatapos ay hinawakan pa niya ang kamay ko pero bahagyang hinihila pa rin ako dahil sa wakas ay nakapag-mall na ulit kami at nandito ulit kami sa laruan na paborito niyang pinupuntahan noon at hanggang ngayon naman ay paborito pa rin niya iyon. Gusto niya iyong nakatatakbo siya at maraming nakikita na tao sa paligid. Kaunti na lang ay iisipin ko na sawa na siya sa mukh

