Jiro’s POV “Oh my gosh, Jiro! What are you doing?! Ano ba ang plano mo sa buhay mo? Bakit lasing ka na namang umuwi at bakit ang pula na naman ang mga mata mo? Alam mo ba kung anong oras na? Kanina pa ako naghihintay sa iyo. Ni isang tawag ko ay hindi mo man lang nasagot. Saan ka ba galing, ah?” Boses kaagad ng kapatid ko ang sumalubong sa akin at masakit iyon sa tainga dahil ang gusto ko lang ngayon ay mahiga sa kama. Hindi ko na rin alam kung paano ako nakauwi dahil hilong-hilo ako at naririnig ko na sinasabi ni Ate Michiko na pagewang-gewang na rin sa paglalakad na parang zigzag ang dinaraanan ko. Lasing ako at nahihilo kaya kahit papaano ay naging proud pa ako sa sarili ko na nakauwi ako sa amin. “Paano ka nakauwi na ganiyan ka kalasing? May naghatid ba sa iyo? Hindi mo ba naisip na

