Jiro’s POV Kanina pa ako pinagtatawanan ni Ate Michiko dahil hindi talaga ako mapakali ngayong araw! Simula nang magising kami ay lahat yata ng gamit na kailangan ko ay isinisigaw ko sa kanya dahil sinasabi ko na hindi ko iyon makita kahit pa ang gamit na hinahanap ko ay nasa harapan ko lang pala. Hindi ko makita ang mga iyon kaya alam niyang kinakabahan ako sa araw na ito. “Ate Michiko! Huwag mo naman akong pagtawanan diyan, kinakabahan na nga ako pagkatapos ay tinatawanan mo lang ako,” pagrereklamo ko pa sa kanya at umamin pa ako ngayon na kinakabahan ako dahil sa ginagawa niya. “Hoy, Jiro, bakit ka ba kinakabahan diyan? Graduation mo ngayong araw at hindi ka naman siguro mag-po-propose kay Aleina, hindi ba? Parang kang baliw sa pagkalito kung nasaan ang mga gamit mo kahit iniayos mo

