Jiro’s POV “Pero pinili mo pa rin iyon, Jiro. Parang sinira mo lang ulit ang tiwala na ibinigay sa iyo ng mga taong mahal mo. Ano ba ang mayroon sa droga na iyan at binabalik-balikan mo? Kung ganiyan lang nang ganiyan, mas pipiliin ko na lang din na makalimutan ka namin ni Rebecca kaysa masaktan kami nang paulit-ulit.” Hindi na ako makapagsalita at parang hinihintay ko na lang na sabihin niyang makikipaghiwalay na siya sa akin. Nanghihina na rin ako dahil kapag nagkataon ay may mawawala sa akin dahil sa parehong dahilan—droga. Muli ba nitong sisirain ang buhay ko? Muli ba akong masasaktan dahil doon? “Handa na akong makipaghiwalay sa iyo—” “Paano kung sabihin kong hindi ako handa ngayon na maiwanan mo at hindi ako magiging handa, Aleina? Iiwanan mo pa rin ba ako?” “Sinabi ko bang iiwa

