Jiro’s POV Ilang araw na akong naghihintay ng mensahe ni Aleina para malaman ko kung kailan at saan kami magkikita. Ayaw niyang makipagkita sa bahay namin kaya naisip ko na may kinalaman iyon sa dapat naming pag-usapan. Kung makikipaghiwalay siya sa akin ay sigurado ako na mahihiya siyang makipagkita kina Ate Michiko. Ilang beses ko ring itinanong kung makikipaghiwalay ba siya sa akin pero ilang beses din niyang inulit na pag-usapan na lang namin iyon kapag nagkita kami. Kung hindi naman siya makikipaghiwalay sa akin ay madali naman niyang masasagot na hindi tungkol doon ang pag-uusapan namin, hindi ba? Ilang araw ko na iyong iniisip at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako. Mabuti na lang at dumadalaw rito sina Lance at Aeron, mukhang nagkasundo nga sila dahil maraming beses na nila

