Chapter 5

1737 Words
Jiro’s POV “Aray ko! Kuya Euan, tulungan mo nga ako rito!” sigaw ko noong nakalapit na sa akin si Ate Michiko. Kinakabahan pa ako noong una na muli siyang makita pero noong nakita ko ang ngiti, luha at pagkasabik niyang mayakap ako ay alam kong miss niya ako at hindi nagbago ang tingin niya sa akin kahit na nagloko ako at kahit marami akong nasabi sa kanya na hindi maganda. Humihingi ako ng tulong kay Kuya Euan dahil bukod sa sabik na sabik si Ate Michiko na yakapin ako ay talaga namang gigil na gigil din siya sa akin! “Kuya Euan! Save me!” sigaw ko ulit pero tinatawanan lang ako nina Kuya Euan habang pinanonood ang panggigigil sa akin ni Ate Michiko. “Saan ka na naman galing? Kababalik mo lang ay lumalayas ka na naman! Kanina pa ako naghihintay sa iyo pero inuna mo pang manligaw bago magpakita sa Ate mo!” sigaw ni Ate Michiko habang niyayakap at pinanggigigilan pa rin ako. “Miss na miss kitang pasaway ka!” dagdag pa niya bago humiwalay sa akin. Hindi ko na rin alam kung ilang hampas ang natanggap ko mula sa kanya. “Manligaw? Kailan ba ako nanligaw, Ate Michiko? Hindi ba ako naman ang nililigawan noon?” sagot ko naman sa kanila pero alam naman nilang biro lang iyon at nagyayabang lang ako. Baka nga namiss din nila ang ganoong kakulitan ko kaya pinagbigyan ko sila. Sa totoo lang, akala ko talaga ay magkakaroon ng ilangan sa amin kapag bumalik ako lalo na at hindi naman naging maganda ang paghihiwalay namin ng landas noong kinailangan kong manatili sa rehabilitation center. I made a huge mistake when I chose to try taking drugs and I made even huger mistake when I decided to get addicted to it. Kung mayroon man akong pinaka-nasaktan sa lahat ng naging kasalanan ko ay walang iba kung hindi si Ate Michiko. She witnessed every changes in me. Siya rin ang unang nakaranas kung gaano katigas ang ulo ko, kung paano ako sumagot kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko at maging ang madalas na pang-aaway ko ay siya ang unang nakaranas. Lahat ng nagbago sa akin ay siya muna ang nakapansin bago ang ibang tao. Siya ang kasama ko sa bahay kaya lahat ng ipinagbago ko ay nasaksihan niya. Pati na rin ang pagsagot ko sa kanya nang pasigaw ay isang malaking pagbabago sa akin. Iyong kabiruan ko siya palagi at magkasundo kami sa pag-aasaran at halos sa lahat ng bagay ay nagbago rin dahil sa naging kagaguhan ko. Nagsimula sa maliit na away hanggang sa sinisigawan ko na siya at umabot pa sa p*******t ko sa kanya para lang huwag na niya akong pakialaman sa buhay ko. Hanggang ngayon nga ay naaalala ko pa rin kung paano siya tumingin sa akin noong nangyari iyon at kung paano ko nakita ang sakit na naramdaman niya. Pinagsisisihan ko iyon dahil kahit nasaktan ko siya, hindi siya bumitiw para bantayan ako at gabayan na maging tama ulit ang paraan ng pamumuhay ko at para mahalin ko ulit ang sarili ko. I’m really grateful to have Kuya Euan and Ate Michiko in my life. I know Kuya Euan will also agree that we don’t have a perfect family but we have the strongest family who will got hurt by someone’s mistake but will never think of leaving that person behind. It was really a refreshing feeling to see and to be able to be with them again. “Ate Michiko, wala naman akong ginagawa sa iyo. Will you stop crying?” sabi ko sa kanya noong huminto siya sa panggigigil sa akin at noong yumakap lang siya pagkatapos ay umiyak na nang umiyak sa mga bisig ko. She is one of the strongest women I’ve ever met and I’m so lucky to have her as my sister. Kahit marami na akong pagkakamali bilang kapatid niya ay nandoon pa rin ang pag-intindi niya sa akin. Kahit hindi ko iyon palaging nasasabi sa kanya, gagawa na lang ako ng paraan para maiparamdam iyon sa kanya. Hindi biro ang sakripisyo at pagtayo nila ni Kuya Euan sa akin bilang mga magulang na rin. Mga kapatid ko sila pero parang sina Nanay at Tatay ang paraan ng paggabay ng ginawa nila kaya nagpapasalamat ako na mayroon ulit akong pagkakataon para bumawi sa kanila. Sana lang kayanin ng sarili kong ipagpatuloy ang pagbabago na ito. “Napakapasaway mo naman kasi! Akala ko naman ay wala ka pa rin dito sa bahay kapag ikakasal na ako! Sayang naman kung hindi mo makikita ang kagandahan ng Ate mo sa araw ng kasal nito!” Parang bata na nagmamaktol na hindi nabigyan ng paboriþng pagkain. Lihim akong natawa na pagkain ang naisip ko noong nakita ko si Ate Michiko dahil palagi namin siyang inaasar ni Kuya Euan na mahilig kumain. Hindi naman namin siya inaasar para mapahiya siya pero natutuwa kami na parang hindi siya nawawalan ng gana kumain. Ang alam ko lang din ay napag-uusapan nila ni Kuya Caelen ang kasal at hindi ko alam kung sa pagkakataong ito ay seryoso siya tungkol sa bagay na ito. Nasa edad na rin naman sila at hindi naman nagbabago ang nararamdaman nila kaya hindi na rin naman ako nagtataka kung ikakasal na sila. Deserve iyon ni Ate Michiko. Tiningnan ko lang siya bago sabihing, “Ikakasal ka na ba? Bakit? May nagkamali bang pumatol sa iyo, Ate Michiko? Kinaya ba ng budget niya ang mga kinakain mo sa date niyo?” pang-aasar ko sa kanya. Palagi ko siyang inaasar at namiss ko rin ito! Namiss ko rin ang pagiging maingay niya at parang hindi nauubusan ng sasabihin! Namiss ko kaya ang pang-aasar ko sa kanya at sigurado ako na namiss din niyang mainis sa akin. Natutuwa ako na ganito pa rin niya ako kausapin na parang walang nagbago samantalang kapag magkausap kami sa telepono dahil sa pamimilit ni Kuya Euan ay nagkaka-ilangan at nahihiya pa kami sa isa’t isa. Mabuti na lang talaga na sadya kaming makulit. Pinalo lang niya ako sa naging tanong ko sa kanya. “Pero seryoso nga? Sino ba ang boyfriend mo ngayon?” Kilala ko naman pero sinusulit ko lang ang pagiging maingay namin. “Kainis ka talaga! Siyempre, si Caelen pa rin! Hindi niyo naman ako kagaya ni Kuya Euan na parang damit kung magpalit ng babae!” “Bakit naman ako nadamay riyan? Marinig ka ng Ate Rosaleen mo, ah. Baka isipin pa niyang totoo iyon,” sagot naman kaagad ni Kuya Euan na may pagdidipensa kaagad dahil ayaw niyang binibiro ng ganoon dahil kapag narinig ni Ate Rosaleen at mahabang paliwanagan pa iyon. Kahit nga si Kuya Oswald ay pinagbabawalan niya pero hindi naman nagpapapigil ang isang iyon at ito pa ang nagturo kay Ate Michiko sa ibang kalokohan nito. Namiss ko rin bigla ang kaingayan at pangungulit ng matalik na kaibigan ni Kuya Euan na ai Kuya Oswald. Bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot noong naisip ko ang matalik na kaibigan ni Kuya Euan na si Kuya Oswald. Ako kaya? Paano ulit ako magsisimula para magkaroon ng kaibigan? Alam kong maituturing ko ring kaibigan sina Ate Michiko at Kuya Euan pero iba iyong kaibigan na hindi kadugo pero ang turing sa iyo ay pamilya. Nawala ang mga kaibigan ko noon dahil isa sila sa mga nasaktan ko. Sino ba naman ang taong pipiliin akong manatili bilang kaibigan nila? Sino ba ang may gusto na kaibigang adik? Dahil sa masamang bisyo ko noon, nawala na sa akin ang mga kaibigan kong naniniwala aa kakayahan ko at ako mismo ang lumayo sa kanila kaya wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Bigla ko na lang naalala ang huling pag-uusap namin ng matalik kong kaibigan na si Lance. Nasaan na kaya siya ngayon? “Hindi mo ba nakikita ang pagbabago sa sarili mo? Akala ko ba ay mahal mo ang mga kapatid mo pero bakit patuloy mong sinisira ang buhay mo at pangarap nila para sa iyo?” Simula noong nalaman niyang sumubok akong tumikhim ng droga ay naging ganito na siya sa akin. Kapag kausap ko siya ay parang si Ate Michiko na ang kausap ko kaya naiinis ako sa kanya na palaging may sermon sa akin. Paulit-ulit na rin kami sa mga pag-uusap na ganito at sawang-sawa na akong makinig sa mga sermon nila sa akin. Bakit ba pinakikialaman nila ang buhay ko? “Isa ka pa, Lance, buhay ko naman ito kaya huwag mo akong pakialam.” Tumango siya. “Oo naman, buhay mo naman talaga iyan pero bilang kaibigan mo ay ayaw ko na maligaw ka ng landas. Hindi ka naman ganiyan noon, ah? Bakit ba pinili mo ang ganiyang buhay?” “Palagi na lang ganiyan ang sinasabi mo sa akin. Alam ko naman ang ginagawa ko. Tinikman ko lang, Lance, pero kung ituring mo ako ay parang adik. Huwag kang mag-alala, marami naman akong kaibigan at aalis na ako rito bago pa tayo magsuntukan.” “Oo, tikim lang iyan ngayon pero alam mo ba kung ano ang kasunod niyan? Ang sunod diyan ay hindi ka na makatatanggi sa kanila at hahanap-hanapin mo na iyan.” At hindi siya nagkamali sa sinabi niya, totoong hindi na ako nakatanggi at totoo na hinanap-hanap ko na ang droga. Maling-mali na hindi ako nakinig sa kanya. Isa lang iyan sa mga pagmamalaki na sinabi ko sa kanya noon. Proud pa ako noong sinabi ko sa kanya na marami akong kaibigan pero . . . nasaan na ang mga sinasabi kong kaibigan noon? Wala na akong balita kay Lance dahil iyan ang huli naming pag-uusap at hindi na talaga ako nagpakita sa kanya pagkatapos ng pag-uusap na iyan. Ako pa ang makapal ang mukhang lumayo sa kanya. Napalingon na lang ako kay Kuya Euan noong inakbayan niya ako. “Tama na ang pag-aasaran niyo ni Michiko. Marami pa kayong araw na puweddng mag-asaran.” Tumingin si Kuya Euan sa akin para ipaalala na, “Dalawin mo sina Nanay at Tatay bukas, maliwanag? Pati na rin ang mga kaibigan mo.” I just smiled but . . . I don’t have friends anymore. Sa tingin ko naman ay hindi na nila gugustuhin na maging kaibigan ang tulad ako. Well . . . can I consider Miss Nunal as my new friend? I wonder where she is right now. Wait . . . why am I even thinking about her right now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD