Jiro’s POV Kakaibang kaba ang naramdaman ko ngayon, iyong tipong daig pa nito ang kaba ng naramdaman ko noong unang araw ko sa rehabilitation center dahil sa pag-aakala na hindi ko kakayaning tumagal sa lugar na iyon. Nagkataon pa na noong unang araw ko roon ay may tumakas para lang makaalis sa lugar na iyon. Naisip ko rin tuloy na baka maisip ko rin iyong gawin kapag hindi ko kinaya sa lugar na iyon. Malaking-malaki ang pagkakaiba ng sitwasyon ko noon at ngayon dahil wala ako sa rehabilitation center at hindi iyon ang dahilan ng kaba na nararamdaman ko ngayon. Ang dahilan ng kaba ko na ito ay dahil sa babaeng nakaharap sa akin na mayroong malawak na ngiti na sigurado namang nakahahawa. Maganda ang kanyang mga ngiti at talagang kahit sino ay mahahawa sa ngiting iyon. Kung pagmamasdan ang

