Chapter 2

1711 Words
Jiro’s POV   Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatakip ang kamay ko sa labi ko dahil baka bigla na naman niya akong halikan. Ang bilis naman niyang masyado, wala pang limang minuto simula noong umupo siya sa harapan ko pero nakadalawang halik na kaagad siya sa akin. Sobrang suwerte naman yata niya! Kagaya ba niya ang mga babae sa lugar na ito na bigla na lang nanghahalik ng lalaki na hindi naman kakilala? Ngayon naman na naubos na niya ang pagkain ko at nakatitig ako sa kanya pero nakayuko na siya at hindi makatingin sa akin. Bumili na lang ulit ako ng pagkain ko dahil naubos talaga niya ang order ko, ubos na ubos talaga niya. Modus ba ito? Sinabi pa niya na siya na ang magbabayad pero sinabi ko na ako na lang ang magbabayad dahil baka siya pa ang umubos kapag pinagbayad ko siya.   Gusto ko sana itanong kung adik ba siya dahil nga ngayon lang ako nakakita ng babaeng kagaya niya pero baka pagtawanan lang niya ako kapag itinanong ko iyon sa kanya. Wala akong karapatan na magtanong ng ganoon sa kanya.   “Miss Nunal, dapat sinabi mo na lang sa akin nang maayos kung gusto mo ng pagkain dahil puwede naman kitang bilhan ng sarili mong pagkain. Hindi iyong bigla ka na lang mang—”   Mukhang na-realize na niya kung ano ang ginawa niya kanina kaya ayaw na niya iyong marinig ulit. Bakit nga ba niya ako hinalikan? Ayaw ko na lang din itanong dahil baka isipin pa niyang masyado akong interesado sa paghalik na ginawa niya at baka isipin pa niyang unang beses akong mahalikan.   Hindi ko naman naituloy ang sinasabi ko dahil bigla na lang niyang hinawakan ang kanang kamay ko pero inilayo ko naman kaagad iyon sa kanya. Ngayon naman ay hinahawakan niya ako. Ibang klase rin ang babaeng ito.   “You have a nice tattoo,” she said with her normal voice. Iyong boses na ginamit niya kanina ay masyadong high pitch kaya nakuha niya ang atensyon naming lahat. Nasabi ko na normal iyong boses niya dahil bagay sa itsura niya. Malumanay ang boses niya na halos parang naglalambing na nga ang tono.   She gave my tattoo a compliment. We all know that not everyone can appreciate art like this and I’m grateful to meet someone who actually appreciates it especially the tattoo on my hand that was for my parents.   “Since you are calling me Miss Nunal, I will call you Tattoo Guy. Is there a meaning behind those tattoos?” she asked again like she is really interested in my tattoos.   Kahit sinabi niyang maganda ang mga tattoo ko ay hindi ako nagpadala dahil alam ko naman na inililigaw lang niya ang usapan namin. Hindi naman niya sinasagot ang tanong ko kung ano ang pakay niya sa paglapit sa akin kaya sumuko na lang ako. Ganito na ba ngayon magnakaw ng halik ang mga babae? Mukhang hindi rin naman siya masamang babae dahil kung iisipin ay mas dapat siyang matakot sa akin.   “Hindi mo ako kilala pero nandito ka pa rin sa harap ko. Hindi ka ba natatakot sa akin? I might harm you.”   Surprisingly, she gave me a beautiful smile. That’s a weird response. Sinabi ko sa kanya na maaari siyang mapahamak pero ginantihan ako ng ngiti. Wala na bang mas gugulo pa sa kanya? Warning na yata ito sa pagbabalik ko sa magulong mundo.   She is now looking at me and she still wears her smile before saying, “If you are the type of guy who will hurt someone, you should have done that right away when I ate your food.”   “Bahala ka na nga, Miss Nunal. Hindi mo sinasagot ang tanong ko sa iyo kaya mas mabuti pang umalis ka na ngayon dahil ayaw ko ng gulo.”   Hinintay ko siyang tumayo para umalis pero hindi man lang siya gumalaw sa kinauupuan niya. Gusto ko ngang mapag-isa ngayon pero ayaw naman niyang umalis. Napatingin na lang ako sa kanya noong nagsalita ulit siya.   “Can I stay here? Gusto ko lang na nasa harapan mo ako dahil mukhang malungkot ka,” sabi pa niya habang nakapangalumbaba sa harap ko. Saan naman nanggaling iyong sinabi niya na malungkot ako? Pero kung iisipin ay malungkot talaga ako dahil gutom na nga ako kanina pagkatapos ay inunahan pa niya ako sa pagkain ko kaya mas nalungkot lang talaga ako. “Sorry about what I did earlier. I just have to do it so that someone who is following me can’t see me hiding here.”   Nagtatago ba siya? Bakit naman siya nagtatago?   She laughed. “Don’t worry! It’s not like I’m carrying something illegal or did something bad! I won’t cause any trouble with you, just let me stay here. We don’t need to get to know each other. We can be strangers until we part ways tonight. You don’t need to tell something about you as I won’t be asking for any personal information about you and you should do the same. I just want to be with a stranger that knows nothing about my life. Can you let it happen tonight, Tattoo Guy?”   I sighed, defeated. “As if I have a choice. Kanina pa kita pinaaalis pero ayaw mong umalis kaya kung gusto mong makipag-usap pa sa akin o panoorin akong kumain ay wala na akong magagawa. Isa pa, tama ka naman na stranger tayo sa isa’t isa at malamang na hindi na ulit tayo magkita.”   Ngumiti ulit siya noong sinabi ko iyon at sumandal sa upuan niya habang nakatingin lang sa akin. Malapit ko na isipin na gusto niya ang nakikita niya ngayon kaya madalas siyang ngumingiti.   “Kumusta ka?” tanong niya sa akin at kumunot lang ang noo ko sa tanong na iyon. “I’m not asking you to tell a story about your day, Tattoo Guy. How are you? It’s not even a hard question to answer.”   Dumating na ang pagkain ko kaya inayos ko na iyon at naghanda akong kumain pero mukhang gutom pa siya kaya naman ibinigay ko sa kanya ang isa ko pang pagkain at hindi man lang niya iyon tinanggihan.   “I’m okay. How about you?” Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sinasagot ko pa siya kahit puwede naman na kumain lang ako nang kumain.   Napa-angat nga siya ng tingin sa akin noong sumagot ako sa tanong niya at noong ibinalik ko sa kanya ang tanong na iyon. Sa tingin ko ay hindi rin niya inaasahan ang pagtatanong ko. Sa totoo lang, dapat nga ay kanina pa ako nairita sa ginagawa niya pero mukhang ayos lang ang ginagawa niya ngayon dahil ayaw ko mang aminin ay ayaw kong mapag-isa ngayon lalo na at ngayon lang ako nakalabas pagkalipas ng pitong buwan.   She smiled again. “Tama pala na ikaw ang nilapitan ko. Thank you for letting me eat your food, stay here and thank you for asking me that question. Dahil sa tanong na iyon ay mukhang maayos na ang pakiramdam ko.” Ang sabi niya sa akin kanina ay nilapitan niya ako dahil mukha raw akong malungkot. Hindi kaya siya talaga ang malungkot ngayon kaya nakikipag-usap siya sa taong hindi niya kilala?   “Alam mo ba na ang weird ng pag-approach mo sa akin? While other people looked at me with judgment in their eyes and almost turned away from me, you are the only person who approached and talked to me. It’s weird but unique at the same time.”   “What do you prefer with the two? Iyon bang hinuhusgahan ka na o iyon bang paraan ng paglapit ko sa iyo?”   “Well, I’ll just choose the way you did it. Sayang lang na maganda ka pa naman pero ang weird mo lang talaga.”   Nakita ko na namang ngumiti ulit siya. “It’s my pleasure that you just called me beautiful, Tattoo Guy.”   Umiling na lang ako dahil halatang nagustuhan niya na sinabihan ko siyang maganda kahit sigurado naman ako na hindi iyon ang unang pagkakataon na makarinig siya ng papuri sa isang tao.   Kahit na sinasagot ko lang ang mga tanong niya at karamihan sa mga tanong niya ay hindi ko na ibinabalik sa kanya ay patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Naalala ko nga ang kadaldalan nina Ate Char at Ate Michiko dahil sa kanya. Iyong tipong simple lang ang pinag-uusapan namin pero marami na siyang nasasabi sa akin. Hindi man kami nag-uusap tungkol sa problema namin nang direkta ay nararamdaman kong mabigat ang dinadala niya pero hindi naman umabot sa punto na bumigat din ang pakiramdam ko. Ang totoo nga niyan ay nakagagaan ng loob siyang kausap.   “Kapag nagkita ulit tayong dalawa ay ako naman ang manlilibre sa iyo,” suhestiyon niya.   “Bakit gusto mo pa bang magkita tayo?” tanong ko.   “Sana hindi na, nakahihiya ang mga ginawa at pinagsasabi ko ngayon kaya mas mabuti kung hindi tayo magkikita ulit. Gagastos din ako kapag nagkita ulit tayo dahil nasabi kong ililibre kita.”   Bigla siyang tumayo kaya napatayo rin ako. Bakit naman ayaw na niyang magkita ulit kami? Paano kung gusto ko pa siyang makita?   “Teka . . . saan ka pupunta? Aalis ka na ba?”   Tumawa siya dahil sa ginawa kong pagtayo at pagtatanong sa kanya. “Masyado ka naman nagpapahalata na nag-enjoy kang kasama ako. Hindi pa ako aalis, magpupunta lang ako sa rest room. Saglit lang ako kaya huwag mo akong namiss, okay?”   I didn’t expect that a stranger like her will help me to have an effortless smile like how I did it before. I must say that she is right when she said that it somehow comforting to talk to a stranger because apart from the fact the she doesn’t know anything in my life, I didn’t realized that I missed the feeling that someone is interested in listening to what I say.   I just hope that we will see each other again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD