Jiro’s POV Dahil na rin sa naging pag-uusap namin ni Aleina ay kaagad naman na bumalik ang normal sa aming pagkakaibigan at relasyon. Malaki talaga ang tulong ng nagagawa ng maayos na pag-uusap. Sinabi ko na rin sa kanila ang totoo kagaya ng pagsasabi ko kay Aleina at hindi naman lumayo si Malia dahil naniniwala siya sa balita pero hindi lang kami nakapag-usap dahil sinasamahan niya si Aleina at nagkatinginan lang sila noong binanggit ni Malia ang dahilan niya. Parang wala rin nagbago sa pagkakaibigan namin noong masabi ko na sa kanila ang dapat kong sabihin. Tumayo ang dalawa dahil may ipapasa raw silang activity sa isa nilang professor kaya naiwanan kami ni Aeron sa tambayan namin. Magkatapat kami ni Aeron at tinabihan pa niya ako dahil may itatanong daw siya sa akin. “Ano naman iyon?

