Aleina’s POV Kalilibing pa lang ng mga magulang ko at kapatid ko noong may pumunta na sa bahay namin para sabihin na hindi na namin iyon pag-aari dahil sa mga naging utang ng pamilya ko. Bibigyan daw ako ng isang buwan para makahanap ng ibang malilipatan. Nag-aaral pa ako para sa huling taon ko sa kolehiyo pero marami naman akong pinapasukang trabaho dahil noon pa man ay hirap na kami sa buhay kaya naman tumutulong ako kina Nanay at Tatay para mapag-aral ako. Humingi ako ng tulong sa mga kamag-anak namin kaya noong pinaalis kami sa sariling bahay namin ay lumipat na kaagad ako sa kanila. Noong una ay maayos naman ang pakikitungo nila sa amin ni Rebecca at ramdam namin na kapamilya ang turing nila sa amin. Sa katunayan nga ay naiiwan ko pa si Rebecca sa kanila kapag may pasok ako kaya mal

