Miss Nunal’s POV Tinatawagan na ako dahil hinahanap na ako sa amin, alam naman nila na may trabaho ako pero sadyang hinihintay lang nila akong makauwi. Malapit na mag-alas diyes ng gabi. Kaunting linis at ayos na lang ng gamit ay tapos na ang shift ko. Mabuti na lang at mabait ang may-ari ng kainan na ito kaya tinanggap ako kahit ilang oras lang akong nakapagtatrabaho pagkatapos ng klase ko. Bihira lang ang ganoong klase ng tao kaya malaki ang pasasalamat ko sa pag-unawa niya sa akin kaya nga hangga’t maaari ay hindi ako uma-absent dito. Alam niyang sa Princetopher International University ako scholar at humanga raw siya sa kasipagan ko kaya pinayagan niya akong magtarabaho rito pero ang suweldo ko ay inayon niya sa kung ilang oras lang ako makapapasok kaya pumayag ako, bihira lang ang g

