Jiro’s POV Sa sobrang kapuyatan ko ngayon ay hindi ko maintindihan kung nanaginip lang ba ako kagabi. Nakangiti nga akong gumising at tiningnan ko kaagad kung nasa recent calls ko ang pangalan ni Aleina at nandoon nga iyon kaya mas lumawak pa ang ngiti ko. Hindi iyon panaginip! Bigla ko namang naalala ang pag-uusap namin kagabi. “Importante ka sa akin, Jiro.” Hiniling ko na ulitin niya ang sinabi niya kaya naman nang marinig ko iyon nang mas malinaw ay natahimik na lang ako. Naguguluhan lang ako. Importante ba ako sa kanya bilang kaibigan kaya gusto niyang kalimutan ko na lang ang nararamdaman ko sa kanya?Alam naman siguro niya na hindi iyon magiging madali, hindi ba? Dahil na rin sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng kaunting pag-asa na baka tanggapin din niya ang nararamdaman ko sa kany

