Aleina’s POV Nakauwi na ako pero iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Malia. Nakaupo lang ako sa isang malawak na lugar habang nakaharap sa Kanya. Sa lahat ng lugar na naisip kong puntahan, hindi ko inakala na rito ang bagsak ko. Kaya hindi ko hinahayaan si Jiro na ihatid ako sa bahay ay dahil malalaman niya na nakatira ako kasama si Rebecca sa isang simbahan dito sa Baguio City. Isa pa, hindi ko naman iniisip na posibleng mahalin niya ang kagaya ko. Hindi ko prayoridad ang sarili ko dahil kay Rebecca nakatuon ang pansin ko ngayon. Nang makita ni Rebecca na nakauwi na ako ay kaagad siyang ngumiti at yumakap sa akin. Kung mahirap para sa akin na tanggapin ang mga nangyari, alam kong mas nahihirapan siya at nakikita ko ang bawat paghihirap niya na dumudurog sa puso ko. Niyakap ko rin s

