Jiro’s POV May lakad pala sina Ate Michiko at Ate Char kaya ang aga nilang magulo rito sa bahay. Pagkatapos nga nilang kainin ang dala ni Kiya Euan ay nagpaalam na aalis na dahil miss nilang dalawa ang isa’t isa. Hindi naman kaagad umalis sina Kuya Euan kaya nagkaroon kami ng pagkakataon ni Tovee na maglaro ng basketball sa tabi ng bahay namin. Napakakulit talaga niya kaya bukod sa paglalaro ay napagod siya katatawa at kadadaldal habang naglalaro. Sigurado ako na namana niya iyong kadaldalan kay Ate Michiko at iyong kalokohan naman ay maaaring sa amin ni Kuya Euan. Natatawa na lang din sa amin si Ate Rosaleen habang nanonood hanggang sa malapit na silang umalis kaya nagpahinga na kami pagkatapos ay umakyat sina Ate Rosaleen at Tovee para makapagpalit ng damit. Naiwanan naman kami ni Kuya

