Jiro’s POV Hindi rin naman nagtagal ay umalis sina Kuya Euan pagkatapos naming mag-usap. Gumaan ang pakiramdam ko noong nakapag-usap kami at napag-usapan pa namin ang tungkol sa pag-iisip ko na sumubok ulit sa masamang bisyo. Nagpasalamat ako sa kanya na pinigilan niya ako noong nakita ko iyon sa kuwarto ko pero ipinaliwanag ko sa kanya na totoong nakita ko lang iyon sa kuwarto ko at hindi ko iyon binili. Siniguro ko rin na hindi na ako makikipagkita at wala akong contact information sa mga naging kasama ko noon. Tinapik lang niya ang balikat ko at sinabi na maniniwala siya sa mga sinasabi ko kaya gumaan ang pakiramdam ko. Ngayon nga ay kasama ko si Aleina at nabanggit niya ang mga kapatid ko kaya naalala ko ang nangyari kanina. Sa totoo lang ay hindi naman ako mapakali ngayon dahil mukh

