Jiro’s POV Bago ako lumabas ng bahay ay napa-buntonghininga pa ako. Ngayon lang yata ako kinabahan sa pagkausap kay Aleina. Naisip ko na sabihin na sa kanya iyong tungkol sa nakaraan ko kaysa naman sa iba pa niya malaman, baka kapag sa iba pa niya iyon malaman ay madagdagan pa at mas mukhang masama pa ang tingin niya sa akin. At least kapag ako ang nagsabi sa kanya ay masasagot ko kaagad ang mga tanong niya. Hindi kami magkasabay ngayon dahil nahuli ako ng gising kaya hindi ko siya masasabayan. Habang nasa biyahe ako ay naalala ko ang sinabi ni Kuya Euan sa akin noong nag-usap kami. Nakatingin lang sa akin si Kuya Euan at hinihintay pa akong magsalita ulit pagkatapos kong sabihin sa kanya na may anak na si Aleina. Nang hindi na ako nagsalita ulit ay nagsalita na siya. “Bakit nakatahim

