Jiro’s POV Pagkatapos kong pumunta sa simbahan ay hindi naman kaagad ako umuwi. Siguro ay narinig na rin nina Kuya Euan at Ate Michiko ang kumakalat sa campus namin kaya kanina pa nila ako tinatawagan pero hindi ko naman magawang sagutin dahil sa tingin ko ay hindi pa tapos ang karma ko sa buhay. I failed to be a good brother and I will also fail to be a good partner to Aleina, what more if we are talking about being a father to her daughter? Mas lalo naman yatang iyong imposibleng mangyari. Akala ko pa naman ay magiging madali ang pagbabagong buhay ko pero iyong madilim na nakaraan ko ay paulit-ulit na bumabalik. Natuwa ako sa mga nangyari noon dahil nararamdaman ko na muling nagiging maayos ang buhay ko pero minumulto pa rin ako ng nakaraan ko at dinadamay pa nito ang mga taong nagtitiw

