Aleina’s POV Akala ko pa naman ay magiging masaya ang araw na ito pero kakaiba ang mga bumungad sa akin ngayong araw. Halos wala na pakialam sa naging issue ko ang mga tao dahil totoo naman na buhay ko ito at wala naman silang alam sa mga pinagdaanan ko. Bukod sa kaibigan kong si Malia at tiyahin kong si Sister Del Valle ay si Jiro lang ang nakaaalam na may mabigat akong pinagdadaanan. Iyon nga lang ay hindi alam ni Jiro ang buong detalye at natuwa ako na kahit ganoon ang mga naririnig niya ay hindi siya basta-basta naniwala sa mga iyon. Nagulat siya noong nalaman ang tungkol kay Rebecca pero normal lang na reaksyon iyon at tama rin siya na ako ang nanghusga sa naging reaksyon niya. Kaya lang . . . puwede ba akong kabahan at matakot sa mga naririnig ko tungkol sa kanya ngayon? Hindi ko

