Jiro’s POV Kahapon ay sumama pa si Lance sa pag-uwi sa bahay. Alam na raw nina Kuya Kuya Euan at Ate Michiko na kasama niya ako kaya hindi na sila nagulat sa pagbabalik ko. Kagabi rin ay nag-usap na kami tungkol sa dahilan ng pag-alis ko. Sa totoo lang ay takot na takot na ulit akong iwasan ng mahahalagang tao sa buhay ko. Ayaw ko na rin na maalala nila ang mga nagawa ko noon pati na rin ang sakit na ipinaramdam ko sa kanila noon. Masyado na akong maraming kasalanan sa kanila at kahit na sinasabi lang nila na tapos na iyon dahil ang mahalaga ay bumabalik ako sa dati, hindi ko pa ramdam na tuluyang nakabalik na ako sa dati. Ang duwag ko pa rin! Nag-iyakan pa kami nina Ate Michiko at Kuya Euan noong nakaalis na si Lance at noong nag-usap kami. Siyempre, alam ko naman na ayaw nila na nakiki

