Jiro’s POV Halata naman ang pag-iwas sa akin ni Aleina kaya hindi na ako gumagawa ng paraan para kausapin siya. Alam ko naman kung bakit siya umiiwas at naiintindihan ko naman iyon. May anak siya kaya kung hahanap man siya ng magiging tatay ulit ng anak niya ay maghahanap na siya ng matino, hindi ba? At hindi ako kasama sa pamimilian na iyon. Hindi ko rin naman magawang malapitan ang kaibigan niyang si Malia dahil halos hindi naman sila naghihiwalay. Naiilang sila sa akin kaya hindi ko na lang pinahahalata na tumitingin ako sa kanila. Ang ibig sabihin ban g pag-iwas sa akin ni Aleina ay hiwalay na kami? Kailangan ko na rin ba iyong tanggapin? Tinitingnan pa rin nila ako pero hindi na ako nagpapa-apekto lalo sa mga taong wala namang ambag sa buhay ko. Iyon ang itinuro sa akin ni Kuya Euan

