Chapter 22

2042 Words

Katatapos lang niyang magbihis at maghanda ng gamit nang kinatok siya ng katulong para bumaba na.  Sa garahe ay naabutan niyang naghaharutan ang mag-ama at bakas kay Ethan  ang excitement.  Nang makita siya ng bata ay tumakbo palapit sa kanya at yumakap na ginantihan niya ng yakap at halik.  “Let’s go, Mommy! I want to see mickey mouse already!”  tuwang-tuwang wika nito at hinila pa ang kamay niya palapit sa sasakyan. “Good morning,” tila alanganing wika naman ni Ezekeil na hindi ngumingiti at hindi rin naman galit.  “Good morning too,” matipid niyang sagot.  Binuksan nito ang pinto ng kotse at sumakay siya bago nito inayos ang anak sa likod naman dala ang ibang laruan nito para hindi mainip sa biyahe.  Tahimik lang siya habang si Ezekeil at Ethan ay walang sawang nagkukwentuhan dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD