Hanggang sa makaalis ang dalawa kasama si Ethan ay hindi na siya lumabas pa ng silid. Alas sais naman ng sinundo siya ni Dave at dinala sa isang fine dining restaurant. Kahit paano'y nalihis ang isip niya kay Ezekeil at Maricar na magkasama ngayon para sa preparasyon ng kasal ng mga ito. Gentleman naman si Dave at palagay ang loob niya dahil palakwento ito. "I can help you enter showbiz if you want. Malay mo pwede tayong maging loveteam," biro nito nang tanungin siya kung wala siyang balak pumasok sa pag-aartista. "I'm too old for that Dave, karami-han na ngayong loveteam ay wala pang dise-otso anyos," natatawang wika niya. She can't imagine herself in the limelight na pinuputakti ng media. "Margaux is convincing me to try modeling." "Yeah, you're perfect for that job. I hope you give

