Episode 10

3046 Words
Gumising ng maaga si Ryza para mag-linis ng bahay. It was New Year's Eve. Nag-ayos siya ng mga gamit. Pinaglipat-lipat niya ang pwesto ng furnitures. Hindi naman siya naniniwala sa Feng Shui, wala lang, trip niya lang baguhin para maiba naman. Ilang taon nang ganun ang itsura ng bahay nila dahil madalang umuwi ang mga nakatira. Pero bigla siyang nagsisi ng masimulan ang ginagawa. Hindi pala madali. Kaya iniwan muna niya ang ibaba at nagsimula sa taas. Mas magaan ang gamit doon lalo sa guest room kaya inuna niya iyon. Nakita pa niyang nandoon pa rin ang mga ginamit ni Jayson noong nagkasakit. Iniligpit niya ang mga iyon at isinilid sa laundry basket ang comforter para malabhan. Matapos ang ilang sandali ay nalinis na niya ang tatlong kwarto. Sa master's bedroom ay sari-saring ala-ala ang nagbalik. She used to sleep there with Jayson. Matagal niyang hindi pinasok ang kwartong 'yon kaya naman ngayon ay napapangiti siya dahil sa mga ala-alang 'yon. But those were just memories. Pinakalinis linis niya iyon para naman mawala ang negative energy doon. Sandali lang siyang naglinis sa taas dahil twice a month naman kung maglinis ang kasambahay nila Jess doon. Pinalitan niya din ang mga comforter, punda ng unan at kurtina. Ang hirap din pala minsan maiwan mag-isa sa malaking bahay pero iisa lang ang nakatira. Isa-isa niyang ibinaba ang mga laundry basket. Kapag may oras pa ay lalabhan niya ang mga ito. Nagsimula na siya sa stockroom. Isinalansan at pinagsama-sama ang mga magkakauring grocery items doon saka nagwalis at nagpunas.Ganun din ang ginawa niya sa kusina, dining area, at mini bar. Napansin niyang ang bawas na bote ng alak doon na kinuha niya sa bahay nila Jessie, napangiti siya. Iinumin niya 'yun mamaya pag salubong sa bagong taon. Mag aalas dos na noong matapos siya sa paglilinis kaya't napatingin siya sa labas. Mainit pa para mag mow ng damo kaya sa sala muna siya. Binalikan niya ang mga ginulong upuan at nang hindi na maintindihan ang gagawin ay napagpasiyahang ibinalik na lang din sa dati ang puwesto ng mga ito. May nadinig siyang mahihinang mga yabag mula sa pinto. Nang lingunin ay nakita si Jayson na papalapit sa kanya at madilim ang mukha. May mga bitbit na naman itong groceries. Pero this time ay napakarami, parang pang-fiesta. Nagpamewang siya nang makalapit ito sa kanya. "Margones, may tanong ako." sabi niya. "Oh?" tanong nito habang nililibot ang mga mata sa mga couch na magulo ang pwesto. Nakakunot ang mga noo nito at hindi ngumingiti. "May lahi ka bang kabute? Bigla ka nalang sumusulpot." seryosong tanong niya. Hindi siya prepared dahil haggard na ang itsura niya. Pakiramdam nga niya ay ang asim na niya dahil kanina pa siya pawis na pawis. Hindi man lang ito nagsabi na pupunta. "Inabala ka na naman nila Jess. Sabi ko naman sa 'yo matuto kang tumanggi." He smirked. "Sabi ko din naman sa 'yo, Okay nga lang sa akin. And if you were only answering your phone, edi sana hindi ka nabibigla sa pagdating ko." he said sarcastically. Tinignan siya nito pero agad sumako ang mata nito sa leeg niyang pawis na pawis. Naalala niyang nasa kwarto nga pala ang phone niya. Ang sungit nito ngayon. Mukhang may dalaw–may dalaw ng topak. "Naku, bahala nga kayong tatlo. Sige na paki pasok na lang sa stockroom ang mga iyan. Thanks." Sumunod naman ito pero parang naguguluhan pa rin na tumingin sa mga couch. Magulo naman talaga iyon, aware siya doon dahil kahit siya ay naguguluhan na din. Pag balik nito ay may dala na itong isang baso ng tubig saka inabot sa kanya. She didn't expect that gesture from him. Pagkaabot ay ipinatong nito ang mga kamay sa sandalan ng couch at tinitigan lamang siya. Hindi pa rin ngumingiti. 'Di lang nasagot ang tawag uma-attitude na. Nagkunwari siyang umiinom kahit idinidikit lang naman niya ng labi sa tubig. "Kanina ka pa ba naglilinis? Pawis na pawis ka na." nakita niya itong nakatingin sa dibdib niya kaya dali dali niyang sinundan ang mga mata nito. Tumutulo pa ang pawis niya sa leeg at ang neckline ng t-shirt ay basang-basa din. Literal na naliligo na siya sa pawis. Medyo mababa ang neckline at may kanipisan ang bagsak na tela nun kaya humahapit ito sa cleavage niya. Bakat na din ang bra niya kaya tuluyan siyang napalunok ng tubig. Nagside-view siya para maiiwas ang dibdib niya mula sa mga mata nito. Puti pa man din ang damit niya. Pero umiling-iling si Jayson habang sa likod naman niya nakatingin. "Magpalit ka muna ng t-shirt. Ano ba ang balak mo dito? Ako na ang gagawa." tukoy nito sa mga couch. Something touched her heart. Concern ba ito sa kanya? Kung alam lang niyang tatawag ito ay dinala sana niya ang phone sa baba. "A-ah. Sige. Pakibalik na lang sa dating pwesto. Akyat lang ako." Nag-iwas na siya ng tingin at tumalikod paakyat. Pagpasok sa kwarto ay ngumiti siyang mag-isa. Badtrip si loko. Pero ang cute pa din nito kapag naiinis. Katulad dati na lagi niyang iniinis dahil nacucute-an siya lalo kapag kumukunot ang noo nito at bahagyang ngumunguso. Asarin ko pa kaya? Humagikgik siya sa naisip. Tinignan niya ang sarili sa salamin sa tokador. Basang-basa nga siya lalo sa likod. Buong likod niya ay basa na ng pawis. Naghanap siya ng mas preskong damit saka nagpalit. Crew neck shirt na lang ang isinuot dahil baka sumungaw na naman ang cleavage niya at masabihan pa siyang nang aakit. Nag ayos din siya ng sarili. Inayos ang pusod ng kulot niyang buhok. Nang matapos ay kinuha niya sa kama ang phone at tinignan ang mga notifications doon. Kaninang alas diyes pa pala ito tumatawag. "What? Six missed calls?" May mga text rin doon. 10:13 a.m. Jayson: Hey, Sophie. Why aren't you answering your phone? Where are you? 10:21 a.m. Jayson: Are you home? I'll come by after lunch. 11:46 a.m. Jayson: I'm here at the supermarket. Wanna buy something? 12:05 p.m. Jayson: Please call back when you get my messages. Ang sweet. Kinilig siya sa mga text nito pero agad din niyang sinuway ang sarili dahil nagfefeeling na siyang girlfriend nito. Gaga ka! Kaka-assume mo masasaktan ka na naman! Certified womanizer 'yan, Ryza! Wake up! Bigla siyang nalungkot sa naisip. Oo nga pala. Hindi ba't kay bilis nga siyang pinagpalit nito dati. Isa pa ay may girlfriend na ito. Parang nanikip ang dibdib niyadahil ang dating mga paru-paro sa tiyan niya ay napalitan ng malaking bukol na bumara sa lalamunan. Pinigil niya ang nagbabadyang luha dahil dapat ay hindi na siya affected. Isa pa ay nakikipag kaibigan lamang si Jayson kaya hindi siya dapat mag assume sa mga gestures nito. Ilang sandali pa niyang kinalma ang sarili saka nagpasya na siyang bumaba. Okay na ang mga couch. Ibinalik nito sa dating ayos–'yong kauna-unahang ayos noong sila pa. Pinaghilera niya ang mga ito na pa-letter L. Ayaw niya ng ganoong ayos dahil pang tamad iyon. Kapag ganoon ay lagi siyang nahahatak ng couch na humilata–na katabi si Jayson dati. Kaya noong naghiwalay sila ay pinag hiwa-hiwalay din niya ang couch. Tulad ngayon ay nakahilata ang ex niya at nakataas pa ang paa. Hindi ba ito hinahanap ng girlfriend? Magbabagong taon na pero nasa ibang bahay pa din ito. Hindi pa ba 'to uuwi sa kanila? Napansin din niyang napalitan na nito ang kurtina at mga punda doon. Wow, very good! Nang makalapit siya ay tumikhim siya para iparamdam dito ang presensya niya pero nakatunghay lamang ito sa TV. Magtatagal kaya ito sa bahay niya? Hindi pa siya nakakaluto para sa celebration niyang mag-isa mamaya. "What's your plan later?" as if on cue, Jayson asked. He was still watching TV. "Wala. Dun lang sa balcony siguro manonood ng fireworks and have a few drinks." Gusto sana niyang maupo sa couch pero nakahambalang ang paa ni Jayson. Sa kabilang panig naman ay masyadong maliit ang espasyo para sa kanilang dalawa. "Want me to take you to Tita Melchor's house?" tukoy nito sa mother-in-law ni Jessie. "No need. Okay lang ako dito. I can handle myself." She sat on the armrest instead. "Okay then, I'll spend the night here." he said without any hesitation. Hindi man lang humingi ng permiso sa may-ari ng bahay at ito na ang nagdecide para sa sarili samantalang bahay niya ito. "Look, Jays. I said I'm fine here. You can go home now. Baka may naghahanap na sa 'yo sa i–" "I'd be celebrating alone too if I go home." putol nito sa napipintong paglilitanya niya. Sasagot pa sana siya pero pinatay na nito ang TV at tumayo. Feel at home ang kumag. "Let's cook for tonight. Tara na." Natulala siya sa sinabi nito. Dumiretso nga ito sa stockroom at inilabas ang mga bitbit nitong grocery kanina. Nagtungo ito sa kusina at nagsimulang magkalikot ng mga gamit niya roon. What the actual f**k is happening here? Naiinis na siya sa inaasta nito. Nasobrahan ba siya sa pagiging entertaining at masyado naman yatang naging relaxed si Jayson pag nasa bahay niya. Sinundan niya ito sa kusina at inabutan doon na naghuhugas ng mga kasangkapan na gagamitin. Ni hindi nga 'to marunong magluto eh tapos eto at nauna pa sa kusina. "What do you think you're doing?" matapang niyang tanong pero ang kumag ay hindi siya nilingon. Kanina pa ito ganoon sa kanya. Kapag sasagot naman ay biglang aalis. Ano ba ang problema nito? "Cooking." tipid nitong tugon. Nakikita niyang nagfeflex ang muscle nito sa balikat pati ang triceps habang naghuhugas. 'Wag kang magpaapekto bruha ka. Galit ka, remember? Pero biglang tumunog ang phone niya. Her mother is trying to video call her! Hindi niya ito sinagot. Pero maya-maya ay tumawag na naman ito. f**k! "Ma?" she answered. Pumaling siya ng konti para hindi mahagip si Jayson sa camera dahil baka magkagulo ang US at Pinas kapag nalaman ng ina. Pinagmasdan pa muna niya ang likod ni Jayson bago balingan ang ina. Ang sarap sa mata panoodin ang kusang pagflex ng muscles nito. Kung si Ava siguro siya ay kanina pa niya hinarot ito. "Anak! Oh my god! How are you? I just learned that you were alone in the house. Bakit naman hindi ka na lang sumama sa pinsan mo kila Melchor?" Sa ina niya talaga namana ang pagiging praning "You preferred to celebrate alone than be with your cousin? Anong drama 'yan, Ryza Sophia? May sasabihin pa dapat ang ina pero inawat na niya ito. Nakakahiya dahil nadidinig ni Jayson ang usapan nila kayat naglakad siya ng mabilis patungo sa hagdan at doon naupo. Tanaw pa rin niya si Jayson mula roon pero mas safe na ang camera sa lugar na 'yun. "Ma, relax! I'm fine! 'Di ako nagdadrama, okay? Nahihiya lang ako kay Tita Melchor. Tsaka hindi ako sanay matulog sa ibang bahay, alam mo 'yan." Her mother sighed. Sakto namang nalaglag ni Jayson ang aluminum na baso at umalingawngaw iyon. Automatikong nanlaki pareho ang mata nilang mag-ina. Like mother, like daughter. s**t! Nilingon niya si Jayson at tumingin ito sa kanya bago pulutin ang baso. Parang wala lang dito na kausap ang ina. Ayaw niyang ipaalam na nandito ito dahil baka magwala ang ina kaya pinanlakihan niya ito ng mata sa inis. He mouthed "Sorry." saka nagpatuloy sa ginagawa. "Ano 'yun anak? May kasama ka bang iba diyan? Sinasabi ko na dapat sumama ka na lang sa pinsan mo, eh. Hindi bale kung kaluluwa ng dad mo ang kasama mo diyan. What if pasukin ka ng magnanakaw diyan? Iisa-isa ka diyan and you're stupid sometimes." Pwedeng pagtambalin ang nanay niya at si Jayson, parehas nakakaasar. Nakakahiya na ang bibig ng ina. Alam niyang nadidinig iyon ni Jayson dahil nageecho ito sa kusina. Sobrang tahimik pa naman sa bahay nila. "Ma, ano ba? 'Wag mo akong takutin. Tsaka m-may kasama ako dito mag...celebrate..." Sinabi niyang may kasama siya para lamang matahimik na ang ina dahil hindi siya tatantanan nito hanggat hindi pumupunta kila Jess. Nilingon niya si Jayson sa kusina kung nadidinig ba siya nito. Balak na sana niyang pauwiin ito eh kung hindi lang tumawag ang mama niya. Mas okay pang mag-isa siya kaysa kasama si Jayson. Hindi kasi mapakali ang puso niya kapag malapit lang ito. Nagtagpo ang mga mata nila at bahagyang nakataas ang isang gilid ng labi nito. Pero parang mali yata na sinabi niya sa ina na may kasama. "Eh sino ang kasama mo? Babae ba 'yan o lalaki? Nako, Ryza Sophia, huwang kong malalaman na 'yung unggoy na Ellis 'yan at malilintikan kayong dalawa sa 'kin." banta ng ina. Dinuduro pa siya nito sa screen. Sa gilid ng mata ay alam niyang nakatingin si Jayson sa kanya. Tangina naman. Hirap ng may kausap ka tapos may nakikinig na iba sa usapan niyo pero hindi mo naman masaway. "You're so paranoid. Nabura na sa mapa 'yung lalaking 'yon, matagal na. Stop bringing him up pwede ba? Tsaka matulog ka na nga. Madaling araw na diyan. Okay lang ako dito, don't worry." "Anong don't worry eh hindi ko nga alam kung sino ang kasama mo diyan? Mapagkakatiwalaan ba 'yan ha? Sino ba 'yan at ipakausap mo nga sa akin." Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi ng praning niyang ina kayat awtomatiko niyang nilingon si Jayson. He was now wearing a wide grin tinitignan lang siya nito at parang nag-iintay sa isasagot niya. This is torture! "Ma, k-kaibigan ko. Sobrang praning mo na, Ma. Nasstress na ako sa 'yo. Matulog ka na. 'Wag ka nang mag-alala. I am perfectly fine. Okay? Sige na, goodnight. I love you. I miss you so much. Mwah!" Pinatayan na niya ito saka hinilot ang sintido. Hindi pa lumulubog ang araw ay nasstress na siya. Kaya nga siya naglinis ng bahay ay para sa new beginning at para maalis ang bad vibes sa bahay. Bakit parang maling idea? Dapat ba ay sinunod na lang niya ang Feng Shui? Pumunta siya sa sala at naupo pero naalalang hindi pa siya naliligo dahil nanlilimahid na siya. She decided to take a shower. Bahala na si Jayson sa buhay tutal ito naman ang bumili ng mga 'yon edi iluto nito ng iluto. Wala na siyang pake kung masayang lang iyon kapag pumalpak ang luto nito. Nagising siya sa mahihinang tapik sa braso. Nakatagilid siya sa kama kaya unang bumungad ang bintana. Madilim na. Sinubukan niyang bumangon pero mayroong mabigat sa ulo niya. Her hair was still wrapped in the towel. Kaya inalis niya ito at lumugay ang kulot at basa niyang buhok. Nilingon niya ang gumising sa kanya. Nakaupo si Jayson sa likod niya at nakatunghay lang sa kanya. Maaliwalas na ang mukha nito dahil mukhang wala nang topak. Mukhang bagong ligo din ito dahil mamasa-masa pa ang buhok nito. Naiinis siya kay Jayson kanina kaya nagkulong siya sa kwarto pero hindi niya inaasahang mapapasarap ang tulog. Dala na rin siguro ng sobrang pagod. "Dinner's ready. Let's go downstairs." Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa kama. Sa asta nito ay para silang mag-asawa pero mali na bigyan niya ng malisya ang mga kilos nito. Kay Jayson mismo nanggaling na gusto nitong makipag kaibigan at pumayag naman siya. And she's fully aware that he has a girlfriend so she has to act properly. Friends lang, Ryza. Okay? Naghikab muna siya saka tuminag. Hindi na siya naiinis. Well, at least for now. "Sige susunod ako. Mag-aayos lang ako." pagkasabi niya noon ay lumabas na ito ng kwarto pero sumulyap pa muna sa kanya bago tuluyang isara ang pinto. So, nakapagluto pa rin talaga ito? Or nagpaorder? She wouldn't know kung hindi siya bababa. Wala na naman siyang choice eh. Papakisamahan na lang niya ito kaysa masira ang New Year niya at baka isang taon siyang maging stressed. Mukhang harmless naman ito. Napatunayan niya naman 'yon nitong mga nakaraang araw. Masyado lang itong feel at home kaya naiilang siya at naiirita kapag sumosobra. Pagbaba ay naamoy agad niya ang sari-saring amoy ng pagkain. Mabango. Eh ang lasa kaya, panalo? Pagdating niya sa dining area ay nakahanda na ang dinner sa lamesa. Laking pagtataka niya dahil kahit mismo siya ay hindi niya kayang lutuin ang mga 'yon. Si Jayson ba ang nagprepare ng lahat? Nagtaas siya ng paningin dito. Nakatingin lang ito sa kanya at hinihintay siyang maupo. "Did you... cook all these?" she asked in disbelief. "Why? You don't like it? Ano ba ang gusto mong kainin?" He looked worried. Pinilit nilang baguhin ang reaksyon ng mukha. Baka isipin nito ay 'di niya naappreciate ang pagluluto nito. Those were all her favorites. Pwera sa Buffalo Wings. Well, she used to love that. Pero dahil pareho nilang paborito iyon ni Jayson ay hindi na siya kumain nun kaya nawala na ito sa list ng favorites niya. "Nope. I-i mean... ang dami. Kaya ba natin 'to ubusin?" Naupo na siya sa bangko saka nagsimulang sumandok ng kanin pero binawi ni Jayson iyon sa kanya at ipinagsandok siya. "Okay na 'yan." sabi niya nang mapadami na ang lagay sa plato niya. Pagkatapos ay sa plato naman nito ito naglagay. "Kaya natin 'yan pwede pa naman bukas eh." nakangiting sabi nito. "Anong gusto mo dito?" turo nito sa nakahain sa mesa. "Pochero po, please." She smiled politely. "And barbeque, please." he grinned. Inintay niya itong makapagsandok para sa sarili saka sila sabay kumain. "In fairness, may laban. Since when did you learn how to cook? Daig mo pa ako ngayon ha. Dati itlog lang hindi mo pa alam ang gagawin kung paano hahatiin ang shell." She giggled. Nakakadaldal pala ang luto ni Jayson. "Bored lang ako kaya nag-aral ako magluto." mauubos na nito ang sinandok kanina samantalang siya ay kalahati pa lamang ang nakakain. Malakas pa din kumain si Jayson hanggang ngayon and he still has a good appetite. Noong birthday niya ay halos ito lang din ang kumain. "Bored, huh?" she was teasing him. "Anyway, bakit mag-isa ka lang ngayon? Where's your dad?" usisa niya. Naalala niya kasing sinabi nito na mag-isa lang din ito sa bahay kaya nga ipinagsiksikan nito ang sarili sa bahay niya. "He's in Canada with Mom... n-nag p-papagamot." alanganin nitong sabi. Tinignan siya nito ng matagal saka ibinalik sa pagkain ang mata. "Really? Is he sick?" sa pagkagulat niya ay napainom siya ng tubig. Paano magkakasakit ang ama nito eh malakas pa ang katawan nun noong huli silang magkita. Nagtetenis pa nga ang mag-ama dati kapag nagbobonding. "Y-yeah. Sort of." nagbago ang expression nito. Siguro ay awkward para sa kanilang dalawa na pag-usapan ito. "I wish him fast recover and say hi for me kapag nagkausap kayo." Kahit malabong sabihin ni Jayson iyon. Alam naman niyang 'Di siya feel ng tatay nito. Dalawang beses nga lang niya ito nameet sa personal pero parang hangin lang siya para dito. "Sure." tipid nitong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD