Episode 11

3084 Words
Matapos nilang kumain ay nagpumilit siyang magligpit sa kusina. Pinagpahinga muna niya si Jayson sa sala. This New Year's Eve was a lot different from the previous years. It was already past 9 p.m. pero sobrang tahimik sa village nila. May pailan ilan siyang nadidinig na putok ng kwitis pero sobrang dalang. Sila Jessie kaya ay may house party? Sila Jill kaya at Ava? Malamang lasing na ang mga iyon sa mga oras na ito. Siya kaya, anong mangyayari sa New Year's Eve niya kasama ang mokong na ito? Patapos na siya sa hinuhugasan ng madinig niyang mag ring ang cellphone pero nasa sala ito. Ring tone sa Skype ang tunog nito. Naku baka Mama na naman niya iyon. Nagmadali siyang hugasan ang natitirang pinggan nang madinig ang boses ng pinsan. Sinagot ni Jayson ang tawag? "Hoy lalaki, anong ginagawa mo diyan sa bahay ng pinsan ko? Haha!" nahimasmasan siya nang madinig ang boses ng pinsan. "Why? Masama ba mag celebrate dito? Wala kayo sa bahay niyo eh, so dito ako nagpunta. Sayang hindi mo matitikman ang mga luto ni Chef Jayson." Dinig na dinig niya ang lutong ng tawa nito habang kausap si Jessie. Nangiti siya ng palihim. Jayson's laughter was contagious. Kaya lamang ay kung bakit kapag kausap lamang nito ang pinsan niya at si Kit nag-iiba ang aura nito. Masaya at genuine ang tawa at nagiging makulit din ito. Isa pa ay madaldal ito pagkasama ang mag-asawa. Dati ay nagagawa niyang patawanin ito ng katulad noon. Pero ngayon ay parang hindi na. Madalas ay one-liner lang ito kung sumagot. Minsan ay isang word lang. She missed the old Jayson. Medyo nalungkot siya pero nawala din bigla dahil napalitan ng pagkataranta nang muling magsalita si Jayson. "Hi, Tita Vivian! Hi, Tita Yvone!" kausap nito ang nanay niya! Naka group video call ang mga ito. Dali-dali niyang binitiwan ang hawak at naghugas agad ng kamay. Iiwan na niya ang natitirang hugasin. "Hi manugang! Sinungaling talaga 'yang anak ko, eh. Sabi kaibigan daw, iyun pala, ka-ibigan ang kasama sa bahay." nagtawanan ang mga ito. "Magkakaapo na ba ako?" Napalunok siya sa sinabi ng ina. She was shocked. Ano ba ang pinagsasasabi ng nanay niya at manugang pa ang tawag kay Jayson? Dapat ay galit siya dito. Muntik pa siyang madulas kakamadali papunta sa sala. Natanaw niya si Jayson doon na hinihimas ang batok at nakataas ang isang kamay habang hawak ang phone niya. Huminto muna siya sa likod nito at salitang tinignan ang mga tao sa nakasplit na screen. "Anak! Sasabay ba kayo sa putukan?" Sabi ng ina nang mapansin siya sa likod ni Jayson. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng ina. Feeling niya ay pulang-pula na ang mukha niya sa kahihiyan. Inagaw niya ang phone saka nagtungo pabalik sa kusina." "Ma! 'Yung bibig mo. Nakakahiya!" saway niya sa magulang. Nakatutok sa mukha niya ang phone para magkarinigan sila dahil pabulong lang siyang nagsasalita at hininaan din niya ang volume ng phone para hindi sila madinig ni Jayson. "You lied to me, 'nak." Hindi siya nakasagot agad. "Kaya ka pala nagmamadali kaninang patayin ang tawag ko. Pero anak okay lang sa akin kung si manugang ang kasama mo diyan. You are safer with him. Tsaka para magkaapo na ako. Naiinggit na ako kay, Ate eh. Gusto ko na din ng version mo ng Cloud." Nakita niya si Jessie na napatakip ng bibig pero kita niyang nakangisi ito. Si Tita Yvone naman niya ay tipikal na nanay kapag nakikipagchat. Pasilip-silip lang sa screen at tatawa-tawa. Why was everyone wishing her to get pregnant? Yun din ang birthday wish ni Jill sa kanya kahapon. "Ang dumi ng isip mo, Ma. Magkaibigan lang kami." pagtatanggol niya sa sarili. Nasstress na naman siya dahil sa ina! "Nako, Tita hayaan niyo na po si Ryz baka palayasin pa niyan ang bisita kapag napikon." singit ng pinsan niya. Sige, couz. Ikaw na ang sumuway diyan sa nanay kong baliw. "We used to celebrate with Jayson kasi sa house kapag New Year's Eve. Kaya lang timing naman na wala kami doon at nandoon si Ryza." Tumili pa ito. Mukhang napagkakaisahan na siya ng mga ito. Magpapaalam na siya. "Tumigil na nga kayo! Sige na papatayin ko na 'to. Madami pa akong ililigpit dito." nakatutok pa din sa mukha niya ang phone. Puro pisngi lang niya ang kita sa screen. "Seriously, Ryz. Okay ako kay Jayson. He has my vote." Muli pang nagngisihan ang tatlong mukha sa screen. "Ako din, It's a "Yes" for me." Habol ng Tita Yvone niya. Nag-apir pa ang magkapatid. Naiinis siya pero kinikilig din at the same time. "Kidding aside, happy New Year, Ryza and Jessie. Wish we could celebrate with you guys. Ingat kayo diyan." bawi ng Tita Yvone niya. "Happy New Year mga anak. Bawi tayo next year." Her mom said. "Ingat din Mom and Tita. Miss you so much." sabi ni Jessie. "I love you, Mom and Tita. Happy New Year. Ingat lagi. Bye." Saka lamang niya inilayo ang screen sa mukha noong nagwave siya to say goodbye. Matapos nun ay nakahinga na siya ng maluwag. Ipinagpatuloy na lang niya ang hugasin. Papalipasin muna niya dahil awkward pang bumalik ng sala at makita si Jayson. Laking pagtataka niya kung bakit ganoon ang nanay niya towards Jayson. Akala niya ay galit pa ito sa ex niya. Naalala niya ang sinabi ni Jayson noong nakaraan na nagkausap sila ng nanay niya. Siguro ay noon pa sila nagkaayos. Nauna pa silang magkaayos kaysa sa aming dalawa! Nang matapos sa hugasin ay binuksan niya ang fridge para kuhanin ang ice cubes at binili niyang beers nung umuwi siya. Para sana 'yon sa birthday party niya kaya lang ay hindi naman natuloy. She went to the mini bar. Nakita niya si Jayson na may kausap sa phone. "I'll be coming home one of these days. May inaasikaso pa ako dito sa Bataan at lockdown sa Luzon... Yeah, I miss you too... I know, I know... I'll see you soon. Love you and the kids. Happy New Year. Bye." Parang may umugong sa tainga niya pagkarinig noon. Biglang bumigat ang ulo niya dahil sa narinig. Tama nga ang hinala niya. Kaya ang laki ng ipinagbago nito, hindi lang sa pisikal na katawan maging sa ugali nito at kilos. Nanlambot ang tuhod niya. Dapat ay matuwa pa siya para kay Jayson dahil nagbago na ito at may sarili na din itong pamilya kaya lamang ay hindi iyon ang itinitibok ng puso niya. Nalulungkot siya at nanghihinayang. Pero kailangan niyang lumugar sa tama. Hindi na siya siguro dapat na pinapatuloy pa ito dito ng matagal. Paano pa ba niya ito paaalisin sa maayos na paraan? At paano niya pipilitin ang sarili na mapaalis ito. It really felt so good when he's around with her lalo na kapag iilang pulgada lang ang layo nila sa isa't isa. Naupo muna siya sa bar stool kung saan nakatalikod siya kay Jayson. Ayaw niyang magtama ang paningin nilang dalawa habang nag-iisip siya. Mas nananaig ang pagkagusto niya sa presensiya ni Jayson sa bahay. Paalisin pa ba niya? Binuksan na muna niya ang phone at chineck kung may ibang chat sa kanya. May ibang mga officemates ang nagforward ng mga gif na New Year quotes. Sila Jillian at Ava ay bumati ng Happy New Year sa group chat nilang tatlo. Kanya-kanya silang send ng mga party pictures nila kasama ang pamilya. Si Ava ay nagsend ng candid shots at mukhang lasing na dahil naniningkit na ang mga mata nito sa pictures. Si Jillian naman ay nagsend ng family picture with caption, "Happy New Year from my family to yours." Nainggit siyang bigla. Kumuha siya ng basong nakataob doon saka ipinunas sa laylayan ng damit. Nagsalin siya ng beer at nilagyan ng ice cubes saka pinicturan ito para isend sa group chat nila. "Alone and sad." tinipa niya sabay isinend. "You're not alone, though." Nasa likuran na pala niya si Jayson. Kaya pala may pamilyar na amoy ang nanuot sa ilong niya. Idinikit niya sa dibdib ang screen ng phone pero huli na dahil nabasa na ni Jayson and chat niya. Umikot ito sa counter at naupo sa tapat niya. Bahagya lamang itong nakangiti. Lumagok siya ng alak para matalo nito ang pait na nararamdaman niya. Lulunudin na lang niya ang sarili sa alak para hindi na niya maalala pa ang nadinig kanina at para makaraos ang gabi na kasama niya ang ex. Ito na ang huling araw na patutuntungin niya si Jayson sa pamamahay niya. After this night ay hanggang gate na lamang ito kaya susulitin na niya ang huling beses na kasama niya ito. Totoo nga yata ang kasabihang ex-lovers can't be friends. Tutol siya dati doon pero ngayon ay malapit na siyang maniwala. "Or you want to drink alone? Ayaw mo ng may kainuman?" Sa halip na sumagot ay kumuha siya ng isa pang baso at ipinunas muli sa laylayan ng T-shirt niya. "Old habits die hard." Sabi nito sa kanya sabay pumangalumbaba. Nangiti siya dahil natatandaan pa ni Jayson ang nakagawian niyang ito. "Yeah, here!" Abot niya sa baso. Sinalinan niya ito ng whiskey na nakapatong doon sa counter dahil isang lata lang ng beer ang inilabas niya sa fridge kanina. "I can still take you to Jess and Kit if it will make you happy. Let's sneak out of the village. Watcha think? That's something different to start our 2020." he joked. Gustuhin man niyang pumunta kila Jessie pero nalilito ang isip niya. Gusto niya din sa tabi ni Jayson but that would be a sin. "Baliw. Sigurado diyan pa lang sa kanto huli na tayo." inubos niya ang laman ng baso niya saka nagsalin din ng whiskey. Halo-halo na ang magiging laman ng tiyan niya. Bahala na. Malakas naman ang tolerance niya sa alak. Saka tinungga niya iyon kahit hindi pa natutunaw ang yelo. Pinunasan niya ng likod ng palad ang basang labi. "Then let's get jailed together." he grinned while looking at her. Kung wala itong asawa at anak ay iisipin niyang nakikipag flirt ito sa kanya. Hindi niya tinitignan ito sa mata dahil baka malungkot lang siya lalo. Nagsalin din ito ng alak sa baso nito nang maubos ang laman ng una niyang isinalin. Nagpapaligsahan ba sila sa pag-inom? "Sira ka, Margones. Gusto mo ba lumipat tayo sa balcony? Ang boring dito sa baba e." aya niya para tumigil na ito sa mga banat nito sa kanya. That was the original plan, though. Medyo naiba lang dahil bigla itong dumating kanina. At ayaw niya na magkaharap sila. At least sa balcony ay medyo madilim at maluwag, she could freely gasp for air and take deeper sighs. "Good idea." he snapped his fingers. Tumayo na siya mula sa stool para magpunta sa taas. "Akyat na ako sa taas ha ilalabas ko yung lamesa at couch sa master's bedroom. Paki bitbit na lang 'yang mga baso at 'yun." nguso niya sa bote ng whiskey na kalahati na lamang ang laman. Nakita lang niya iyon sa bahay nila Jessie noong isang araw kaya tinangay niya. Mukhang kukulangin iyon ngayon, buti na lamang at may binili na siyang beer in can noong umagang naggrocery siya bago maglockdown. Tumalikod na siya para umakyat pero magsalita pa ito kaya muli siyang lumingon. "How about ako na doon, ikaw na dito?" he suggested pero hawak na nito ang mga baso. He has a point. "Ah oo nga, medyo mabigat nga pala 'yon. Okay, switch tayo." Inilapag nito ang mga baso at umikot na sa counter para umakyat. He was just staring at her as they passed by each other. He saw those familiar cheerful eyes and delighted smiles. Kinindatan siya nito nang magkasalubong sila. Do not assume. He's just being nice. Nang makaakyat na ito ay napahawak siya sa dibidb. Parang lalabas na ang puso niya sa lakas ng pintig nito. She already moved on. Paulit-ulit niyang sinabi iyon sa isip. She just missed her family and friends. Iyon lang 'yon. She might have mistaken it for her feelings towards Jayson. Naupo muna siya nang mahanda na ang mga dadalhin niya sa taas pero ilang minuto pa siyang nanatili sa kusina. Naiiyak siya. Her thoughts and emotions were mixing up. She knew this was something different. Was she falling in love again? Pero mali! Maling mali! She should treat him as a friend, no more, no less. But why would he choose to celebrate New Year with her? Ito rin ang kasama niyang nagcelebrate ng birthday niya. What was his real intention? Malinaw naman na sinabi nitong gustong makipagkaibagan sa kanya, siya lang ang nagbibigay ng kulay sa mga ginagawa nito. Ryz, stop it before you get hurt again. Sinapo niya ang ulo at itinukod ang mga siko sa mesa. She cried. Dapat ay hindi na lang siya umuwi ng Bataan. Matagal nang panahong nananahimik ang puso niya at masaya siya kahit walang love life pero ngayon ay litong-lito na siya at mas malaking problema pa kapag nagkataon. "Problem?" Jayson asked as if he was reading her mind. Nainip siguro ito kakahintay sa kanya. Narinig niya ang yabag nito papalapit kaya mabilis niyang pinahid ang luha pero nasa tabi na niya si Jayson. "Are you crying, Sophie?" umisquat ito para masilip ang mukha niya. Lumunok siya ng maraming ulit para pigilang mapaluha. It gave her comfort just by being near him. God, why does it have to be this way? "O-of course not. T-tara na sa taas." pero hindi niya napigilang sumingot dahil naiiyak na naman siya. She stood up to pick the bags of chips. Naramdaman niya ring sumabay itong tumayo sa kanya. Igagalaw pa lang sana niya ang mga kamay pero hinawakan ni Jayson ang pulso niya saka hinatak. The next thing she knew she was wrapped in his arms. Her hands automatically moved up to hug him. "Yes, you are." sabi nito. Sinubukan niyang gumalaw pero mas lalong humigpit ang yakap nito. "I'll take you to Jess. 'Wag ka nang umiyak." lalong gustong kumawala ng luha niya pero matinding pagpipigil ang ginagawa kaya naninigas na ang kanyang lalamunan. Kung alam lang nito ay siya ang dahilan ng pag-iyak niya. She liked the sensation of being in his arms. Sana ay hindi na matapos ang sandaling iyon. Her heart could fall in love easily but always at the wrong time. "Let's go?" Tanong nito pero hindi pa din siya binibitawan. "N-no need. Okay na ako nang makausap ko sila sa Skype kanina." sagot niya. Si Jayson lang naman ang gusto niyang makasama ngayon. Pero hindi bilang kaibigan lang. "Or if you want to be left alone, aalis na ako kung ayaw m–" "No!" mabilis niyang sagot. Bahala na si Batman. Ngayong gabi na lang talaga. Last na. "I-i mean. Mas malungkot mag-isa dito. T-tara na sa taas." saka lamang nito niluwagan ang yakap sa kanya. Gumalaw ito para tignan ang mukha niya saka pinahid ang natirang luha sa pisngi. He smiled subtly. Bumitaw na ito sa kanya at lumapit sa mesa at isa-isang dinampot ang mga chips. "Umakyat ka na, ako na ang bahala mag-akyat ng mga ito." Tumuwid ito ng tayo habang ang mga chips ay nakaipit sa kili-kili at sa braso. "Sophie." pukaw nito dahil hindi pa din siya kumikilos. "S-sige akin na 'yang chips. Pakuha na lang nung ice box sa storage. Doon mo lagay yung beers tsaka ice. Nasa freezer." nilapitan niya ito at isa isang kinuha ang bitbit nito. Saka tumalikod na siya para iwasan ang mga malalalim na tingin ni Jayson kahit pa mas gusto niyang nakadikit dito. Pagkaakyat ay ibinaba agad niya ang mga dala. Napansin niyang isa lang ang upuan na inilabas nito, yung mas mahaba pero sakto lang sa dalawang tao. So magkatabi kami? Hindi naman ito ang pinapakuha ko eh. Tsk! Nauna na siyang maupo para mamaya ay hindi awkward. Bahala na ito kung tatabi sa kanya. Nagbukas siya ng chips saka ipinagpatuloy ang pag-inom. Ipinatong niya ang ulo sa headrest at tumingin sa mga bituin. Malungkot ang langit. Ito sana ang plano niya kanina–ang manood ng fireworks–pero narealize niyang baka bihira lamang ngayon dahil hindi makalabas ang mga tao para makapamili. Umakyat na din si Jayson at inilapag ang tray na may nakalagay na barbeque at pasta. "Balikan ko lang 'iyong beers." sabi nito na nakangiti sa kanya kaya't nginitian niya rin ito kahit peke lang. Sandali siyang pumikit para alalahanin ang nangyari kanina. She just realized lately that she missed her ex so much. Pagkatapos ng gabing lagnatin ito at matulog sa bahay niya ay hinanap-hanap na niya ang presensiya nito. She missed his hugs, his scent, his voice. Everything. Even his kiss. She misses kissing him. Pero hindi na pwedeng gawin yun ngayon. Mas minahal niya ito kaysa kay Ellis kahit na mas nagtagal sila ng huli. Galit na galit siya noon kay Jayson kaya nga kahit pa naging sila na ni Ellis ay galit pa rin siya. Hindi niya matanggap na bigla siya nitong binasura. Pero noong araw na nagkausap sila nito sa bahay nila Jessie ay nagbago ang lahat. Nanghingi ito ng tawad sa kanya pero dahil balot siya ng galit ay iniwan niya itong mag-isa doon at hindi tinanggap ang sorry. Bumalik siya agad noon ng Manila para makaiwas na dito. Ilang araw siyang binagabag ng pangyayaring iyon because she saw him vulnerable but she did nothing. Malayo sa personality ni Jayson ang itusra nito noon. Narealize niyang mali ang pagmamatigas. She felt guilty and wanted to say sorry pero hindi niya kayang iapproach ito, ni wala nga silang contact sa isa't isa. Simula noon ay wala na ulit siyang nadinig tungkol dito. Maging sila Jessie ay hindi na inusisa pa ang nangyari sa kanila noong araw na iyon. Unti-unti ay gumaan na ang loob niya, she had forgiven him kahit na walang maayos na closure. But look at her now, she was starting to fall in love again with an old flame. Naputol ang pag mumuni-muni niya nang lumundo ang couch. Dumilat siya at natagpuan ang mga mata ni Jayson na nakatingin sa kanya. "Hey." sabi niya saka naupo ng tuwid habang naka indian seat. "For you, Ma'am." may inabot itong tatlong rosas. Kumunot ang noo niya nang makilala ang mga bulaklak. Galing iyon sa garden niya. Iilang piraso lang iyon na nakatanim doon pero pinitas pa ng kumag. "Hope it will ease your sadness." That was sweet, she told herself. Heto na naman ang puso niya na parang kinikiliti. "Sa garden namin ito galing noh? Lagot ka kay Mama!" ngumuso siya. "Thanks anyway." she smelled the flowers at lumuwang ang nginiti niya. Hindi naman niya nakagawiang amuyin ang mga iyon dati. Pero dahil galing ito kay Jayson ay parang napaka espesyal nito. "I have permission to pick those." Ipinakita nito ang cellphone. Magkachat ang mga ito at ang Mama niya. Kinuha niya ang phone ni Jayson at binasa ang usapan ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD