Episode 3

2113 Words
3 years later… "Sa lahat ng ayaw ko yung ganitong umuulan e. Masyadong nahahaggard ang kagandahan ko. Aynako." Ryza was as if a damsel in distress along the sidewalk. Paano ba naman ay namumulaklak ang payong niyang punung-puno ng ruffles sa paligid at napakatingkad ng pagka-pink nito habang ang itsura niya ay parang sirena sa kailaliman ng dagat pasipiko. "Sabi ko na hindi tamang lumalabas ang mga prinsesang tulad ko pag masama ang panahon e. Mas sumasama yung timpla ko kaysa panahon. Nakakainis." napapadyak na lang siya sa labak na daan. Madalang ang dumadaang bus na may biyaheng Makati dahil iniba na ng MMDA ang mga rota nito. "Pesteng LRT kung bakit pag walang kuryente ay humihinto. Low tech masyado. Bakit din ba kasi naisipan ko pang dumaan sa botique ni Liza? At ang bruha naman, nagsara pala. ‘Di man lang ako inabisuhan. Hanubeyen. Eto naman kasing MMDA na ‘to pagkagugulo. 'Pag ako naging chairman niyan, magpopropose ako ng underground at overground highways. Huh! Henyo talaga ako. Hay. Napapagod na talaga ako. Ang bigat pa man din ng payong ko." Lagi naman siyang ganito tuwing naglalakad mag-isa sa daan. Kinakausap ang sarili. Kung hindi lang maganda ang kutis at mukha niya ay mapapagkamalan siyang baliw. Naisipan niyang ipahinga muna ang nangangalay na binti nang madaan siya sa isang convenient store. Doon na rin siya magpapatila ng ulan. Inilagay niya ang payong sa rack saka tumingin-tingin sa mga paninda roon. Dumampot siya ng isang bottled water at sandwich. Medyo nagugutom na din kasi siya. Pumila na siya sa counter nang mula sa likod ay may tumawag sa kanyang napakagandang pangalan. And please take note, he called her by her second name. "Sophia?" At isang tao lang ang kilala niyang tumatawag sa kanya nun. Natakot siyang lingunin ang halimaw na nasa likuran niya. She started losing strength. Nanginginig ang mga daliri niya at tuhod hindi dahil sa takot kundi sa iba't ibang dahilan. She couldn’t name it all but one things she's sure of. Galit siya. Mabuti na lamang ay natapos nang magbayad ang nasa unahan niya kaya nakakapit agad siya sa counter. "Sophia..." ulit ng ligaw na kaluluwa. Her heart was as if on her throat. She swallowed an imaginary lump and composed herself. She turned her back as she started to utter words. "Y-yes?" umarko ang kakaahit niyang kilay. She tried hard to compose herself. Nakakunot ang noo ng lalaki at mapupungay ang mga mata. Mahaba din ang bigote at balbas nito gayundin ang buhok. Nakatikwas pa ang dulo ng mga buhok nito dahil umaabot na sa batok at tainga. He looked very different now. "How are you? It's been a long while." sagot ng lalaking animo’y napakalapit nilang magkaibigan. "'Wag mo nga akong binibira sa kakaenglish mo. Do I know you?" she said in between paying the cashier and talking to the beast. Her hands were shaking but she was about to explode in anger. "You are still mad, aren't you?" malungkot ang mukha nito. He looked upset. "Excuse me lang ha. I don't talk to ugly strangers." hinawi niya ang daraanan matapos makabayad sa counter. Bahagya pang dumikit ang braso siya sa matigas nitong abs. Bakit ba napakalapit ng unggoy na iyon sa kanya. Dapat ay dumistansiya ito kung ayaw nitong makatikim ng malutong na sampal mula sa kanya. Binilisan niya ang lakad upang kaagad makalayo sa halimaw na kahit kailanman ay hinding hindi na niya nanaisin pang makita sa buong pamamalagi niya sa mundong ibabaw. Ngunit agad nitong nahagip ang braso niya bago pa man siya kumaripas ng takbo dahilan upang kilabutan siya. "L-let's talk, S-sophie." he stammered. His voice also broke. Pero siya ay nanatiling nakatalikod. How she hated him calling her that way. She knew anytime soon she would break down and she had to prevent it before it happened in front of this guy. Nagtangka siyang kumawala pero mahigpit ang hawak nito sa braso niya. "S-sophia..." Ulit nito nang walang madinig na sagot mula sa kanya. A ticking bomb was about to explode. "'Wag na 'wag mo akong hahawakan kung ayaw mo ng digmaang pangkalawakan. And stop calling me that way! How dare you!" she was pointing her index finger at him. Pilit siyang kumawala bago pa siya ipagkanulo ng puso niya. She ran as fast as she could and didn't mind the rain. Ang mahalaga ay makalayo siya sa isang bangungot. Naramdaman na niya ang init ng luha sa kanyang pisngi na lalong pinainit ng malamig na buhos ng ulan. Why life had to be so cruel? Sana ay hindi na lang talaga siya lumabas ng bahay. Naiwan tuloy niya ang magandang payong sa convenient store. Babalikan na lang niya ito. Patuloy siya sa pagtakbo na animo'y pabalik siya sa nakaraan. She wanted to stop from running. She was cutting that scene off her mind but she was too vulnerable to be so stiff. And so the past played back itself. Habang inaalala ang nangyari ay wala namang hinto ang tulo ng luha niya. Sumasabay ito sa pag agos ng tubig ulan sa kanya. Para siyang kawawang tuta sa gilid ng daan. Napasandal siya sa tabi ng isang establishment kung saan walang gaanong tao at doon ay ibinuhos niya ang luha. She was still hurt. Ang malalamig na tingin at masasakit na salita ni Jayson sa kanya noong gabi na nakipaghiwalay ito ay nanariwa. She couldn't forgive that man. He was a d**k. He was selfish. She prayed for him to meet his karma para lamang maibsan ang nasaktan niyang puso at pride. But after all the cursing, there she was, still crying a river for him. Ang kapal ng mukha ni Jayson para makipag usap pa sa kanya. Dapat ay nagpanggap na lang silang hindi nakita ang isa't isa. Dahil kung siya ang unang nakakita dito ay ganoon ang gagawin niya. Ilang minuto pa siyang nanatili roon bago mahimasmasan. Bahagya siyang nakaramdam ng takot dahil pakiramdam niya ay may taong nagmamasid sa kanya doon kayat nagpasya na siyang lisanin ang lugar.  ________ "Come on, Ryz. I know it was about him. But that was eons ago. An ancient history. Come over or I will tell the whole story to Mama." “Ang OA mo, two years ago pa lang yun. Fresh pa din ang sugat. And it wasn't about him, excuse me.” sabi niya sa nasa kabilang linya. Iniimbitahan kasi siya ni Jessie na dumalo sa first birthday ng anak nito. She had been invited for a week now. Araw-araw ay nakakareceive siya ng text galing sa pinsan para ipaalala sa kanya ang birthday ng pamangkin. Alam daw kasi nitong pahirapan ang pagpapauwi sa kanya sa Bataan. Kung dati raw ay nagpapakaermitaniya siya sa Makati, ngayon ay isa naman raw siyang diwatang takot sa mga machete. Bago pa man kasi siya makapagdahilan ay nakagawa na ito ng sariling teorya kaya naman hirap na hirap siyang makapag palusot. Umiiwas lang daw siya sa posibilidad na pagtatagpo nila ng napakagwapo at matipunong si Jayson Margones kaya’t kahit anumang kaganapan sa Bataan ay hindi niya dinadaluhan. Kahit gaano niya kagustong makigalak sa happenings sa buhay ng pinsan ay pinipigilan niya ang sarili. "Busy ako. Hindi ako papayagan magleave dahil maraming pending paperworks dito. And I need to deal with ten clients within this month." She was making up stories. Alam niyang may binabalak na naman ang mga ito. Marahil ay nakwento ni Jayson ang pagkikita nila sa convenient store kaya ngayon ay pinipilit siyang umuwi nito. Dati kapag sinabi niyang hindi ay ‘di na nila pinipilit ang gusto sa kanya. Kinausap siya dati ng masinsinan ni Jessie nang malaman ang nangyari sa kanila ni Jayson. Nanghingi ito ng tawad sa kanya. Jessie somehow felt guilty dahil sila ng asawa nito ang naging tulay para maging malapit sila ni Jayson sa isa’t isa. ‘Di din daw nito alam na kayang gawin ng kaibigan iyon. Simula noon ay wala na siyang narinig pa mula sa mag-asawa tungkol kay Jayson. Pero ngayon ay heto na naman ang pinsan niya sa maiitim nitong balak. Binablackmail siya ng pinsan para umuwi kaya alam niyang may pinaplano na naman ang mga ito. "Hindi ako kumbinsido. Isusumbong kita kay Mama. At kapag sinumbong ka nun kay Tita siguradong susugod yun pauwi ng Pinas para sunduin ka at patirahin sa States. Bwahahaha." Jessie laughed devilishly over the line. My god! Ayaw niya sa US at ayaw niyang kasama ang ina dahil masyado siyang bine-baby nito. "K. Fine. Pag-iisipan ko." Sukol na ba siya? mamaya ay mag-iisip siya ng magandang idahilan. Kapag umuwi siya ay siguradong mapapagtripan na naman siya. Isa pa ay ayaw na niyang makita ang pagmumukha ng lalaking iyon dahil baka makasakit lang siya ng tao physically. Naiinis siya sa pinsan dahil napaka-insensitive nito. "No. I am not giving you any choice. Isusumbong kita 'pag hindi ka nagpunta. Bye couz. Have a great day." Jessie ended the call. Si Ryza naman ay naiwang nakatanga at hindi pa din inaalis ang phone sa tainga. Naghahanap siya ng pwede pang gawin para makaiwas. Magsakit-sakitan kaya siya? Pero hindi iyon uubra kay Jessie. They knew each other so much. Huling-huli nito ang karakas niya. "Bruha talaga. Parang hindi ako kadugo. Hay." she sighed as a sign of defeat.   Her evil cousin gave an ultimatum. She needed to go back to attend her nephew's party. Kailangan lang niyang magpakita sandali at aalis din siya agad para di na sila mag-abot ng demonyong lalaki.  "Oo, tama. Ganun na lang ang gagawin ko nang matigil lang si Jess." aniya sa sarili sabay tumango-tango. She will go back to the resting place of the beast just to shut her cousin's mouth. Ayaw niyang ipaalam sa mama niya ang mga kaganapan sa buhay dahil, sa ayaw at sa gusto niya, ay kakaladkarin siya nito pauwi ng US. Ayaw niya doon! _____ Hindi magkandaugaga si Ryza mula sa pagpili ng susuotin na damit hanggang sa pag-aayos ng kulot niyang buhok. "Grr. Why do I need to look good in that jerk's eyes?" She teased her hair ruthlessly. Dahilan para lalo itong bumuhaghag. "Bakit ba ako nag-aayos pa samantalang sa kabilang bakod lang ang party? Tsaka party lang yun ng mga bata ‘di ba? Wala na naman akong pakialam kung maimpress siya ‘di ba? Tsaka nananalig akong hindi kami magtatagpo. And I hate him so much!" She was now talking to herself in the mirror. She bowed slightly and closed her eyes. Slowly, she started to inhale so deep and move her head up. Then she exhaled. Tension released. She opened her eyes and picked up a ponytail and updo a messy bun on her hair. Effective ang breathing exercise. She took a final look in the full-length mirror. Lumabas na siya ng bahay. Bago pa siya pumasok ng gate nila Jessie ay napukaw ng isang BMW ang mata niya. She was so sure who the owner was. Yun lang naman ang kilala niyang aattend sa children's party na may kapritsuhang tulad nito. "Ang aga ng bakulaw ah." Muli siyang huminga ng malalim dahil sa pagkadismaya. Akala niya ay mauunahan niya ito para maiwasan. Kailangan na niyang pumasok para matapos na ang lahat ng kalokohang ito. Iiwas na lang siya. "Oy bruha. Your ever beautiful cousin is already here. Happy?" Bungad niya sa pinsang nakatalikod at abala sa pagaayos ng mga dekorasyon sa garden. Ngunit nang humarap ito sa kanya ay dumako ang tingin nito sa patio dahilan upang sundan niya ng tingin ang direksyon ng mga mata nito. At noon lang niya napagtanto na kasuklam-suklam pala ang tanawin sa bandang iyon kaya agad siyang humarap pabalik sa pinsan. Tumutulong mag decorate si Jayson doon. Nakita siya nito. That was really a wrong move, Ryza. Aniya sa sarili. "You are the most wicked witch I have ever met in my entire living." ismid niya. Malapit na niyang batukan ang pinsan. "No, my dear. I am the most gorgeous fairy godmother that you will always call in times of need or should I say, trouble? Believe me, ako yun. Maupo ka muna dun oh. Masyado kang maaga, girl." ngumuso ito sa patio. "Cut it off." pinanlakihan niya ito ng mata. "Tutulong na lang ako kay Loida sa kusina. Later, couz. Bye.” Humanap lang siya ng palusot para makaiwas sa lukaret niyang pinsan. Hindi na niya inantay pang magsalita ito. Dumiretso na siya sa loob ng bahay nila Jessie. ____ Inaaliw niya ang sarili sa iniinom na wine. Nagkakasayahan na ang mga bata sa labas sapagkat tatlumpong minuto na ang nakakalipas ng magsimula ang party. Gusto na niyang umuwi pero busy pa sa program ang mag-asawa. Ayaw naman niyang takasan ang mga ito dahil ayaw niyang sirain ang kasiyahan nila ngayong first birthday ni Cloud. Siguradong magtatampo si Jessie kapag ginawa niya iyon. Naramdaman niya ang paglundo ng sofa dahil nakaupo na pala ang unggoy sa tabi niya. "Bakit ba para akong multo kung takbuhan mo?" Boom! Mabuti naman at alam niyang multo ang tingin niya rito. Isang ligaw na kaluluwang matagal na niyang pinatay sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD