"Mind if I join you?" tanong ni Jayson sa kanya. Mag-isa siyang nakaupo sa lamesa noon dahil busy sa pagpapapicture sa bagong kasal ang mga kasama niya sa mesa, ang mga childhood friends nila ni Jessie. Nandoon na sila sa reception. Mamaya siya aariba pag nasolo na niya si Jessie at Kit.
"Nah." tipid niyang sabi saka pa lamang ito naupo sa tabi niya.
She was sipping her wine nang magsimulang mag open ng topic si Jayson. Nagkwentuhan sila ng lalaking ito as if they were friends before. Samantalang sandali lang naman silang nagkatabi kanina sa simbahan. Sinabi nito kung bakit siya nagkonduktor noong araw na umuwi siya ng Bataan. It was a punishment of his father for a prodigal son like him. Wala daw kasi itong ginawa kundi magwaldas ng pera at magtungo kung saan-saan kaya't hinold ang lahat ng laman ng card niya. Kapag nagkonduktor daw ito sa pag-aari nilang Land Transport business for one whole day ay saka lang ibabalik ang mga iyon. He already learned his lesson. Naintindihan na din daw nito ang gustong ipaunawa ng ama.
Nalaman din niyang sa terminal pa lang sa Maynila nang tanungin niya ito habang nakapila siya ay namukhaan na siya nito. Pinakita daw kasi ni Jessie ang picture niya noong tanungin nito kung sino ang kapartner sa mga abay. Ilang beses na rin itong nakapunta sa lugar nila dahil katabi lang ng bahay nila ang kila Jessie. Hindi siya aware na may kaibigang gwapo si Kit. Siguro ay di sila nagtatagpo dahil minsan lang naman siya umuwi ng Bataan.
Ngunit noong magtanong siya kung bakit siya nito hinalikan at kung bakit hindi agad ito nagpakilala ay napakaconsistent ng sagot nito. She was too annoying. At tuwang-tuwa itong inisin siya dahil daw ang cute niya kaya hindi muna ito nagpakilala. Kinurot niya ito ng pinong-pino sa braso para makaganti man lang sa pangtitrip nito.
“Aw! Ang sakit nun ah. Quits na tayo, Sophia. Don’t get mad at me anymore.” he smiled widely so his cute tiny dimples under the lips showed. Ang gwapo talaga nitong mokong na ‘to.
"Bakit ayaw mong sumama dun?" ngumuso pa ito sa direksyon ng mga kaibigan niya. Nagsimula na kasi ang program. Magpapaagaw na ng bouquet si Jessie.
"No need."
"No need because? You’re boring? You already have a husband or a fiancé? Which one?" usisa nito.
"Di ako boring! It’s just that I don't believe in that crap. Magboboyfriend ako kung gusto ko at magpapakasal ako kung gusto ko noh." hindi niya ito nililingon at nakatingin lang sa harap habang hawak ang kopita.
"Haha. Ang seryoso mo sumagot." pang-iinis nito. She gave him a death stare. "Oh easy, naiinis ka na naman e. For fun lang naman. Sumali ka na dun oh. Ikaw na lang yata ang kulang." inginuso muli nito ang mga kaibigan niya sa harap. And as if on cue ay narinig niyang tinawag ang pangalan niya.
"May we call on Miss Ryza here in the front?" si Jessie pala ang nagsalita.
"A-ah. Hindi na. Kaya nyo na ‘yan. He-he." she shook her head side to side and waved her hand to signal them to carry on without her. Pilit siyang ngumiti dahil medyo awkward na. Nakatingin sa kanya ang mga bisita.
"Come over here girl, we're waiting." tumaas pa bahagya ang kilay nito.
Para naman siyang paimportante sa tono nito. Kaya napilitan siyang pumunta sa harapan. Nang makarating ay nakikita niyang nagsisipag ngisihan ang mga ito. She smelled something fishy.
"Okay. The ladies are now complete. Let me say first that you should catch every bouquet the bride will throw. Once you get it, you will be out of the game. At kung sino ang matira, yun ang susuutan natin ng garter."
She knew it. Napagtripan siya ng mga ito dahil kahit anong gawin niyang pakikipag agawan sa ay hindi siya nagwagi. Sinasadya ni Jessie na ibato ang bouquet malayo sa kanya. May mga sumisigaw din kung saang side ibabato. Ang malala ay walang sumisigaw na ibato ang boquest sa lugar niya. Hinahanap niya ang mama niya dahil siguradong magagalit ito sa pangtitrip nila sa kaniya.
Nakaupo siya sa harap katabi ng bride. Habang ang bruha niyang pinsan ay panaka-nakang ngumingisi sa kanya. She knew they were up to something. Pasalamat sila at araw ng kasal nila kaya sige lang, sasakyan niya ang trip nila.
Alright! It's the guys' turn now. Punta na dito sa harap ang ating mga bachelors. Come on!” Nauna na sa harap si Jayson na tila excited pa. Tumingin ito sa kanya ngunit inismiran niya ito. He drew a wide grin on his face.
Tinitingnan niya ng masama ang kaibigan niyang si Ken. Kinakausap niya ang mga mata nito at nginungusuan na sumali sa game para kung sakaling ito ang manalo ay hindi siya maiilang sa mga susunod na mangyayari. Ngunit ngumisi lang ito sa kanya. She flared her nose.
"Mr. Jayson! Winner by default. Mukhang walang may gustong sumali. Now then, let's proceed."
Pambihira! Unfair! Bakit ako, sapilitang inaya dito? This can't be! I knew it! I knew it! Nagsusumigaw ang utak niya. That was a scheme. Mukang magkakasabwat ang lahat ng tao at pinagtitripan siya. Bakit parang siya lang ang walang idea na may ganitong mangyayari?
Maluwag ang pagkakangiti ni Jayson sa kanya. Walanjo kang gwapong konduktor ka! Humanda ka sa akin pagkatapos nito!
Mukhang ang lalaking ito ang mastermind ng lahat ng kalokohan nila. You scheming gorgeous!
"Okay! Ngayon ay buo na ang dalawang pair ng couple natin." sabi ng emcee.
Eh? Couple naman daw ang sabi ng emcee. Hindi ba pwedeng partners lang muna? Sapilitang pinagpartner. Ganon!
"Kayong dalawa, you’ll copy what the couple will do okay? Simple as that. Okay? Let's start. Let's see what is the newly wed's first move."
Umupo si Jessie sa bangko at lumuhod naman si Kit. Isinuot nito ang garter sa ankle ni Jessie. Oh come on! I will skin you all alive! Grr!
Sumunod naman sa ginawa ni Kit si Jayson at ng mapansing hindi pa siya nakaupo ay hinatak nito ang kamay niya. Damuhong to at napakagentleman. Naku nanggigigil ako! Nakakainis lang talaga kung ngumisi ang lalaking ito dahil parang laging may gagawing kalokohan.
Napaigtad pa siya ng maramdamang sumayad ang mga daliri nito sa binti niya. Mukhang nananadya pa ang loko. Itinaas niya ang paa para maisuot ni Jayson ang garter. Pero ang damuho ay dumiretso agad sa binti niya kahit hindi pa itinataas ni Kit ang garter kay Jessie.
Lumingon siya kila Kit at nakitang nagtatawanan ito dahil sa ginawa ng pilyo niyang partner. Itinaas ni Kit ang garter hanggang hita ni Jessie. Mama nasan ka na ba?
"Higher!" sigaw ng mga bisita. tumingala si Jayson sa kanya at nakangisi na naman.
"Oh higher daw, Miss." ika nito. Naiinis siya sa ngiti nito. Kinikilig siya na hindi niya maintindihan.
"Gusto mong i-higher ko yang mukha mo?" pabulong niyang sabi at tinaasan niya ito ng kilay.
Nang nasa tuhod na niya ang mga kamay nito ay inipit niya ng kabilang tuhod ang kaliwang kamay. "Hanggang diyan ka lang!" niyuko niya ito at pinandilatan.
"Okay, okay. Fine. Haha." Pero bahagya nitong pinisil ng isang kamay ang hita niya. Kaya naman nag-init ang muka niya. At as usual, nakangisi na naman ito sa kanya.
Anak ka ng tipaklong! Gentleman daw pero nangchachansing ang hinayupak! Sarap sapatusin sa mukha!
"Looks like our maid of honor is blushing. So what's the next move Mr. and Mrs. Casue?" Tumayo na ang mag-asawa. Kaya’t tumayo na rin silang dalawa. Hinarap ni Kit si Jessie at marahang hinalikan sa labi ng tatlong ulit. Three f*****g times! Nang matapos ay humalakhak ang mag-asawa at tumingin sa kanila.
Oh no! I just wanna die right now! Narinig niyang nagsigawan ang mga tao. "Kiss! Kiss!" kasabay ng pagkalampag ng kutsara sa baso. Muli niyang hinanap ang ina para magparescue dahil napapagtulungan na siya dito. Ngunit nang masumpungan ng mata ang ina ay tila nag-eenjoy ito pati ang mama ni Jessie. Pareho itong nakikikalampag ng kutsara sa baso. What the hell?
Bumilis naman ang t***k ng puso niya nang harapin na siya ni Jayson. Ano pa ba ang inaarte niya? Hinalikan na nga siya nito diba? Pero hindi sa harap ng ganito karaming tao! Parang may mga dagang naghahabulan sa dibdib niya. Hindi niya ito matignan sa mata. Nagbaba siya ng tingin at napagtantong hindi maganda ang tanawin roon—ang labi nito. Bumalik ang tingin niya sa mga mata nito. She saw excitement in his lazy eyes. Hinapit nito ang bewang niya habang pababa na ang mukha nito sa mukha niya kaya't mariin siyang pumikit. Ngunit sa kaliwang pisngi niya dumapo ang halik nito. Sumunod ay sa kanan tapos ay sa noo.
Gentleman naman pala ang bruhito. Pero nakarami siya sakin ngayon. Ngunit bahagya siya nakaramdam ng disappointment. Ang lambot ng labi niya. s**t!
Nakahinga siya ng maluwag ngunit nagtilian naman ang ibang naroroon. Narinig rin niya ang halakhak ni Kit at Jessie. Ang lakas ng trip nila. Gusto na niyang lamunin siya ng lupa upang ikubli ang hiya. Sana’y matapos na itong kalokohang ‘to.
"Aww... Those were sweet and gentle kisses. Nakakakilig po, ‘diba?” nagsigawan ang mga tao “So what now newly weds? Ano’ng susunod?"
Kinuha ni Kit ang mic at nagsalita.
"Sweetheart, I love you. God knows how happy I am that we're now married. I’ve been waiting for this moment to happen. At nangyari nga. Kaya salamat for letting me into your life. I promise to love you forever, and take care of you even when we get old. I will give everything I can just to make you feel so content with me. I love you so much, mahal ko." Jessie silently mouthed, “I love you too.”
"Awww… Grabe! Feeling ko ay Valentine’s Day ngayon. Sobrang nakakakilig ng mga pangyayari, ‘di ba guys?" sabi ng emcee saka naghiyawan muli ang crowd.
Kinilig din si Ryza sa narinig. Napakaswerte nila sa isa’t-isa. A match made in heaven.They love each other so much. The way Kit stared at Jessie, alam niyang tunay ang lumabas sa bibig nito.
"Now, it's Jayson's turn." narinig niyang sabi ng emcee.
Nabigla siya dahil akala niya ay tapos na ang pangtitrip nila. Bakit kailangang may message pa? And seeing his grin made her feel nervous again. Wala naman kasi itong ginawang matino simula ng makilala niya ito.
Kinuha nito ang mic then took a deep sigh. Nadinig pa nga sa mic ang pagbuga niya ng hangin kaya’t nagtawanan ang ibang guests.
"Ehem... Ah Sophia..." he’s now wearing his breathtaking smile. My gosh! Why is he so gorgeous?
"...can you be my girlfriend?"
Eight months later...
"Ayoko na." nakaupo ito sa sofa nila habang sapo ang ulo ng mga kamay.
"What?" sa gulat ni Ryza ay nasigawan niya ang kasintahan. Binalingan niya ito at nagpamewang. She took a deep sigh and wiped the first drop of tear on her cheek.
"I'm so sick of your nonsense issues." hindi siya nito tinitignan. Why?
"You called it nonsense? Tinatanong ko lang naman sa 'yo kung anong kulang sa lahat ng effort ko at bakit ganyan ka kalamig makitungo sa akin. And you called it nonsense. Hinihingi ko yung assurance na mahal mo pa din ako. 'Yun ba ang nonsense?"
"Just live your life. So do I with mine." ani ng lalaki sa malamig na tinig.
"Do you hear yourself, Jays? You are asking me to let go of you." She was so confused. Napakaraming tanong sa isip niya. He made her fall in love with him tapos ngayon ay bigla na lamang itong makikipaghiwalay. Anong trip na naman nito?
"Yeah and you heard it right." sa wakas ay nag-angat na ito ng paningin. Blangko ang mukha ni Jayson kya hindi niya mabasa ang emosyon nito. Ang sakit marinig na ayaw na nito. May iba na ba ito? Nafall out of love? Sa anong dahilan? Baka pwede pang maisalba.
"Am I that easy to dump out of your life? Ang sama mo, alam mo ba?"
"Nakakasawa na. Nakakapagod." tumayo ito at akmang lalabas na ng bahay.
Patakbo niyang nilapitan ito at niyakap. “Please, Jayson. Don’t leave me. Pipilitin kong intindihin ka just don’t leave me. Please, please.”
"That's why we need to live our own life. We can't understand each other. Let's just be happy." nanatiling nakababa ang mga braso nito sa gilid. Hindi man lang siya yakapin.
"And you will be happy without me?" napakasakit marinig ng mga salitang 'yon galing kay Jayson. Sa taong pinag alayan niya ng lahat sa kanya. She didn’t even reserve for herself. Every thing she did and every thing she had, he had always been prioritized. Halos maglive-in na nga sila nito. Nagresign siya sa trabaho para dito. Tahimik ang buhay niya bago ito dumating pero pilit itong pumasok sa buhay niya at pinaibig siya.
Unang mga buwan ng relasyon nila ay puro kilig. Pero habang tumatagal ay nagbabago ito. Naging madalang ang pagdedate nila. Madalas ay gabi na kung umuwi galing sa kumpanya. At minsan isang linggo na lang ito tumawag. Dati halos araw-araw ay sa kanila ito umuuwi. Pero ang isang beses sa isang linggo ay naging isang buwan. Kaya’t napadalas ang kanilang pag-aaway. Hanggang sa dalawang buwan itong di nagpakita. Minsan lamang siyang makareceive ng text dito at hindi sinasagot ang mga tawag niya. At ngayon ngang sa wakas ay nagpakita na ito, ay makikipaghiwalay naman pala. Binitawan siya ng ganun lang. Hindi na niya maisip kung ano pa ang kulang. Kung ano ang mali sa lahat ng ginawa niya.
Kumawala si Jayson sa yakap niya at lalong nasaktan ang damdamin niya. Kasabay ng pagtulo ng luha ay ang pagtama ng palad niya sa muka nito. Sa pangalawang pagkakataon ay napagbuhatan niya ito ng kamay simula nang una silang magkaengkwentro sa bus terminal. Lumayo na siya dahil ayaw niyang makita ni Jayson kung gaano siya kahina pagdating dito. Tumakbo siya sa kwarto at nadinig na lang ang tunog ng makina ng kotse nitong papalayo na. Parang hindi na titigil ang pagtulo ng luha niya ng araw na ‘yon kayat nagtawag na siya ng rescue. She called her three wonder friends. At natagpuan na lamang niya ang sariling nagpapakalango sa alak kasama ang mga ito.
"Wala shang... kk-khwentah! Hang pahnget p-pahnget niyah!" She said in between stuttering phrases. She was still crying but couldn't trace if there were still tears rushing down her face. Kung manhid na ba siya o naubos na ang luha ay hindi niya matukoy.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, basta gwapo, manloloko. Ayan, luhaan ang beauty mo, girl." paninisi ni Loise.
"E bakit yung ex ni Arielle, nagmakaawa pa sa kanya?" tanong niya sabay tingin kay Arielle na nabistahan niyang umismid lamang.
"Yes. Nagmakaawa, you're right. Nagmakaawang wag ilabas ang katotohanan. Pamintang durog kaya si Kian a.k.a. Kianna sa gaviiii. Hahaha. Am I right, A? Halakhak ni Asia na tila nang aasar.
"Sasabunutan ko kayo. Bakit ba sakin niyo nililipat ang topic?" depensa ni Arielle. Sumimangot naman si Ryza.
"Men, men, men! I so hate them now!" umiiyak pa rin ni Ryza.
"Yes, my dear. Cheers to all the single ladies here!" Tumayo pa si Asia sabay taas ng kopita.
"Cheers!" They said in chorus as they all stood up.
_____
Natulala si Ryza sa nasasaksihan niya ngayon. Daig pa niya ang nastarstruck kay Lee Min Ho. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi siya isang fangirl sa pagkakataong iyon. She commanded her eyes not to look at them but it seemed like they had no nerve endings at all. At dahil doon ay hindi na rin niya napigilang tumulo ang luha.
Bago pa man siya makaiwas sa pagtatama ng mga mata nila ni Jayson pati ng kahawak-kamay nitong babae ay nauna na itong magbawi ng tingin. Nayanig ang buong pagkatao niya sa gesture ni Jayson. She was like a stranger for him. Wala na talaga siyang halaga para rito. Ni wala siyang ideya na ganoon kabilis siyang mapapalitan. Napakamanhid ng damdamin ng taong ito. At isinusumpa niya si Jayson.
Mukhang sa buong pagsasama nila ay siya lang ang nagseryoso. Na siya lang ang nagmahal ng totoo at naiwan siyang magisa na umaasang magkakabalikan pa sila. Siya lang pala ang nagiisip ng ganun. Samantalang ito ay may iba ng kinahuhumalingan. Sabagay, nagsimula ang love story nila sa pangtitrip lang. Ano pa ba ang aasahan niya. She shouldn’t have expected much na magtatagal ang relasyon nila. Look at him now, he really wanted to get rid of her. Wala pang isang buwan simula ng maghiwalay sila. Mas nauna pa itong makahanap ng kapalit niya kaysa makahanap siya ng trabaho.
She hated that man for hurting her so much. For not taking care of her feelings. For not treasuring any of their memories together. She could swear she would hate him forever. And this would be the last time that she would cry for that man. Evah!