BELLA
Kinabukasan, sumaglit lang ako sa cabin para ayusin ang mga bato na pininturahan ko. Hindi kasi ako nakagawa kahapon dahil nga biglang nag-aya si Elvo na maligo kami sa talon at dahil nasa loob daw si Solomon.
Pagtapos nga noon ay nagpunta pa kami sa bahay dahil hinatid niya ako. Takang-taka ang Papa ko nang makita si Elvo at hindi makapaniwala na nagmano ito sa kaniya.
“Mabait na bata talaga si Don Silvestre,” sabi ni Papa nang umalis na si Elvo kahapon. Hindi na niya hinintay pa na maibaik ko ang t-shirt na pinahiram niya sa akin.
“Mabait po talaga siya, Pa.”
“Pero bakit kayo naliligo nang magkasama?” biglang tanong niya sa ‘kin.
Sumilip naman si Mama mula sa kusina na katatapos lang maghugas ng pinggan. “Sinong naliligo?”
“Si Don Ceciliano saka si Bella,” sumbong ni Papa at natatawa.
“Pa!”
“Ano ‘yon, Bella? Si Don Solomon ba?” tanong agad ni Mama at nagpunas ng kamay.
Pati ba naman si Mama, kay Solomon ako ini-issue?! Kay Elvo na lang, please! “Mama! Kami po ni Elvo ‘yung naligo n-nang magkasama…”
Nanlaki ang mga mata ni Mama. “Bella! Nobyo mo si Don Silvestre?!”
“Hindi po, Ma!” tutol ko at ngumuso.
“Aba, bakit kayo naliligo nang magkasama kung gano’n?”
“Kasi magkaibigan po kami,” giit ko naman. “Normal lang po na ligo. Friendly bath.”
Naalala ko bigla ‘yung naramdaman ko sa puson ko… ‘yung matigas sa gitna ng mga hita ni Elvo. Nahiya ako habang iniisip ko pa lang.
Nagtawanan silang dalawa at tinuro-turo pa ang mga pisngi ko na namumula raw. Hindi na ako nakipag-asaran pa sa kanila at ganoon natapos ang araw na sabay kaming naligo ni Elvo. Ang issue ng Mama at Papa ko, grabe!
Kaya pagtapos kong mag-ayos ng mga bato, nagpasiya akong pumasok sa cabin. Wala pa siya kahit alas kuwatro na.
Nasaan kaya siya? Baka busy sa site.
Before I entered, I saw the newspaper on his porch tucked in the handrail spaces again. Napangiti ako at pinulot ‘yon saka nilagay sa mesa niya sa labas.
I went inside the cabin and I saw a red lingerie on the sofa. Napangiwi ako at naisip na iniwan lang ‘to nina Solomon dito kahapon pagtapos nilang gumawa ng kababalaghan.
So… hindi pa nga nagpupunta si Elvo rito ngayon? Dahil for sure lilinisin niya ‘to. I picked the underwear up and trashed it. I immediately washed my hands and thought of something.
Bakit kaya pumapayag si Elvo na nagdadala lang ng babae si Solomon dito? I mean, yes, brothers but…
“Ewan,” I whispered to myself and put Elvo’s t-shirt on the coffee table with a small note, thanking him. Umuwi na ako pagtapos.
Hindi pa ako nakakarating sa bahay, nakasalubong ko na si Merlie na nakasuot ng green maxi dress at may bulaklak pa sa buhok.
“Belladonna Tacadena!” sigaw niya at nagmamadaling lumapit sa akin.
“Saan ang lakad mo? Todo ang get-up, ah. Gumamela cosplay?”
“Tse! Gumet-up ka na rin dahil pupunta tayo sa sayawan!” aya niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. “Sayawan? Saan?”
“Sa kabilang bayan!” sagot niya at hinila ang kamay ko papunta sa bahay namin. “Magbihis ka ng dress mo, ha! Bibigyan kita ng bulaklak pagdaan natin sa bahay. Halika!”
“E ‘di ako marunong sumayaw!”
“Bella, kahit kawayan ka pa puwede ka ro’n!”
At ganoon nga ang nangyari. Mabilisan akong nagbihis at ligo dahil wala namang aamoy sa akin sa sayawan, at nagbihis ng isang navy blue halter dress. Hapit na hapit nga sa akin at sumisilip ang dibdib ko dahil medyo matagal ko na ‘tong nabili sa Maynila.
Naglagay rin ako ng kaunting powder sa mukha at dinampian ng mapula-pulang lipstick ang labi ko at pagtapos ay lumabas na.
“Puwede na ‘to, Merls?”
Napapalakpak ang pinsan ko. “Ganda, Bella! Sigurado ako, uuwi kang may manliligaw!”
Umismid ako. Hindi ako interisado. Binibiro ko nga lang si Elvo na hanapan niya ako ng boyfriend, e. “Tse, ayoko.”
“Aysus! Ngayon mo lang nasasabi ‘yan kasi wala pa,” Merlie added while we were walking out of the house. “Pero kapag may lumapit na sa ‘yo? Titiklop ka rin.”
“Weh? Pa’no mo nasabi? Saka, sino namang lalapit sa ‘kin?”
“Bella, ang daming mga pupuntang pulitiko at mayayamang lalaki ro’n!” sabi niya. “Makabingwit ka lang ng isang konsehal o kahit anak ng sinong mayaman, puwedeng-puwede na!”
Tinawanan ko na lang si Merlie. Hindi talaga ako interisado. Hindi nga ako kinikilig kapag nakakakita ako ng guwapong lalaki… maliban na lang kay Elvo. Iba kasi ang karisma niya at type na type ko talaga siya.
Lumarga na kami ni Merlie. Dumaan muna kami sa bahay nila para pumitas noong puting gumamela at nilagay sa likod ng tainga ko.
“Diyosang-diyosa! Hawig na hawig ko talaga!” usal ni Merlie. “Halika na!”
Sumakay kami ng tricycle papunta sa kabilang bayan at nakarating kami nang pasado alas sais na. Sa isang court gagawin ang sayawan at ngayon pa lang ay ang dami-dami nang tao na mga nakasuot din ng barong o dress at may bulaklak sa buhok o bulsa ng damit. Buhay na buhay ang paligid lalo pa’t puno ng dilaw na Christmas lights ang buong court.
“Nandito na tayo!” usal ni Merlie at hinila ako sa dagat ng mga tao. “Nandoon sa harap ‘yung mga kaklase ko, punta tayo.”
The smell of grilled corn cobs and squid filled the air. Nagugutom ako sa amoy noon at natakam pa ako nang makita ang isang ale na nagbebenta ng gulaman na may kondensada. Ang daming paninda sa buong court at tuwang-tuwa ako dahil matagal na akong hind nakakita ng ganito.
“Miss, popsicle?”
Lumingon ako sa isang matandang lalaki na nagsabi noon sa akin. Inaalog niya ang hawak niyang bell at malagkit ang tingin sa akin, mula hita hanggang dibdib. Sumipol pa siya at nginisian ako.
Inirapan ko ang matanda at tinaas ang middle finger ko. Kung ‘di lang ako hinila ni Merlie, tatalakan ko siya. Katanda-tanda na, manyak pa!
Naglakad pa kami ni Merlie hanggang sa narating ang harapan, iyong malapit sa entablado. Nandoon nga ang mga kaklase niya dahil namukhaan ko si Tess at si Victor na nagliwanag ang mukha nang makita ako.
“Bella…” Si Victor.
Inayos ko ang mahaba at kulot kong buhok. “Hi, Victor.”
“Ang ganda mo,” sabi niya.
Ngumiti na lang ako bilang sagot at dumikit lang kay Merlie sa buong oras hanggang sa magsimula na ang programa.
Maraming sinabi ang MC at wala nga akong masiyadong maintindihan. Nahihilo na rin ako sa dami ng tao kaya nagpaalam ako kay Merlie na lalabas muna sandali.
“Samahan na kita, Bella,” pagboboluntaryo ni Victor. “Madilim sa labas.”
Hindi na sana ako papayag pero nahihilo na ako para magprotesta pa. Sabay kaming umalis ni Victor sa harap at pumunta sa bandang likod, tumawid sa kalsada, at tumayo lang sa tapat ng madilim na sakahan.
“Sandali, Bella. Bibili lang ako ng inumin,” paalam ni Victor.
Tinanguan ko lang siya at tumingin lang ako sa malayo para hindi masiyadong ma-overwhelm sa dami ng nakikita. Maya’t maya ang paghimas ko sa braso ko dahil nilalamig ako at nilalamok na rin.
Habang nakatayo ako roon, pumarada sa harap ko ang isang itim na sasakyan. Hindi ko na iyon gaanong pinansin hanggang sa tawagin ako ng kung sino mang driver na bumaba rito. “Bella?”
Nagbato ako ng tingin, nanlaki ang mga mata nang makitang si Elvo pala! “E-Elvo! Nandito ka…”
Pupunta pala siya sa sayawan kaya wala siguro siya sa cabin kanina. Dapat nagsabay na lang kami. Joke!
Nakasuot ng puting long sleeves polo si Elvo, nakabukas ang dalawang butones sa itaas. Pinatungan ito ng isang itim na blazer, at pinaresan din ng itim na slacks at sapatos. He looks dazzling! Kahit madilim ay nagliliwanag ang kaguwapuhan niya.
“Naimbitahan,” maikling sagot ni Elvo at tumingin sa suot ko. Napansin niya nga yata ang maya’t maya kong pagkiskis sa mga braso ko. “Bakit mag-isa ka? Madilim dito, Bella.”
“May binili lang ‘yung kasama ko…”
Tumango siya. Akala ko nga ay aalis na pero nagulat ako nang tanggalin niya ang suot niyang blazer at pinatong ito sa balikat ko. “Maginaw na.”
“Hala, E-Elvo! Hindi na, baka ikaw naman ang—”
“Kaya ko. Ibalik mo na lang sa ‘kin sa cabin kung gusto mo.”
I bit the inside wall of my mouth, trying to calm myself. “Siya nga pala, Elvo, nasa cabin na ‘yung shirt mo kahapon. Nilabhan ko na rin.”
Sasagot pa sana si Elvo nang biglang dumating si Victor. Hawak niya ang dalawang baso ng juice at nagbato ng tingin sa aming dalawa ni Elvo. Papalit-palit, nagtataka. “Bella, sinong…?”
“Si Elvo, Victor.” Tinuro ko si Elvo na ngayon ay bahagyang nakaangat ang isang kilay habang nakatingin kay Victor.
“Kilala ko siya,” sabi naman ni Victor. He scoffed and stood in front of me, covering my view of Elvo. “Magandang gabi sa ‘yo. Kasama ‘ko ni Bella.”
Elvo nodded. “Hindi kita kilala, pero magandang gabi rin.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero biglang nagkaroon ng tensiyon sa hangin dahil doon. I was about to interfere but thankfully, Elvo craned his neck to see me behind Victor. “Papasok na ako, Bella. See you?”
I smiled at him and nodded, my cheeks getting warm with such simple words. “See you.”
Pag-alis ni Elvo, inabot sa akin ni Victor ang isang baso ng BJ—buko juice. Nagbato siya ng tingin sa blazer na nakapatong sa balikat ko at mapaklang nagsalita. “Uminom ka muna. Pagtapos mo, pasok na tayo.”
“Thank you, Victor.”
Mabilis kong ininom ang juice at pumasok na kami ni Victor sa sayawan uli. Nanamlay nga si Victor doon at maliliit na usapan na lang ang nagawa namin.
“Bella!” tawag sa ‘kin ng pinsan ko pagpasok namin. “Oh, saan galing ‘yang blazer mo?”
Tinuro ko ang labas. “M-May nagpahiram lang sa ‘kin.”
“Ayan, sabi ko sa ‘yo, uuwi ka talagang may manliligaw!”
Tinawanan ko na lang ang sinabi ni Merlie at tumingin sa mga tao sa harap. Maya-maya pa, tumugtog na ang romantikong musika at nagsigawan ang mga tao sa court. Sayawan na!
Everybody got their own partners as soon as the music played. Ang balak ko nga sana ay manood na lang, pero inalok ni Victor ang kamay niya sa akin habang may maamong ngiti sa mukha.
“Sayaw tayo?” tanong niya.
Nginitian ko siya at tinanggap ang kamay. Wala namang mawawala kung sasayaw. “Sure…”
At sumayaw na nga kaming dalawa ni Victor. Siya ang gumagabay sa akin dahil hindi ako marunong. I giggle every time I make a mistake, and Victor would tease me about it.
“Sorry, Victor. Parehong kaliwa ang paa ko, e,” I told him.
Habang sumasayaw kami, pakiramdam ko ay may tumitingin sa akin. I looked around and when my eyes laid on the stage, I saw Elvo staring at me intently. His hawk eyes were fixated on Victor and I, making me feel nervous.
Napakagat ako sa ibabang labi ko, tinatago ang ngiti. Tinititigan niya ba talaga ako o delusional lang ako?
“Bella, Bella!” tawag sa ‘kin ni Merlie habang nagsasayaw rin siya kasama si Oscar, ‘yung kaklase niya. “Hayun ‘yung girlfriend daw ni Don Silvestre, ‘yung katabi niya. Si Heidi Adachi!”
Mabilis akong tumingin sa stage at nakitang may katabi nga siyang babae. Singkit, maganda, kutis-porselana, at maiksi ang buhok. She looks like a model or something, her aura screams sophistication and class.
“Bagay sila, ‘no?” Merlie told me.
Parang hindi naman.
What Merlie said left a bitter taste in my mouth. Hindi ko alam, pero nainis ako sa nakita at nawalan ako ng gana. Nag-uusap at maya’t maya pang nagngingisian sina Elvo at Heidi kaya lalo akong nanamlay sa pagsayaw.
“Bella?” tawag sa ‘kin ni Victor. Nawala na siya sa isip ko.
Bumitaw ako sa kamay niyang nakahawak sa ‘kin at nagpilit ng ngiti. “Sorry, Victor. Wala na akong gana.”
Gumilid ako at pinanood ang dalawa sa stage. I felt annoyed just looking at them sitting together.
I wonder what they were talking about. Siguro, pinag-uusapan nila kung saan sila mag-de-date bukas. O hindi kaya kung paano sila magtatabi mamaya sa kama. O baka naman naiisip nila kung kailan sila ikakasal, puwede ring kung ilang anak ang gusto nila.
Bakit pala masiyadong malapit sa ‘kin si Elvo kung totoo pala ‘yung sinabi ni Merlie na may girlfriend na siya.
Ayokong sumali sa relasiyon nila pero… ano ‘yung mga nangyari sa amin noong nakaraan? ‘Yung sabay na pagligo? Pagbigay ng susi? Pati ‘yung naramdaman ko sa puson ko.
Ano ‘yon? Baka ginagawa niya na pala akong kabit. I felt guilty and conscious of myself… was I being played on?
I heaved a sigh and looked up the stage one last time. Elvo and I’s eyes met but I immediately turned away.
This was supposed to be a fun night learning that he really has a girlfriend made me sad. Bakit ba ako nagpapauto sa kaniya? Bakit ko ba kasi nakalimutan ‘yung sinabi ni Merlie?
Ang mayaman… para sa mayaman lang.