BELLA
“Kumusta sa sayawan? Na-enjoy mo ba?”
Iyan ang bungad sa akin ni Mama paggising ko. Pasado alas diez na kasi ako nakauwi, hinatid ako ni Merlie at ni Victor na tinatanong pa rin ako kung bakit nawalan ako ng gana sa pagsayaw.
Kumusta ang sayawan at na-enjoy ko ba? Oo at hindi. Oo, dahil kagabi na lang ako nakaranas noon at hindi dahil sa nakita ko. Inis na inis talaga ako roon lalo pa at tumitingin si Elvo sa ‘kin.
Dahil hindi maganda ang tulog ko, siyempre hindi na rin maganda ang gising. Pero kahit gano’n, sinikap kong ngitian si Mama at tinulungan siyang ayusin ang laman ng bayong na dadalhin niya sa palengke.
“Okay naman po sa sayawan, Ma,” sabi ko.
Humigop ng kape si Mama. “Talaga ba? E ba’t puwedeng sabitan na ng kaldero ‘yang nguso mo?”
“May nalaman lang po,” natatawang sabi ko.
“May nahanap ka bang mayamang boyfriend?” biro ni Mama. “Sabi ni Merlie, marami raw ro’n.”
“Para ka nang si Manang Pasing, Ma,” sagot ko. Sabay kaming tumawa roon bago siya nagpasiya na mauuna na.
I watched her walk down the muddy trail and went back to the kitchen to find something to eat. Habang nasa sala pa ako, napansin ko ang isang napunit na piraso ng papel doon.
“Ano ‘to?” bulong ko. Pinulot ko ang papel at naningkit ang mga mata ko sa nabasa.
Land Acquisition Letter. Pirmado ito ng local government ng El Blaza.
“Land acquisition letter?” bulong ko sa sarili. Bigla ko tuloy naisip ang dahilan kung bakit nagiging abala sina Mama sa lupa namin.
I sighed. Mamaya ay tatanungin ko sila o ako na ang maghahanap ng sagot. I hid the piece of paper in my cabinet and went about my day. Nag-agahan ako, naligo, at naghanda na para maagang makapunta sa cabin nang hindi ko makita si Elvo.
Ayoko siyang makita. Naiinis ako sa kaniya at titiisin ko na lang ang trabahong ‘to hanggang sa makadalawang buwan ako para magkapera ako. Pagtapos no’n, aalis na ako.
Alas onse nang maglakad ako papunta sa cabin, dala na rin ang Yves Saint Laurent blazer niya kagabi. Maglilipat lang ako ng punla at aalis na.
Habang naglalakad, naalala ko na naman iyong nakita ko sa sayawan kagabi, ang pag-uusap ni Heidi Adachi at Elvo. Ang lambing-lambing nila sa isa’t isa at naiinis ako dahil hindi ako masaya.
“Batiin din natin ng ‘magandang gabi’ ang ating naggagandahan at naggaguwapuhang mga bisita!” sigaw ng MC kagabi nang tapos na ang sayawan. Isa-isa niyang pinakilala ang mga nakaupo roon. Tama nga ang sinabi ni Merlie, maraming mayaman.
Trent Diaz was there, the rich guy who owns a hotel and restaurant near El Blaza’s cove; Justo Torrelavega was also present, the owner of Paradiso. May iba pang mga tao katulad ng mga konsehal at nandoon nga rin ang mayor ng El Blaza, si Facundo Capili.
Pero siyempre, isang tao lang ang gusto kong makita roon kaya lang may kasama na siya. At naiinis ako sa kaniya.
“At siyempre, bigyan natin ng masigabong palakpakan si Don Silvestre Ceciliano IV!”
Nagpalakpakan ang lahat, may kasama pang sigawan.
“Kasama niya ang napakagandang si Miss Heidi Adachi, soon to be Mrs. Ceciliano. Just kidding!”
Jokes were meant to be funny, right? Nilibot ko ang tingin ko at napangiwi nang nagtitilian ang mga nanonood. Anong nakakakilig do’n? Parang wala naman.
At sa buong gabi na iyon, hindi na naayos ang mood ko. Umuwi akog galit, natulog akong galit, gumising akong galit, at papunta ako sa cabin nang galit.
Galit ako ngayong araw. Kasalanan ‘to ni Elvo.
Speaking of Elvo, narito siya sa bahay niya at lalo pa akong nagalit! Alas onse pa lang pero nandito na ang traktora niya at nakaupo sa hagdan ng terrace.
Anong ginagawa niya rito? He shouldn’t be here!
I sighed when I was just a few steps away from him, stopping myself from rolling my eyes. “Blazer mo.”
“Thank you,” sagot naman ni Elvo nang kunin niya na sa akin ang damit. Naramdaman ko ang pagsipat niya sa akin pero wala akong pake.
Mula ngayon, tranaho na lang ang punta ko rito.
Hindi ko na siya inimik pa at naglipat na lang ng mga punla habang naiinis dahil naalala ko ang nangyari kagabi.
Padabog kong kinuha ang mga gamit sa kartilya. Bahala na kung magalit siya, nagagalit din naman ako sa kaniya.
Totoo pala ‘yung bali-balita na may girlfriend siya, tapos papahiramin niya ako ng t-shirt at blazer? Papapasukin sa cabin? Aayaing maligo sa ilog? At talagang titigasan pa siya sa ‘kin!
He told me he wouldn’t get me to trouble. Naiinis ako dahil gumagaan na ang loob ko sa kaniya pero dahil sa mga nakita ko kagabi, mabigat na.
Hinagis ko sa kung saan ang hawak na trowel pagtapos gamitin ito.
I could hear Elvo’s heavy footsteps as soon as I did that. While I was busy planting, he stood beside me, casting a shadow over. “Nagtatampo ka ba sa boyfriend mo? Bakit dabog ka nang dabog?”
Tumigil ako sa pagtatanim. “Boyfriend? Wala akong boyfriend.”
Elvo giggled. “‘Yung pinakilala mo kagabi? Ano nga uling pangalan niya?”
“May nakakatawa ba?” inis kong tanong. “At hindi ko boyfriend si Victor.”
“Wala ka ba sa mood kasi wala si Kuya Solomon? I’ll make a call if you want to see him.”
“Shut up, Elvo. Hindi ko nga siya gusto.” Padabog akong tumayo at hinarap siya. “Bakit ba ang kulit mo?”
“Oh, ba’t sa ‘kin ka nagagalit?” namamangha niyang tanong. Hindi man lang siya natinag na sumisigaw na ako. “Wala naman akong ginagawa.”
You were giving me mixed signals!
Siguro assuming lang ako at mabait lang siya pero masama pa rin ang loob ko. Anong iisipin ng mga tao sa ‘kin? Malandi ako? “’Wag ka na ngang magtanong, Elvo.”
“Ano ba’ng problema, Bella?” Naging seryoso ang tono niya at hinuhuli niya ang tingin ko. “May nagawa ba ako? Bakit ka nagagalit?”
Sinamaan ko siya ng tingin. Umiinit na ang gilid ng mga mata ko. “Wala nga, E-Elvo…”
Pagtapos ko sa paglipat ng mga punla, hinagis ko ang pala sa kartilya at akmang aalis na sa cabin nang hilahin ni Elvo ang braso ko. I was immediately pulled back to where I was standing and I could see his confused eyes.
“What is wrong with you, Bella?”
“What is wrong with you, Elvo?!” tanong ko pabalik.
Hindi ko talaga maintindihan. Ayaw kong sabihin na gusto ko si Elvo dahil gaya ng nabanggit ko, attracted lang ako sa kaniya, pero naiinis ako dahil masiyado siyang maraming pinakita sa ‘kin kung may girlfriend na pala siya.
At isa pa, sinabi niya sa ‘kin noong nakaraan na walang magagalit kaya akala ko libre akong humanga sa kaniya!
“Ako? Bakit ako?” nagtatakang tanong niya. He licked his lower lip. “Ano’ng ginawa ko, Bella?”
“Ang sabi mo sa ‘kin, walang magagalit.” Nanginginig ang boses ko. “Tapos may girlfriend ka naman pala. Ano’ng iisipin niya kapag nalaman niya na naligo tayo nang sabay sa ilog? Kapag nalaman niya na may susi ako sa cabin? Ano, ha?”
Elvo’s hand around my arm loosened and his face slowly brightened up. A naughty smirk formed across his sexy lips and I couldn’t help but stare at it. Pero hindi. Hindi, Bella! Galit ka sa kaniya!
“Sino ba’ng girlfriend ‘yung tinutukoy mo?” Elvo asked, a hint of playfulness in his voice.
“Si Heidi Adachi!” I roared.
Humalakhak si Elvo at lalo ko siyang sinamaan ng tingin, basa na ng luha ang gilid ng mga mata ko sa sobrang inis. Nakakatawa ba ‘yon?!
“Wait…” He tilted his head and turned to me with amusement. “Are you jealous of her?”
“What? No!” tanggi ko. “Sinasabi ko lang na binibigyan mo ako ng mixed signals tapos may girlfriend ka naman pala! Ayaw ko ng gulo, Elvo.”
Elvo took a step closer to me, still smiling. Naiinis na ako sa ngiti niya. “Look, Bella… Heidi isn’t my girlfriend. Hindi ko alam kung saan mo nakuha—”
“Sa MC kagabi!” putol ko sa kaniya.
Humagikhik si Elvo, dinilaan ang ibabang labi niya. “Okay, fine. Sa MC kagabi. Pero hindi totoo ‘yon. Hindi ko girlfriend si Heidi. She is a family friend. That’s it.”
Hindi ako naniniwala. Bakit naman sasabihin ng MC iyon kung walang dahilan. Imposible. Inirapan ko siya at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib ko.
“I don’t understand why you are getting mad at me,” Elvo wondered aloud. “But there’s no reason for you to react this way, Bella.”
“Bakit naman? Siyempre, naiinis ako. Baka mapagkamalan pa akong kabit ng mga tao, Elvo.”
“Kabit? Hindi ko nga siya girlfriend. At isa pa, bakit ka naiinis sa ‘kin e may boyfriend ka na rin nga?” Elvo asked, trying to catch my gaze. He is still sneering!
Sapakin ko kaya siya para mabura ang ngising ‘yan?
My mouth froze halfway, my eyebrows knitting both in annoyance and confusion. “Hindi ko nga sabi boyfriend si Victor!”
Elvo pouted, trying to hide his smile. Tinatawanan niya siguro ako sa isip niya. “Talaga? Bakit ang sama niyang makatingin sa ‘kin, kung gano’n?”
“Aba, malay ko!” giit ko at inirapan uli siya. “Hindi ko nga siya boyfriend.”
Sumandal si Elvo sa handrail ng hagdan paakyat sa porch niya. Tinitigan ko siya nang masama pero na-di-distract ako sa malalaking braso niya. “Ano pala kayo?”
“Magkaibigan!” mabilis kong tugon. Parang uusok na ang ilong ko sa inis.
Tumingala si Elvo na parang nag-iisip. Pang-asar talaga ‘tong lalaking ‘to! “Kahit sumayaw kayo sa romantic song? Magkaibigan lang kayo?”
“Oo nga! Magkaibigan nga kami!” I growled. Kung nakakatusok lang ang tingin, kanina pa siya duguan! Ang kulit kasi!
“Fair enough. Kung malaman niya bang naligo tayo sa talon at sinuot mo ang damit ko, magagalit siya?”
Ramdam na ramdam ko ang panunuya sa boses niya kaya lalo ko pa siyang tiningnan nang masama. At ang loko? Kinindatan lang ako! Agad akong nag-iwas ng tingin dahil kumabog ang dibdib ko.
Ano ba, heart! Sumabay ka naman sa galit ko!
“A-Ang kulit mo, Elvo,” sambit ko, pinunasan ang kaunting luhang namuo sa mga mata ko kanina. “Bakit siya magagalit? Magkaibigan lang kami. Friends.”
“Heidi and I are friends, too.”
“Sinungaling. Sabi nga ng MC, future Ceciliano siya.”
“Gusto mo ikaw na lang?”
Natigilan ako roon at nakita ko ang paghalakhak niya. Nangingiti na ako pero kailangan kong pigilan. Stay in character, Bella. Galit ka today. “Tumigil ka nga!”
“Stop shouting, Bella,” natatawang saway sa ‘kin ni Elvo. Parang biro lang sa kaniya ‘to lahat, ah.
“Sino ka ba para utusan ako?”
“Last time I checked, I’m your boss,” Elvo said cockily. “Hindi ako trabahador dito.”
Inirapan ko siya. Okay, fine. May point siya. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin at nanatili lang na nakatitig sa malayo.
“But in all seriousness, Miss Sungit…”
Nilingon ko siya. “Ano?”
Elvo cackled. “Sabi ko, kumalma ka na, Bella. Kasi wala akong girlfriend. Hindi ko girlfriend si Heidi.”
“Ikaw pa, walang girlfriend?” bulong ko sa sarili ko.
“Wala kaya,” giit ni Elvo. “Gusto mo ikaw na lang? Irereto ko ang sarili ko sa ‘yo. Naghahanap ka, ‘di ba?”
“Elvo!” saway ko. I feel like I’m looking like a ripe tomato because my cheeks are burning as hell! Bakit ba niya ako binibira ng ganiyan?! Nakikiliti ang kalamnan ko!
Sa susunod na araw mo na ako biruan nang gan’yan para makabanat din ako, Elvo! Dahil galit ako ngayon at makikidlatan ako ‘pag kinilig ako!
“But really, Bella,” Elvo said in a calm manner. “There is nothing to worry about, hmm?”
He paused. I glared at him.
“Walang magagalit. Kalma na, Miss Sungit.”