23: LOVE

2217 Words
BELLA After what happened in the bathroom, Elvo and I decided that we should finish taking a bath first. Pinaliguan namin ang isa’t isa at parang iyon na ang pinakamagandang ligo na nangyari sa buhay ko. Nang makapagbihis na ako ng malaking hoodie niya, bumaba ako sa loft para manood sa kaniyang magluto. He was searing steak when I got there. Nakasuot lang ng jogger pants si Elvo kaya’t kitang-kita ko ang malapad niyang likod. I smiled and hugged him from behind. “Hindi pa tapos, Elvo?” Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa noo. “Patapos na, madam.” I slapped his hand gently. “Tse. Madam ka d’yan.” Tumawa si Elvo at hinalikan ako sa labi. Umupo na ako sa mesa at pinanood siyang ihain ang luto niya. Ang bango sa bahay at natatakam ako kay Elvo, este, sa steak. “Pan-seared steak with crispy baked potatoes, madam,” Elvo told me jokingly. “Your amateur chef, at your service.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Wow, ha.” “Always ready to serve you, queen,” biro niya pa uli. Sabay kaming nagtawanan doon at pinanood ko siyang salinan ng red wine ang dalawang wine glasses sa mesa. Napakagat ako sa labi ko nang umupo na si Elvo sa tapat ko. Masayang-masaya ako ngayon at kahit tingnan ko lang siya, kinikilig na ako. Ganda ko naman today! “Thank you, Elvo,” I said. I leaned on the table and he did too so our lips would meet. “I appreciate this.” “You’re welcome, Bella,” Elvo replied. “Let’s eat?” Sabay kaming kumain ni Elvo. We were having a feast with the food he served and of course, with the wine we had with it. Para akong kumain sa isang high-end restaurant at enjoy na enjoy ko lalong kumain nang kasama siya. “Magaling ka palang magluto?” biro ko sa kaniya. Kinindatan ako ni Elvo. “Marunong din akong mag-ayos ng electric fan. Marunong mag-motor, mag-drive ng sasakyan, mangabayo. Marunong akong—” “Teka, luto lang naman tinanong ko?” I asked. “Dami mo namang credentials?” Elvo answered cockily, “Siyempre, para ako na ang gagawa lahat para sa ‘yo.” Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi ng lalaking ‘to? Hindi ko naman siya gagawing all-around? “Ano? Anong balak mo, maging all-rounder?” “Of course,” Elvo replied and sipped on his wine. “Ako na ang gagawa ng lahat para ‘di mo na kailangang maghanap ng ibang lalaki para gawin ‘yan para sa ‘yo.” Humalakhak ako at napailing-iling. Ang lalaking ‘to! May imaginary competitors, e number one naman siya sa puso ko. “Wala kang kalaban, Elvo. May imaginary haters ka na naman.” “Sa ganda mong ‘yan,” Elvo whispered. “Kailangang ready ako lagi.” Para naman siyang online boy best friend kung magsalita siya. Siya na si Don Silvestre Ceciliano IV at sa lagay na ‘yan, wala nang papantay o lalamang sa kaniya. We finished our meals and after brushing our teeth, we went to the loft to have some rest. “I love you, baby,” Elvo whispered. Yumakap siya sa akin. I could feel how hard his muscles are with his embrace. Napangiti ako at ngumuso sa kaniya. “I love you too.” “Walang baby?” malungkot na tanong ni Elvo. I giggled upon hearing that. “Ang laki-laki mo na, Elvo.” “Wala ngang baby?” “I love you too, baby,” natatawang sagot ko. “Okay na?” He pecked my lips. “Kailangan pang sabihan, e.” Nakayakap lang sa akin si Elvo sa buong oras. He was like a huge baby asking for kisses and cuddles and he’s so cute. Who would’ve thought that this big man is this soft at the proper time and moment? Habang ganoon kami, bigla kong naalala ang sinabi ni Merlie sa akin tungkol kay Victor. Nababahala ako sa sinabi niya dahil alam kong may galit si Victor kay Elvo at baka ano ang magawa niya sa boyfriend ko kahit pa siya ang mali noong nakaraan. “Elvo,” I called him. “Sinabi pala sa ‘kin ni Merlie na hindi raw nagustuhan ng pamilya ni Victor ‘yung nangyari sa kaniya. I heard… Victor is the type to seek revenge.” Hindi sumagot si Elvo. Tiningnan ko siya habang nakahiga ako sa kaliwang braso niya. “And?” Elvo replied, unbothered. Nag-angat ako ng tingin, napabangon nang kaunti. “And? Hindi ka ba nag-aalala, Elvo? Baka mapaano ka.” “I don’t really care about him, Bella,” Elvo answered. “Kahit saang korte pa kami umabot.” “I am not talking about that type of revenge, Elvo,” pagtatama ko sa kaniya. “You know anger can fuel violence.” Hinila ako ni Elvo pahiga uli at binalot ang katawan ko sa yakap niya. “Don’t worry about him.” “Bakit hindi, Elvo? Baka anong gawin ni Victor,” giit ko. “‘Wag ka ngang masiyadong kampante. Hindi mo alam ang nagagawa ng mga taong galit. Humingi ka na kaya ng pasensiya sa kaniya?” Elvo closed his eyes. “I don’t want to.” “Elvo!” “Ayaw ko, Bella. Hindi naman dapat,” sagot niya. “He was being disrespectful. I gave him what he deserved. Siya nga ang dapat magpasensiya sa ‘yo.” “I told you—” “Bella, what he did was not ‘nothing’,” Elvo replied. I could sense irritation in his voice. Dinungaw niya ako. “Malaki at maling bagay ang ginawa niya and he’s a grown adult.” “Pero…” “Those punches were very much needed,” Elvo continued and hugged me again. “Sometimes you have to punch someone’s face to knock some sense into them.” Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya. Matigas pa rin talaga ang ulo ng lalaking ito. Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. Hindi ko lang maiwasang mag-alala. I just hope he doesn’t take my warning lightly. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa mga bisig ni Elvo. Nagising ako nang wala siya sa tabi ko. Kahit mahilo-hilo pa ako sa paggising ko, bumangon ako at sumilip sa baba. I saw Elvo there. He was looking at the window, his phone was on his ear. May kinakausap siya. Bumaba ako sa loft, nakikinig. “Do not try me. Kapag sinabi kong h’wag kang makikialam, h’wag kang mangialam.” “Elvo?” Elvo turned around and his sleepy eyes welcomed me. Mukhang kababangon nga lang din niya dahil magulo pa ang buhok niya at may mga marka pa sa balat niya. Nilapitan ko siya at yumakap ako sa kaniya. Parang ang tagal niyang nawala kung makayakap ako, bumangon lang naman siya. “Remember what I said.” Binaba na ni Elvo ang tawag at binulsa ang phone niya. “Sinong kausap mo, Elvo?” I asked in the sleepiest voice possible. “Someone from the office, Bella. Just settling late night business. Ikaw? Bakit ka bumangon?” I buried my face deeper to his chest. “Naalimpungatan ako, e. Tapos wala ka ro’n sa taas.” Elvo sniffed on my hair and held my waist. “Tulog na tayo uli?” “Uh-huh...” Bumalik kami ni Elvo sa loft at tinuloy ang tulog namin. We were intertwined like vines on the mattress. Yakap na yakap ako sa kaniya na parang ‘di ko na siya pakakawalan. “I love you, Bella.” “I love you too, Elvo…” Hindi ko man sigurado, pero tiyak ako na nakangiti ako sa buong tulog ko. Kayakap ko ba naman si Elvo at maaayos na raw ang problema namin sa lupa. Ito na yata ang pinakamagandang gabi ng buhay ko at hinihiling ko na sana, hindi na ito matapos pa. Nagising ako nang may tumatama nang sinag ng araw sa mukha ko. I rolled over the mattress and Elvo wasn’t there again. Amoy na amoy ko sa hangin ang ginisang corned beef at ang kape. I smiled and went down the loft to see him. Nagluluto na nga siya at napangiti siya nang makita ako. Topless siya at may apron lang na nakatakip sa katawan niya. “Hey, pretty. Good morning,” Elvo greeted. Hinalikan niya ang noo ko habang hawak niya ang siyansi sa isang kamay. “How’s sleep?” “Very, very good,” sagot ko naman at sumilip sa kawali. Naggigisa siya ng corned beef. “Ikaw ba?” “Masarap din. Katabi kita, e,” Elvo replied. I pouted and rolled my eyes. Ang aga-aga niya akong binobola. Pumunta ako sa banyo at doon naghilamos at mumog. Kasama ko si Elvo kaya dapat mas malinis ako, nakakahiya naman kung may mga muta pa ako. Elvo was already serving the food when I went out. Nakahain na ang ginisang corned beef, pritong itlog, fried rice, pati na ang umuusok na kape. Elvo also sliced some bananas and mangoes to go with it. “Let’s eat?” Elvo said. Hinila niya ang isang upuan at pinaupo ako roon. He sat on the chair in front of me. “May pasok ka, Elvo?” tanong ko sa kaniya. Sumubo ako ng sinangag at corned beef. Elvo nodded and drank his coffee. “Yup. Uuwi ka ba pagtapos mong kumain?” “Oo, e. Hinahanap na ako nina Mama at Papa, for sure.” “I’ll send you home first,” he said and had a bite of his meal. “Bakit? Anong oras ba ang pasok mo? Kaya ko naman, Elvo, e.” “Seven,” Elvo answered. Napalingon ako sa orasan at nakitang 7:30 na. Sinamaan ko siya ng tingin. “Elvo! Late ka na!” “It’s fine,” tumatawang sagot ni Elvo, ‘di naman natataranta. “Don’t worry. Ihahatid muna kita bago ako pumasok.” “Sure ka ba?” “Kahit ‘di pa ‘ko pumasok ngayon, e.” Nagmadali na akong kumain at tinapos na rin ni Elvo ang kaniya. Pagtapos, lumabas na kami sa cabin para ihatid niya ako. We were holding hands while walking down the muddy trail. “Elvo… ‘wag muna nating sabihin kina Mama at Papa, ha?” Napalingon sa akin si Elvo nang bigla kong sabihin iyon. “Bakit?” “‘Wag muna, Elvo. Titiyempo muna ako…” He smiled at me. “Okay. Just tell me if you’re ready…” Sa patuloy naming paglalakad, napansin ko sa lupa namin na may dalawang truck na nakaparada sa loob noon. There were a few men around wearing blue overalls. “Elvo, anong ginagawa nila riyan?” Elvo smiled at me. “They’re from our company. Ina-analyze nila ang quality ng lupa. I asked them to do that so I can send the data to the city hall. I’ll need that to settle some things properly.” I nodded. “Wala naman silang sisirain diyan, Elvo?” Umiling si Elvo. “Nope. Don’t worry.” “Okay…” “I have a surprise for you,” Elvo continued. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “T-Talaga? Ano ‘yon?” “Surprise nga, ganda,” natatawang sabi ni Elvo. “Malalaman mo rin, okay?” “Hmp. Oo na.” Malayo pa kami sa bahay pero sinalubong na kami nina Mama at Papa. Nasa labas sila at mukhang paalis na para magpunta sa palengke at farm. “Magandang umaga po,” bati ni Elvo at nagmano sa kanila. “Pasensiya na po, ‘di ko po naipaalam si Bella. Sa cabin po kami natulog.” Nanlaki ang mga mata nina Mama at Papa. “A-Ay, ganoon ba, Elvo? N-Naisip nga rin namin ‘yan, lalo’t ‘di nagpaalam itong si Bella…” “Biglaan po kasi, Ma, Pa. Sorry.” “Nasa cabin lang po kami, Nay, Tay. Ligtas po siya roon,” sabi ni Elvo at sinilip ako. “Salamat, Elvo, ah. Nag-agahan na ba kayo, mga ‘nak?” “Nag-agahan na po, Ma,” sagot ko naman at lumapit na sa kanila. Elvo smiled at them. “May field screening po pala sa farm, Tay. Baka magulat po kayo na may mga tao roon.” “Nakita ko nga, Elvo. Sinabi naman nila sa ‘kin kung para saan. Salamat sa tulong niyo sa amin…” Elvo nodded and craned his neck to see me. “Sinabihan ko po sila na sabihin ‘yon kung magtanong kayo. Pero… una na po ako. Papasok pa po ako.” “S-Siya sige, Elvo. Salamat uli, ha. Mag-ingat ka, ‘nak,” Mama said and waved her hand at my boyfriend. Papa nodded at Elvo. “Mag-ingat ka, hijo.” “Bella, I’ll get going,” Elvo said. He winked at me and I eyed him. Baka makita nina Mama! Tinawanan niya lang ako. Nahihiya ko siyang kinawayan dahil sabay akong tiningnan ng mga magulang ko. “B-Bye, Elvo. Take care.” And with that, we all watched Elvo as he walked away from us. Nagmamadali naman akong pumasok sa bahay para maiwasan ang pang-aasar nina Mama at Papa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD