24: WARMTH

2089 Words
BELLA Naligo ako nang umagang ‘yon at sumunod kay Mama sa palengke. Tutulong muna ako sa kaniya na magtinda para naman makabawi dahil hindi ako nakauwi kagabi. “Kinse po ‘yang hiwa ng kalabasa,” sabi ko sa isang suki namin. Umalis kasi si Mama para magpapalit ng barya sa kabilang tindahan. Habang nagpipili ng kalabasa ang suki, napansin ko ang isang lalaking nakatanaw sa akin sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng uniporme at may sumbrero. “Victor?” bulong ko sa sarili ko. Lumabas ako sa puwesto namin at lalapitan sana ang lalaki pero umalis din agad. Si Victor yata ‘yon? Hindi ko lang natanaw kasi may suot na sumbrero pero kung siya nga… sayang. Gusto ko sanang humingi ng pasensiya pa rin sa nangyari. Wala namang may gusto ng nangyari. “’Neng, kunin ko ‘to.” Napabalik ako sa puwesto namin nang marinig ang sabi ng suki namin. I smiled at her and wrapped the slice of squash in a plastic bag. “Ito po… salamat.” Pag-alis niya, binalik ko ang tingin ko sa lalaking nakita ko. Wala na talaga siya pero kung si Victor nga ‘yon, ipagdarasal ko na lang siya. Sana makausap ko siya minsan para makahingi ako ng tawad sa nangyari. Dumating na si Mama at kasunod niya si Merlie na nakasuot din ng school uniform niya. May mga bitbit siyang lesson plan at humihigop pa ng samalamig. “Bella! Bella!” “Oh, may gala raw kayo ni Merlie,” sabi sa ‘kin ni Mama habang nagtataboy siya ng mga langaw. Humalakhak si Merlie. “Pinaalam na kita kay Tita! Wala ka nang kawala!” Tumawa silang dalawa ni Mama habang napangisi naman ako. Ang gala talaga ng babaita na ‘to! “Saan naman tayo, aber?” Tinaas niya ang kamay niya, sinasabi na sandali muna at uubusin niya ang inumin. “Sa fiesta tayo mamaya, diyan lang sa kabilang baryo.” “Fiesta? May fiesta?” “Oo na! Oo na at Manileña ka na, kaloka!” biro ni Merlie at hinagis sa basurahan ang plastic ng samalamig. “Merong fiesta, ‘no! Kainan do’n, daming pogi!” Sinaway ko siya. “Daming pogi ka d’yan!” Nanlaki ang mga mata niya. “Oh, bakit? ‘Di ba totoo?” “’Di ako interisado, Merls.” “Kasi… may pogi ka nang nagugustuhan,” usal niya, nahuli ako. Humalakhak ang pinsan ko at sinundot-sundot ang tagiliran ko. “Alam ko naman ‘yan, ‘no! Pero sama ka na, minsan lang naman!” “Oh, sige. Sunduin mo na lang ako rito mamaya, ‘di ko alam ang papunta.” “Oo naman, insan!” Bigla kong naalala ‘yung lalaki na inisip kong si Victor kanina kaya kinumusta ko siya kay Merlie. “Merls… si Victor pala, kumusta na?” “Si Vic? Hindi ko pa siya napuntahan uli, ‘di pa rin siya pumapasok. Bakit?” Napaawang ang bibig ko. Kung ‘di pa pumapasok si Victor, hindi nga siya ang nakita ko kanina. Nakasuot kasi ‘yon ng uniporme. “Talaga… n-naisip ko lang siya, sana gumaling na.” “Gagaling din ‘yon, baka bisitahin ko siya bukas.” Nagkausap pa kami nang kaunti ni Merlie bago siya nagsabi na aalis na dahil tatapos muna ng assignments para hindi siya makonsensiyang gagala siya mamaya. Hindi rin katagalan pagtapos no’n, naubos na ang mga paninda namin sa palengke kaya umuwi na kami ni Mama. Pagdating namin sa bahay, wala si Papa kaya napatanong ako. “Ma? Saan si Papa?” I asked. Nilapag ko ang mga bayong sa mesa. Nilingon ako ni Mama, tinanggal ang apron niya. “Ay, sa farm siya matutulog ngayong gabi, ‘nak. May aayusin doon.” Tumango-tango ako. “Puntahan ko po muna si Papa, Ma. Dalhan ko siya ng meryenda.” “Buti pa nga…” Dala ang tatlong piraso ng suman at isang litro ng tubig, naglakad ako papunta sa farm namin. Hindi gaya kanina, wala na roon ‘yung mga truck nina Elvo at wala na rin ‘yung yellow caution tape sa paligid. Napangiti ako. Mukhang totoo nga ang sinasabi ni Elvo na inaasikaso na niya ang lahat… “Pa!” Natatanaw ko na si Papa na nagtatabas ng damo sa tapat ng maliit niyang kubo sa gitna ng lote. Nag-angat siya ng tingin at nilagay sa kaha sa tagiliran niya ang itak nang makita ako. Nilakad ko ang madamong daan papunta sa kaniya at makangiting lumapit kay Papa saka nagmano. “Meryenda, Pa. Suman saka tubig.” “Salamat ‘nak,” nakangiting sagot ni Papa. Sumilong kaming dalawa at nagtanggal siya ng salakot na suot. “Napadaan yata ang anak ko?” “Wala po kayo sa bahay, e. Sabi ni Mama dito ka raw po matutulog,” sagot ko at umupo sa kubo. “Wala kang kasama rito, Pa.” “Kalaro ko na ang mga multo rito sa dami ng beses na natulog ako rito sa kubo, Bella,” biro niya. Napatingin ako sa kaniya. Napansin ko ang mukha ni Papa na nangungulubot na at ang ilang bahagi ng ulo niya na namumuti na sa mga uban. He really is getting older and I feel heartbroken. Ngayong tumatanda na siya, saka pa siya nagkakaproblema nang ganito kalaki. Bata pa lang ako, sa farm na ‘to na umikot ang mundo ni Papa. Sumasama ako sa kaniya noon para manood. Pinapagalitan niya nga ako lagi kapag hinahawakan ko ‘yung itak niya o maglalaro ako sa tabi ng siga niya pandaboy ng mga lamok. He would wash my muddy feet. He would cut huge banana leaves to cover my head from the sun while we’re walking over the farm. He would pick guava leaves to clean my wounds after falling from his mangi tree. Dito ako lumaki sa farm na ito kaya nararamdaman ko talaga ang lungkot niya na kukunin ito sa amin kahit ‘di nila sabihin. Pero… mabuti at nariyan si Elvo para tulungan kami. At ngayon, mukhang hindi na nila maaagaw ito sa amin. “Wala kang pasok kay Elvo, 'nak? ‘Di pa ako tapos magtabas ng damo. Baka mangati ang binti mo rito,” nangingiting sabi ni Papa. Parang piniga ang puso ko roon. Siguro, hindi literal pero lumaki ako na prinsesa talaga ang turing ng mga magulang ko sa akin. Naiiyak ako dahil kahit ngayong bente-tres na ako, ganoon pa rin ang pangyayari. “Papa…” Nanginig ang boses ko. I looked at him as he took a bite of his suman. Nangunot ang noo ni Papa at natigil sa pagkain. “Oh? Bakit ka naiiyak?” “Papa, alam ko po na may plano silang kunin ang lupa natin,” bulong ko sa kaniya. Mukhang hindi na matutuloy iyon pero nakakalungkot pa rin. My father did the least thing I’d expect him to do: laugh. Papa tapped my shoulder. “Alam mo pala talaga, ‘nak?” “Sinabi ko naman po sa inyo… nabasa ko po ‘yung sulat.” Ngumiti si Papa at kumagat uli sa suman. “Nadagdagan naman ang palugit. Sa susunod na katapusan daw tayo paaalisin dito habang hindi pa natatapos ang mga papeles na kailangan.” I sat in silence beside him while he was staring at the horizon ahead of us, his head up high, the warm sun rays hitting his wrinkled face. May nakakalungkot talaga kapag nakita mo nang malapitan ang kumukulubot na balat ng mga magulang mo. There is something gut-wrenching about it. I feel pain and fear. Masakit dahil alam kong hindi ko sila makakasama habang-buhay. Takot dahil alam kong kapag iniwan nila ako, hindi ko alam ang gagawin ko. “Alam mo ba, Bella… pamana sa akin ng Lolo Mario mo ang lupang ‘to,” Papa said with sincere eyes. “Ilang dekada akong binuhay ng lupang ‘to, ‘nak. At ito ang bumubuhay sa atin hanggang ngayon. ‘Di man kalakihan ang lupa, napapakinabangan.” Nararamdaman ko ang lungkot sa boses ni Papa kaya nag-iwas ako ng tingin at tumitig sa paa ko. “Pero… alam mo ang nakakalungkot sa maraming lupang pamana noon? Walang naipasang titulo tulad ng sa akin. Kaya mahirap ipaglaban. Pagmamay-ari natin ‘to, pero wala tayong patunay. ‘Di naman sapat ang salita sa korte. Kailangan ng papel.” “G-Ginagawan na po ng paraan ni Elvo, Pa…” “Ayaw kong magkaroon tayo ng utang na loob sa kahit na sino, Bella,” sagot ni Papa. “Mapupunta lang ito sa atin kung bibilhin natin. Sa ngayon, palugit lang ang maibibigay sa atin.” Natahimik ako uli at tumitig lang sa paa ko na ginagalaw-galaw ko. Umihip ang mainit na hangin at may kung ano roon na nagpagaan ng pakiramdam ko. “Milagro na lang kung mailagay ang lupa sa pangalan natin,” dagdag pa ni Papa. “Pero ngayon… tiyagain na lang nating pagkakitaan muna hangga’t nasa atin pa. Hangga’t puwede pa.” “Bibilhin ko po uli ang lupa na ‘to, Papa. Babawiin ko ‘to sa mga Adachi,” mabilis kong sagot. Sila ang mapilit na kunin sa amin ang lupa. Elvo backed out of the plan months ago that’s why he is helping us. Sila itong pilit na umaagaw sa lupa namin. Kapag dapat na ang oras, bibilhin ko ito. Babawiin ko sa kanila. Kukunin ko. “Ang anak ko,” natatawang sabi ni Papa at tinapik ang balikat ko. “Gagawin ko po ‘yon, Pa. Sa atin ‘to. Sa atin ‘to mapupunta.” Papa pursed his lips and just felt the warm breeze coming through. Huminga siya nang malalim. “Naalala mo pa ang sinabi ko sa ‘yo, Bella? Na bumubulong ang ilog? Na ituturo niya sa ‘yo ang daan?” “Opo, Papa…” “Pinakinggan ko ang agos ng tubig kanina, anak,” sabi ni Papa. “Pero hindi ko maintindihan, e. Hindi ko maisip kung bakit nangyayari ito, pero baka sa susunod ko pa makuha, hindi ba? Gaya ng maraming bagay sa mundo, hindi natin maiintindihan ngayon… pero baka bukas, oo.” Natahimik ako at napatingin sa kaniya. “Ikaw, anak… magpatuloy ka sa pag-aaral mo. Maghahanap ako ng ibang trabaho ‘pag wala na sa atin ang lote, babalik ka sa Maynila para mag-aral. Hindi ko man kayang maipamana sa ‘yo ang lupa, ‘yang edukasyon mo ang ipapabaon ko sa ‘yo.” “Nalilito rin po ako kung anong daan ang tatahakin ko, Pa. Masakit pa rin po sa ‘kin na ‘di ako nakapa sa isang school sa Maynila…” Ngumiti si Papa. “Pakinggan mo lang ang ilog, anak.” “P-Paano po kung hindi ko rin maintindihan ang sasabihin niya sa akin?” Tumawa si Papa at kumagat sa suman niya. “Pakinggan mo pa rin. Baka gaya kita, hindi mo makuha ngayon, pero baka bukas, oo.” “P-Paano po kung hindi—” Napahalakhak si Papa at inakbayan ako, niyugyog ako nang kaunti. “’Wag mong hayaan na pangunahan ka ng takot, anak. Kaya mahirap ang buhay dahil kailangang matuto tayong tumapang.” Ngumuso ako at yumakap sa Papa ko. Tumawa naman siya. “Pangako ko po, Pa. Magpapayaman ako tapos hindi na tayo magaganito uli ng kahit sinong mayaman o sino man.” “Ipangako mo ‘yan sa sarili mo, anak. Huwag kang papayag na matapakan ka ng kahit sino. Tuparin mo ang mga pangarap mo… para sa ‘yo.” “Ang dami mong words of wisdom, Papa,” sagot ko at nagpunas ng sipon at luha. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Papa na tumatawa. “Siyempre! Pasasaa’t nabuhay ako nang matagal kung wala rin akong mababahaging natutuhan ko, ‘di ba?” “Oo na po, Pa. Tatandaan ko lahat ng sinabi niyo.” Nagpagpag ng kamay si Papa at tinabi ang balot ng suman. “Oh, siya. Magtatabas na ako uli ng damo, anak.” Nginitian ko siya at tumayo na kaming dalawa. “Pupunta po ako sa sayawan sa kabilang baryo kasama si Merlie, Pa. Mahuhuli po ako ng uwi.” “Mag-iingat ka, ha. Sa bahay ka na dumiretso pag-uwi mo, h’wag na rito.” “Opo, Pa. I love you, Papa. Alis na po ako.” “Sus, ang batang ‘to,” sabi ni Papa at sinuot na ang salakot niya saka binunot ang itak sa tagiliran. “Mag-ingat ka palagi, anak. Mahal ka ni Papa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD