25: SMILE

2105 Words
BELLA Umalis na ako sa farm at umuwi muna sa bahay para maligo at magbihis. Nagpapahinga si Mama nang umalis ako kaya hindi na kami nagkausap at ayaw ko na rin siyang istorbohin dahil pagod din siya sa pagtitinda. Bago dumiretso sa bayan para kitain si Merlie, dumaan muna ako sa cabin. Nakaparada ang owner sa tapat noon. Naroon si Elvo sa porch, nakaupo, nagbabasa ng diyaryo. Agad siyang tumayo nang matanaw niya ako at bumaba para salubungin ako. “Hi, baby,” Elvo greeted. He caught my waist immediately and kissed my lips. “Akala ko hindi ka na pupunta ngayong hapon. Miss na miss na kita.” I giggled and slapped his chest gently. “Ilang oras lang tayong ‘di nagkita, Elvo.” “Parang isang taon na,” Elvo replied and kissed me again. He sniffed my hair. “Ang bango mo.” Parang kiniliti ako sa tagiliran dahil sa sinabi niya at napahagikhik na parang bata. “Pasok tayo?” Elvo asked. Napalingon ako sa paligid. Parang alas kuwatro na at alas sais pa naman kami magkikita ni Merlie para sabay na pumunta sa bayan. May oras pa naman siguro ako para tumambay sa cabin? “Why? May pupuntahan ka ba?” usisa ni Elvo nang ‘di ako makasagot sa kaniya. Tumango ako. “Magkikita kami ni Merlie mamaya sa bayan nang alas sais, e.” Elvo nodded again. “Dito ka na muna. Ihahatid kita mamaya.” “Okay…” Pumasok kaming dalawa sa cabin. Elvo kept complimenting me for my outfit. Suot ko kasi ang isang floral button down blouse at skinny jeans na pinaresan ko ng sandals. He kept saying that I look pretty and it suits me well. “Ang bolero ni Elvo,” natatawa ko namang sagot sa kaniya nang makapasok na kami. Ngumisi si Elvo at humalik sa akin. “Hindi nga kita binobola, Bella.” “Bolero ka naman talaga…” Hindi na niya ako sinagot at pumunta na siya sa kusina. Naglabas siya ng tub ng ice cream sa refrigerator at habang nag-aasikaso siya roon, napansin ko ang isang folder sa coffee table. I squinted my eyes and tilted my head, trying to read what was written on the cover. It was from the local government. Nakausli rin sa folder ang maliit na parte ng isang papel sa loob noon at nabasa ko roon ang mga salitang ‘land acquisition’. Tungkol ba ito sa lupa namin? Bubuksan ko na sana ang folder para sana basahin ang mga nakasulat doon nang dumating si Elvo at nilapag ang dalawang baso ng ice cream sa mesa at hiniwang strawberries. “I’m sorry, I forgot to pick some groceries up today. Ito lang snacks sa fridge,” Elvo said, giggling. Kinuha niya ang folder at pinatong iyon sa bookshelf. “Ice cream and strawberries for now.” Nginitian ko siya at winaglit sa isip ko ang tungkol sa folder. “Okay lang, ‘no. Masarap naman ‘to.” Umupo si Elvo sa tabi ko at sabay kaming kumain ng ice cream. Natatawa nga ako dahil ang tahimik naming dalawa. Hindi naman madaldal si Elvo at wala rin akong masabi ngayon. “What’s funny?” Elvo asked when he saw me giggling. Ngumunguya pa siya ng strawberry. Dinilaan ko ang kutsara ko at napailing-iling. “Wala. Ang tahimik kasi natin, Elvo. Ang awkward kaya.” “Sorry. Magpapalagay ako ng TV para may maingay habang kumakain tayo sa susunod,” sagot niya, parang seryoso. He pointed at the wall in front of us. “Diyan.” I eyed him and nudged his arm a little. “Tse! Gagastos ka pa talaga. Binibiro ka lang naman.” “Para hindi nga awkward saka para may libangan ka kapag nandito ka.” “Ano na lang, Elvo. Question and answer tayo para ‘di boring, game? Ang tawag sa laro ay… truth or kiss,” sabi ko at sumubo ng ice cream. Napanguya na rin ako sa strawberry slices doon. Natawa ako sa mukha ni Elvo. Confused na confused siya. “Truth or kiss? I thought it was… truth or dare? Am I missing something?” “Ako. Na-miss mo ‘ko.” “Oo. Na-miss talaga kita,” bira naman ni Elvo at sumilay ang ngiti sa mapupula niyang labi. Humalakhak ako dahil sinakyan naman ng loko ang biro ko. “Elvo kasi! Nag-iimbento nga ako para unique ‘yung laro. ‘Wag mo nang usisain, okay? Okay?!” Tumawa si Elvo sabay sumandal sa sofa. “Okay. Truth or kiss, then. Sinong unang magtatanong?” “Ikaw na. Ask mo ‘ko. ‘Pag ‘di ko masagot, kiss kita.” “Pogi ba ako?” tanong ni Elvo. Maloko ang ngisi niya at titig na titig sa akin. Ano ba, Elvo! ‘Di ako ice cream pero nalulusaw ako! Napahagalpak ako ng tawa. Anong klaseng tanong naman ‘yan, para namang ‘di pinag-isipan, kaloka! “Anong tanong ba ‘yan, Elvo!” “Sagutin mo na lang. ‘Di ba ako pogi kaya tumatawa ka?” tanong niya naman na para bang na-offend siya. Tinaasan niya pa ako ng kilay. “Sagot.” Umirap ako. “Ang OA ni Elvo. Pogi ka, okay?! Ang ganda pa ng katawan mo. Pogi ka. Okay na?” Napatingin si Elvo sa mga braso niya pati sa sikmura niya, siguro sa abs. “Talaga? Anong paborito mong parte ko, kung gano’n?” I licked the ice cream off my spoon. “Lips mo. Tapos ‘yung matigas at mahaba saka maugat mong…” Sabay na umangat ang mga kilay niya at napaawang ang bibig. He licked his lower lip. “’Yung mga daliri mo, Elvo. Matigas, maugat…” I stared at him and winked. “Mahaba.” Napakamot ng batok si Elvo at napatingala, parang sukong-suko na siya sa akin. “Sabi ko na nga ba, aasarin mo lang ako.” “Hoy!” I laughed and slapped his arm gently. “Hindi kaya kita inaasar!” “Matigas, mahaba, maugat? Ta’s daliri?” sagot niya, nilapag ang baso sa coffee table. He was in disbelief. “You were just teasing me.” I raised an eyebrow. “Bakit? Ano ba’ng gusto mong sabihin ko? Tit—” “Shh, shh!” saway ni Elvo at tinakpan ang bibig ko. “Not now, baby. Not now.” Napahagalpak ako ng tawa at inalis ang kamay niya sa bibig ko. “Tingnan mo! Ayaw mo rin naman pala. Pero ngayon, ako na magtatanong.” Elvo shifted his weight and looked at me. Ang lagkit ng titig niya. “Go on…” “Saang country mo gustong mag-travel? Dream country, gano’n—" Biglang lumapit si Elvo sa akin at humalik sa labi ko, ‘di pa ako tapos sa tanong ko. Nanlaki ang mga mata ko lalo pa nang makita ko na dinilaan niya ang mga labi niya na parang nasarapan pa sa halik. “Hoy! Bakit kiss agad?!” “’Di ko kasi masasagot ‘yan. I don’t know where I want to travel abroad,” nangingising sagot ni Elvo, inakbayan ako. This naughty guy! “Truth or kiss, aye?” I rolled my eyes. Naka-score siya roon, ah. “Oo na nga, kiss kung kiss. Pero sige, ako naman ask mo.” Nakangiting tumitig sa akin si Elvo. Nakakalusaw talaga siyang tumingin at parang nilulusaw niya ako. “Anong favorite flavor mo ng ice cream?” “Call me basic, pero cookies and cream.” Napatingin siya sa basong hawak niya at ngumuso. “Well, vanilla lang ang meron ako…” “Okay lang. Masarap naman, lalo ‘pag natitikman ko sa labi mo.” I giggled after saying that. Kumunot ang noo ni Elvo at parang ‘di makapaniwala sa narinig. Dinungaw niya ako. “Bella?” “Bakit? Sabi ko, sarap din ng vanilla!” I answered, laughing. Kumain uli ako ng ice cream sabay kinindatan ang boyfriend ko na mukhang banas na banas na kaaasar ko sa kaniya. Napabuntong-hininga si Elvo at napalunok. I could feel him suppressing his annoyance. Pumayag siyang maglaro kaya makipaglaro siya sa akin! “This girl…” he whispered, shaking his head. “Oh sige na. Next question na for Mr. Silvestre Ceciliano,” sabi ko. “Maganda ba ako?” “Sobrang ganda,” Elvo answered quickly. Parang nawala bigla ang inis niya, ah. “Hindi nakakasawang tingnan.” Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at umiwas ako ng tingin habang nakanguso. “Bole—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan ako bigla ni Elvo. He pressed his lips firmly against mine, claiming them with all his might. I could taste the strawberries and vanilla ice cream on his soft, pillowy lips. Naoasandal ako sa couch sa halik ni Elvo lalo pa nang ipasok niya ang dila niya sa akin at hawakan niya ang panga at leeg ko. He was kissing me passionately and I got weak immediately, giving in and kissing back. “Elvo…” I whispered and touched his thick arm. Napakapit ako roon habang naglalaban ang mga dila namin. I closed my eyes and felt him claim what’s his. “Hmm?” Elvo answered. Tumigil siya sa paghalik sa akin at tinitigan ako. Inayos niya ang buhok ko at pinatakan ng halik ang noo ko. “Hindi sabi ako bolero. Maganda ka naman talaga. You should know that.” Napanguso ako uli. “Oo na nga, Elvo.” Elvo smiled warmly. His smile was sweet like the strawberries we just had and soft like the vanilla ice cream we shared. Ang sarap titigan ng ngiti niya at ramdam na ramdam ko ang kasiyahan doon. He stared at my lips, still touching my hair, before he spoke, “I know what my favorite ice cream flavor is.” “Ano?” “Vanilla. Especially when I can taste it on your lips,” Elvo said naughtily. “Elvo!” Humalakhak siya at tumayo, dumiretso sa kusina at kinindatan ako. Ang galing niya rin talagang mang-asar! Gumaganti at hindi talaga nagpapatalo! Naiwan akong nagpipigil ng kilig sa sala. I fixed myself and tried my best to stop myself from smiling. Nakakainis talaga si Elvo, kuhang-kuha ang kilig ko! Pagtapos naming kumain ng ice cream, nagbihis si Elvo ng puting shirt at inaya niya na akong umalis dahil alas singko na rin. Sumakay kami sa owner niya at magkasamang lumabas sa gubat. “I will show you something tomorrow, baby,” he said while driving. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatong ito sa clutch, nagbato ng mabilis na tingin sa ‘kin. “Pupuntahan kita sa cabin?” Tumango si Elvo. “Yes. I will give you something, baby. My gift. I’m sure you’ll like it.” Napangiti ako. “Ano naman kaya ‘yan, Elvo?” “It’s a surprise. Bukas mo pa malalaman,” Elvo said. He licked his lower lip after and winked at me. “I love you, gorgeous.” “I love you too, handsome,” I answered and kissed his cheek. Maya-maya lang, narating na namin ang bayan, doon sa waiting shed kung saan naghihintay ang bihis na bihis ding si Merlie. “Bella! Don Silvestre… DON SILVESTRE?!” Nagulat si Merlie nang makita na si Elvo ang naghatid sa akin. Parang nakakita siya ng multo nang bumaba ako sa passenger seat. “Bella at Don Silvestre… hinatid ni Don Silvestre si Bella,” mahinang usal ni Merlie na ikinatawa ko. Nagpilit pa si Elvo na ihahatid na kami sa kabilang bayan pero nangontrata na raw ang starstruck kong pinsan ng tricycle na maghahatid sa amin. “Are you sure?” Elvo asked. “I can send you two there. Para mas safe kayo.” “’Wag na, Elvo. Kaya na namin,” sabi ko. I smiled at him. “Mauna ka na… baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo.” He nodded reluctantly. “Okay. Mag-ingat kayong dalawa. Bella, Merlie… I’ll get going.” “Salamat po, Don Silvestre.” “Bye, Elvo. Take care,” I said and waved my hand at him. Kinindatan ako ni Elvo at nagbomba pa ng owner niya habang malapad ang matamis niyang ngiti na hindi nakakasawang tingnan. “See you tomorrow, Bella.” Halos mapuno ako ng pasa nang palu-paluin ako ni Merlie pag-alis ni Elvo. Nakita niya raw na kinindatan ako. Sabi niya ay alam na alam niya raw na may something talaga kami ni Elvo. “Sabi ko na, e! Kahit isang Ceciliano, tiklop sa ganda mo, Bella! Basta Tacadena talaga, mala-gayuma ang ganda!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD