Chapter Eight

1346 Words
  “NAKAALIS na siya,” sabi ni Manang Pacing kay Faith pagpasok sa loob ng bahay.          Nakahinga nang maluwag si Faith sa narinig. Sakay na si Faith ng kotse pauwi at hindi pa gaanong nakakalayo sa Offsprings Clinic nang tawagan siya ni Earl. Nag-request ito na pasalubungan niya ng doughnut na madalas ipasalubong dito ni Lorraine. Dahil doon ay dumaan muna siya sa branch ng Frances’ Bakeshop na katabi ng St. Francis General Hospital. Hindi niya akalain na makikita roon si Troy. Halos kauuwi lang niya nang maulaningan ang pagdating ni Troy. Hindi niya inaasahan na susundan pa siya nito sa bahay ng kanyang mga magulang. Mabuti na lamang at nakapagbilin siya kay Manang Pacing nai-deny siya kung sakaling magpunta si Troy sa bahay nila. “Parang ayaw pa niyang maniwala nang sabihin kong hindi ka dito nakatira at wala kaming balita sa ‘yo. Nag-iwan siya ng telephone number. Tawagan mo raw siya. Gusto ka raw niyang makausap. Babalik daw siya sa ibang araw,” sabi ni Manang Pacing, sabay abot ng calling card sa kanya. Tinanggap ni Faith ang calling card na iniwan ni Troy at sandaling binasa. Wala siyang balak na kontakin ang lalaki. Pero kung babalik ito sa ibang araw… “Manang Pacing, tulungan n’yo ho akong iempake ang mga gamit ni Earl.”           “Bakit? Saan kayo pupunta?” “Kay Lorraine. Makikitira muna kami sa kanya. Basta kapag bumalik si Troy, sabihin n’yo na lang uli ang sinabi n’yo sa kanya kanina.” Walang pagtutol na sumunod si Manang Pacing. Pinuntahan ni Faith si Earl sa entertainment room. Kasalukuyang nanonod ng TV ang kanyang anak. Kaagad itong natuwa nang sabihin niyang sa bahay muna ni Lorraine sila titira.       “I DON’T understand. Kung hindi pa alam ni Troy na nagkaanak kami, bakit gusto pa niya akong makausap,” sabi ni Faith. Nasa kuwarto siya ni Lorraine at pinapanood ang kaibigan habang nag-aayos sa harap ng vanity mirror. Sandaling tumigil si Lorraine sa paglalagay ng makeup. May dinner date ito at si Doc Gian nang gabing iyon. Si Earl ay kanina pa natutulog sa guest room. “Baka gusto ka lang niyang kumustahin,” parang hindi nababahalang sagot ni Lorraine. “Siguro curious siya kung anong nangyari sa ‘yo after n’yong mag-break. Or maybe he’s still into you. Remember, single pa siya.” “That’s imposible,” napapailing na sabi niya. Imposibleng interesado pa rin si Troy sa kanya. It had been years. Marami nang nangyari. Marami na ring nagbago. Pero hindi ang nararamdaman niya para kay Troy. Nanatili pa rin sa puso niya ang lalaki. At sa ginawa ni Troy na pagsunod sa kanya, parang masarap umasa na gusto pa rin ito sa kanya. Pero nang maalala ang babaeng kasama ni Troy sa Frances’ ay biglang nanikip ang kanyang dibdib sa selos. “Bakit kasi hindi mo siya harapin? Malay mo, may gusto ka pa rin siya sa ‘yo. Kapag nagkataon, mas madali mong masasabi sa kanya na may anak kayo at mas madali rin niyang matatanggap.” “Hindi ‘yon gano’n kadali. At isa pa, hindi ko na s’ya gusto.” Umingos si Lorraine. “I don’t believe you. Kaya pala after him, never ka pang nakipag-date man lang.” “Alam mo naman kung ano priorities ko.” Pero bukod sa priorities niya, wala ni isa sa mga naging manliligaw niya, wala ni isa sa mga manliligaw niya ang pumukaw sa damdamin niya gaya ng nangyari sa kanya kay Troy. Isa pa, kailangan niyang isaalang–alang ang kapakanan ni Earl. Gusto niyang makatagpo ng lalaking mamahalin hindi lang siya kundi pati ang kanyang anak. “Pero, Lorraine, okay lang ba na magpapaampon uli kami ni Earl sa ‘yo?” pag-iiba niya sa usapan. Natawa si Lorraine. “Of course! ‘Di ba nga sinabihan ko na kayong mag-ina na dito na kayo tumira. Pero tumanggi ka naman.” “Thank you.” Ngumiti lang ito. “So, sa Sunday, ako na lang ang magsasama kay Earl sa birthday party ng anak ni Doc Justin?” “Oo. Nauna na kasi akong nakapag-commit kay Doc Louie.” Dating kaklase ni Faith sa UST si Dr. Louie Ramos na nagki-clinic din sa Offsprings. Nauna na siyang nagpaunlak sa imbitasyon nitong get-together kasama ang mga dating kaklase nila kaya hindi niya masasamahan si Earl sa birthday party. Tumayo na si Lorraine sa kinauupuan. “How do I look? Maganda na ba ako?” tanong nito habang sinisipat ang sarili sa salamin. “Yes, you’re stunningly beautiful.  Bagay sa ‘yo ang suot mo.” “Thanks.” “So, how are you and Doc Gian? May pag-asa ba siya?” usisa ni Faith. “I love him already. Maybe one of these days, sagutin ko na siya,” nagniningning ang mga matang sagot ni Lorraine. Napangiti si Faith. She was really happy for her friend. Botong-boto siya kay Doc Gian para sa kanyang kaibigan. Sa tingin niya ay natagpuan na ni Lorraine ang lalaking nakatakda rito. And Doc Gian was a good catch. Bukod sa mabait at guwapo, nanggaling ang binata sa isang payamang pamilya. Pag-aari ng pamilya ni Doc Gian ang St. Francis General Hospital. Naputol ang pag-uusap nilang magkaibigab nang tumunog ang buzzer sa labas ng gate. “Baka si Doc Gian na ‘yan,” sabi ni Faith. Nagboluntaryo siyang pagbuksan ng gate ang lalaki.       NAPASINGHAP si Lorraine nang makita ang makakasalubong na lalaki paglabas niya ng ladies’ room. Alam niya na Malaki ang posibilidad na makikita niya si Troy sa birthday party ng anak nina Doc Justin at Ces - inaanak kasi ni Troy si Juris-pero hindi pa rin niya maiwasang magulat. Iyon ay sa kabila ng balak niyana pagtagpuan ang mag-amang Troy at Earl sa party.           Nagtatrabaho na si Faith sa Offsprings Clinic nang malaman ni Lorraine na kaibigan ni Gian si Troy. Nakita niya ang group picture ng barkada ni Gian sa opisina nito at doon niya nakita si Troy. Natuklasan din niya na ang babaeng inakala ni Faith na bagong girlfriend ni Troy noon ay si Ces na kapatid ni Gian at asawa ni Doc Justin. Pero nagdesisyon siyang ilihim iyon kay Faith dahil alam niyang magpi-freak out ito at baka biglang magdesisyong bumalik sa Portland. Ipinagbubuntis pa lang ni Faith si Earl ay hindi na siya at ang mga magulang niya - lalo na ang daddy niya – sang-ayon na ilihim kay Troy ang kalagayan ni Faith. Kilala kasi ng daddy niya si Troy bilang responsableng lalaki. Sigurado raw ang daddy niya na hindi pababayaan ni Troy si Faith kapag nalaman nito ang totoo. Pero dahil ayaw ni Faith, nirespeto nila ang desisyon nito. Wala siyang balak na pangunahan ang kaibigan sa pagsasabi ng totoo kay Troy kaya siniguro niyang maisasama niya si Earl sa birthday party ni Juris. Ang gusto lang niya ay magkitasina Troy at Earl at makita ang reaksyon ng mag-ama sa isa’t – isa. Kumunot ang noo ni Troy nang magtama ang kanilang mga mata. “Hey, do we know each other, right?” tanong nito pagkatapos humarang sa dinaraan niya. Huminto sa paglalakad si Lorraine at sinagot ang tanong nito. “Yes. I’m Lorraine. Anak ako ni Coach John.”           “Oh, yes, I remember. We’ve met a couple of times before. Nabalitaan ko ang nangyari kay Coach at sa mommy mo. I’m sorry for your loss, Lorraine.”           “It’s okay. Tanggap ko na,” matipid ang ngiting tugon niya.           “Invited ka rin sa party. Kaibigan mo ba sina Justin at Frances?”           “Oo. Co-doctor ko sa St. Francis at sa Offsprings Clinic si Justin pati na rin si Gian Yuzon,” kaswal na sagot niya.           “I see…” tumatango – tangong sabi ni Troy.  Pagkatapos ay natigilan ito at parang biglang may naalala. "Kaibigan mo si Faith, ‘di ba?  Faith Ignacio? Do you know where can I find her?”           Bahagyang nagulat si Lorraine. So talaga palang hinahanap ni Troy ang kaibigan niya. Pero mas pinili niyang magsinungaling. “Yes. But we lost contact years ago.”           “Ganoon ba?” sabi ni Troy na sinundan pa ng buntong-hininga. Makikita sa mukha nito ang disappointment.           “Narito ka lang pala.”           Sabay sila ni Troy na napatingin kay Gian nang marinig ang boses nito.           “Bro, magkakilala na kayo?” tanong ni Gian nang tuluyang makalapit sa kanila.           “Oo. Anak si Lorraine ng dati kong coach no’ng college,” sagot ni Troy.           “I see.” Binalingan ni Gian si Lorraine. “Hinahanap ka na ni Earl.”           Nakikipaglaro si Earl sa mga pamangkin ni Gian nang iwanan niya para magpunta sa ladies’ room.           “Okay, pupuntahan ko na siya,” sabi niya at naglakad na palayo sa dalawang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD