MULA sa bintana ng kuwarto ay dinig na dinig ni Faith ang pakikipag-usap ni Lorraine kina Doc Gian at Troy sa labas ng gate.
“I’m sorry, Troy. Ayaw talagang lumabas ni Faith. Mabuti pang bumalik na lang kayo sa ibang araw,” sabi ni Lorraine.
“Lorraine, I can’t wait for another day. Gusto ko lang malaman ang totoo. Anak ko ba si Earl?” giit ni Troy.
Hindi nakasagot si Lorraine.
“Lorraine, please don’t hide the truth,” sabi naman ni Doc Gian. “Nasaan ba talaga ang daddy ni Earl?”
“Wala akong alam.”
“Pero kaibigan mo si Faith. Nagkasama kayo nang matagal sa Portland at nakita mo rin ang paglaki ni Earl. Imposibleng hindi mo alam,” giit ni Doc Gian.
Umiling si Lorraine. “Si Faith lang ang may karapatang sumagot sa mga tanong ninyo.”
“Hindi mo masabi sa akin ang totoo dahil tama ang hinala ko, ‘no?” sabi ni Troy.
“Just please leave,” muling pagtataboy ni Lorraine.
“Kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoo, naniniwala ako na anak ko nga si Earl. Pakisabi na lang kay Faith na hindi pa kami tapos at hindi kami matatapos sa ganito lang. Mag-uusap kami at sa susunod hindi, na siya makakaiwas sa akin.” Tumalikod na si Troy at sumakay sa kotse nito. Walang paalam na sumunod naman dito si Doc Gian.
Nang makitang umalis na sina Troy at Doc Gian ay umalis na rin sa bintana si Faith at ipinagpatuloy ang naudlot na pag-iimpake. Iyon ang nabungaran ni Lorraine pagpasok nito sa kuwarto.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong nito.
“Aalis na kami ni Earl. Hindi kami dapat maabutan ni Troy dito bukas.”
“What? Are you out of your mind?”
“Talagang masisiraan ako ng ulo kapag nawala sa akin si Earl.”
“You’re overreacting again.”
“Overreacting? Lorraine, dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Kaya bago pa kami magulo ni Troy, aalis na kami ni Earl at magpapakalayo-layo.”
“Sige, gawin mo ‘yan at pag-alis na pag-alis n’yo, ako ngayon mismo ang magsasabi kay Troy ng totoo,” pagbabanta ni Lorraine.
“Lorraine!”
“You know what? Sa totoo lang, napapagod na akong intindihan ka. Sarili mo lang ang iniintindi mo at hindi ang kapakanan ni Earl. May ama siya at gusto siyang kilalanin pero pinagkakait mo naman.”
“Ayoko lang na kunin ni Troy sa akin si Earl!”
“Paano ka naman nakakasiguro na gagawin ‘yon ni Troy? Ni ayaw mo nga siyang kausapin. Subukan mo lang na ituloy ‘yang binabalak mong at ngayong gabi rin, malalaman ni Troy ang totoo,” hamon nito.
“Hindi mo kayang gawin ‘yan.”
“Dare me, Faith.”
“Bakit ka ba ganyan? Kung hindi kami aalis, guguluhin kami ni Troy. Ako lang ang may karapatan kay Earl.”
“Pareho lang tayo. Huwag mong kalimutan na naghirap at nagsakripisyo rin ako sa pagpapalaki kay Earl.”
“Sinusumbatan mo na ba ako ngayon?”
“Hindi. Pero kung ‘yan ang gusto mong isipin, bahala ka.”
Sasagot pa sana si Faith pero hindi natuloy dahil biglang sumungaw sa pinto si Earl.
“Mommy, Mommy Lorraine, are you fighting?”
Mabilis na nilapitan ni Faith ang anak. “No, baby.”
Napaismid si Lorraine at walang salitang iniwanan silang mag-ina.
“JANET, papasukin mo na si Marife Caluag,” utos ni Faith sa nurse na nag-aassist sa kanya nang araw na iyon.
“Okay, Doc,” sagot ni Janet at lumabas na ng kuwarto.
Napabuntong-hininga si Faith at sumandal sa kinauupuan nang mapag-isa. Marami siyang pasyente sa araw na iyon dahil may scheduled consultation ang mga staff at crew ng mga restaurant at bars na pag-aari ng pamilya ni Doc Justin. Gustuhin man niyang bigla na lang iwanan ang trabaho at bumalik na lang sa Portland para makaiwas kay Troy ay hindi niya magawa dahil may kontrata siyang pinirmahan sa klinika. Bukod doon, nakokonsiyensya siya na basta na lang umalis dahil maayos ang naging pag-uusap nila ng mga founder ng Offsprings Clinic nang tanggapin niya ang trabaho at mababait din ang mga ito sa kanya. Gagawin na lang niya ang lahat para makaiwas kay Troy hanggang sa matapos ang kontrata niya.
Binabasa na ni Faith ang laboratory results ng susunod na pasyente nang biglang bumukas ang pinto. Napamaang ang bibig niya sa pagkagulat at biglang napatayo nang imbes na ang inaasahan niyang babaeng pasyente ang pumasok ay si Troy ang nakita niya.
“What are you doing here?” sikmat niya.
“We are going to talk. And this time, hindi ka na makakatakas sa akin,” sabi nito at mabilis na ini-lock ang pinto.
“Wala tayong dapat pag-usapan!” Naglakad si Faith patungo sa pinto pero humarang si Troy.
“Meron. Marami at alam mo ‘yon.”
“Ano ba’ng gusto mong malaman? Kung anak mo si Earl? No! Hindi mo siya anak. Patay na ang daddy niya.”
“Madali namang sabihin ‘yan, ‘di ba?”
“Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala. Umalis ka na. Kung hindi, magpapatawag ako ng security.” Muling humakbang si Faith para makalapit sa pinto pero pinigilan siya ni Troy sa braso.
“Faith, ano ba?” medyo mataas na ang boses na sabi nito. “Mahinahon akong tao pero huwag mo namang sagarin ang pasensya ko.”
“Sinabi ko na sa ‘yo ang totoo. Bakit ba ayaw mong maniwala?”
“Confirmation lang ang hinihingi ko. Earl looks a lot like me. You can’t fool me with your lies.”
Hindi siya nakasagot si Faith.
Binitiwan ni Troy ang braso niya. Muling bumaba ang boses nito. “Gusto kong makilala ako ni Earl bilang ama niya. Babawi ako sa mga pagkukulang ko sa kanya. At kung nag-aalala ka na kukunin at ilalayo ko si Earl sa ‘yo, hinding-hindi ko gagawin ‘yon. I promise.”
Napatitig siya bigla kay Troy.
“I will never make any trouble,” pangako pa nito. “It’s time for him to recognize me as his father. Kailangan mo ng makakatulong sa pagpapalaki sa anak natin.”
Biglang lumambot ang puso ni Faith sa sinabi nito. “Troy…” nasabi lang niya. Hindi niya alam ang sasabihin.
“If you want a peaceful life, gano’n din ako. Pareho lang tayong hindi matatahimik kung hindi ako kikilalanin ni Earl bilang daddy niya.” After so many years she saw the sincerity in Troy’s eyes again. Ang mababait na mga mata ng binata ang isa sa mga dahilan kung bakit mabilis na nahulog ang loob niya rito noon. At alam niyang tutuparin nito ang sinabi.
Napabuntong-hininga siya. “All right,” pagsuko niya. “Hayaan mong ako ang magsabi kay Earl. Just be true to your promise at wala tayong magiging problema.”
Lumiwanag ang mukha ni Troy. Hindi niya aktuwal na sinabi na anak nito si Earl pero sapat na ang mga sinabi niya.
KAAGAD hinanap ng mga mata ni Faith ang kotse ni Troy paglabas niya ng klinika.
Madali naman niyang nakita iyon dahil nakatayo sa gilid ng driver’s side si Troy. Nakangiting kumakaway pa ito sa kanya.
“Si Earl?” tanong kaagad niya nang makalapit kay Troy.
“Nasa backseat, natutulog. Napagod sa pakikipaglaro sa mga anak ng teammates ko kanina.” Sa nakalipas na tatlong araw mula nang makumpira ni Troy na anak nito si Earl, umaga pa lang ay magkasama na ang mag-ama. Sinusundo ni Troy si Earl at isinasama sa practice ng Energy Lightnings at sa pagbisita sa mga negosyo nito. Bago matapos ang clinic hours niya ay inihahatid nito si Earl sa Offsprings para siya na ang mag-uwi sa anak nila. Coding ang kotse niya nang araw na iyon kaya si Troy ang maghahatid sa kanilang mag-ina pauwi.
Pinasakay muna siya ni Troy sa front seat bago lumigid at pumuwesto sa driver’s seat. Nakita niyang nasa backseat nga si Earl at mahimbing na natutulog.
“Hindi ba nakakaabala si Earl sa ‘yo kapag isinasama mo sa trabaho?” tanong niya nang nagbibiyahe na sila.
“Hindi naman. Marami naman titingin sa kanya habang nagpa-practice kami. And Earl loves basketball. Nag-e-enjoy siya ro’n.”
“All right.”
“How’s work?” tanong nito.
“Okay naman. Kaunti lang ang pasyente ngayon kaya nakauwi ako on time.”
Tumango-tango si Troy. “Small world, isn’t it?” nakataas ang isang sulok ng labing sabi nito. “Who would have thought that after six long years ay magkikita uli tayo at makakatrabaho mo pa ang mga kaibigan ko?”
“Yes,” matipid ang ngiting pagsang-ayon ni Faith.
“Faith, bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis ka? You had a lot of ways to contact me to ask for help or anything. Pero hindi mo ginawa,” tanong ni Troy habang nakatingin sa unahan.
Hindi nakasagot si Faith. She knew he was going to ask that question. Pero paano ba niya sasabihin na inakala niyang may bago na itong girlfriend noon kaya hindi na niya ito ginulo pa.
Bumuntong-hininga si Troy pagkatapos sumulyap sa kanya. “All right. If you don’t want to answer my question, I understand,” sabi nito makalipas ang ilang sandaling hindi niya pagsagot. Nabasa siguro nito sa mukha niya ang pag-aalinlangan.
“I’m sorry for hiding our son from you. Dapat noon pa kayo nagkasama,” nahihiyang hingi niya ng paumanhin.
“I really can’t blame you, Faith. May kasalanan din naman ako. I said I loved you but I just let you go. Dapat hindi kita basta hinayaang mawala sa buhay ko. Dapat ay hinanap kita. Dapat ay naging karamay mo ako sa lahat ng naranasan mong paghihirap.”
“Troy, tapos na ‘yon. Hina na natin maibabalik ang nakaraan.”
“Yeah. Ang mahalaga, alam ko nang ako ang daddy ni Earl at binigyan mo ako ng pagkakataong makabawi sa lahat ng naging pagkukulang ko sa kanya. But can we be good friends? Magkatulong nating palalakihin si Earl.”
Napangiti si Faith. “Of course,” mabilis na sagot niya. “You can visit him for as long as you want.”
“Hindi ba magkaka-conflict sa boyfriend mo ang presence ko?”
“Wala naman akong boyfriend. Ikaw, hindi ka ba magkakaproblema sa girlfriend mo o sa family mo ang presence ni Earl?” balik-tanong niya.
Umiling si Troy. “I’m sure my family will be very supportive and will definitely accept you and Earl in our family. Nasa bakasyon pa kasi ang parents ko kaya hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol sa inyo. And for the record, I’m single, too.”
Bahagya lang na pinagtuunan ni Faith ang pansin ang unang dalawang pangungusap na sinabi ni Troy. Pero kumunot ang kanyang noo sa huli nitong sinabi.
“’Yong babaeng nakita mong kasama ko sa Frances’ that was Erin, my first girlfriend at former classmate namin ni Frances. Erin and I dated a couple of times since we see each other again but I cut it off because I realized I am not in love with her anymore.”
“All right,” tumatango-tangong sabi ni Faith. Na-relieve siya sa narinig.
Parang may sasabihin pa si Troy pero narinig nila ang boses ni Earl. “Mommy,” pupungas–pungas na sabi nito habang bumabangon.
“Yes, baby, I’m already here,” sabi ni Faith. Kaagad siyang dumaan sa espasyong nasa pagitan nila ni Troy para makapunta sa backseat at matabihan ang anak. Binagalan naman ni Troy ang pagpapatakbo ng sasakyan.
“I’m hungry, Mommy,” sabi ni Earl.
“Yes, we’re going to eat, Earl. Ano ba’ng gusto mong kainin?” tanong ni Troy na nakatingin sa rearview mirror.
“Frances’ bacon doughnuts,” sagot ni Earl.
“All right. We’ll go there then,” sabi ni Troy at binilisan ang pagmamaneho ng kotse.