“Ate ayoko pang mamatay.” Pag-uulit nito na nagbigay ng nakapagtitindig-balahibo sa akin. Para akong nanigas sa kinauupuan ko at hindi makagalaw. Parang matalim na kutsilyo ang bawat salita niya tumama sa akin. Sino nga bang may gustong mamatay? Wala naman ‘di ba? Wala namang taong gustong mamatay, pero meron mga taong gustong makatakas sa maapit na mundo kaya nila iyon ginagawa. Hindi dahil gusto nila, kung hindi dahil ‘yon lang ang tanging nakikita nilang paraan. Pero hindi lahat ay kagaya nila. Hindi lahat ay kagaya namin. Katulad naming ang Diyos na ang nagbigay at nagtakda ng pagtatapos sa aming istorya. Na kahit anong gawin namin ay wala kaming choice, wala kaming magagawa, dahil Diyos na ang nagdesisyon para sa amin. Na kahit anong laban namin ay kami pa rin ang talo, na kahit a

