Chapter 2:Unang Kita Kay AFAM

1819 Words
Marianne’s POV Maaga ako nagising dahil Lunes na naman. Ito ata ang araw na pinaka ayaw ng mga empleyado sa Pilipinas. Pero no choice, No Guts, No Glory, ika nga, kaya kailangan bumangon at simulan ang araw na ito. Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko na si nanay na nilalatag sa mesa ang mga niluto. Mas lalo tuloy akong gaganahan mag almusal dahil tocilog ang almusal namin ngayon. Habang kumakain ako ay sumabay na rin si Mark dahil may pasok na rin ito sa trabaho. One week pa lang siya sa kanyang unang trabaho dahil fresh graduate pa lang siya sa kursong Information Communications Technology, at sa Telecommunications Company siya nagtratrabaho. Niyaya kong kumain si nanay pero mamaya na lang daw pagka alis naming magkapatid. Unahin niya daw muna ang paglalaba ng mga damit. Nang makapag almusal na ay siya namang sabay naming pag akyat magkapatid upang maligo at ng makagayak na. May motor kasi ang kapatid ko at dahil isang way lang din ang mga lugar na pinagtratrabahuan namin ay lagi na ko sumasabay sa kanya papasok ng trabaho, para na rin makatipid sa pamasahe at nang sa ganun ang kapatid ko na lang ang aabutan ko ng pamasahe para kahit paano ay may allowance din siya panggastos dahil hindi pa naman siya nakaka sahod. Nakarating na ko sa building ng company na pinagtratrabahuan ko. Isa akong Administrative Assistant sa isang Skin Care and Cosmetics company. “Good morning Ma’am” matamis na pagbati sa kin ni Bert, ang security guard ng opisina. “Good morning din po” pormal na pagkakasabi ko sa kanya. Matagal na itong nagpaparamdam sa kin kaso di ko talaga siya type, may itsura naman at mabait kaso wala talaga eh. At utang na loob tantanan muna ako ng mga lalaki sa buhay ko, dahil sawa na kong masaktan. Nakarating na ko sa room ng department namin at nakita ko na kakaupo pa lang din ni Joy. “Joy, morning, musta ang mga hita natin? Masakit ba? Haha” pang-aasar ko. “Ako pa tinanong mo syempre basic na sa atin pag akyat ng bundok, at take note, lagi akong nag jojogging sa umaga, kaya wala yang sakit sakit sa hita na yan, baka yung sayo ang sumasakit hahaha” ganting pang aasar din ng bruha. “Oo na, sumasakit pero slight lang. Nag almusal ka na ba?” tanong ko sa kaibigan. “Hindi pa, bakit may dala ka bang almusal?” ani Joy. “Wala” sagot ko. “Gaga ka pala ba’t nagtatanong ka pa?” gigil na sabi ni Joy. “Bakit masama magtanong? Gusto kong magtanong eh, kasalanan ba yun?”ani ko. “Oo masama bruha ka haha! Dapat pag magtatanong kung kumain ka na ba, matic dapat may offer kang pagkain, ganun yun. Batas yun haha!” natatawang sabi ni Joy. “Hay naku, makabili nga muna ng almusal sa canteen at nagugutom na talaga ako” ani Joy. Dahil 9 am ang start ng trabaho namin, at 8:20 pa lang ay nasa opisina na ko, nagkalikot muna ako ng celphone upang manood sa youtube. May pinindot ako na video kung saan tungkol ito sa mag asawa na ang asawa niya ay AFAM. Pinay ang babae at Amerikano naman ang lalaki. Napapadalas lately ang panonood ko ng mga ganitong klase ng video dahil naaaliw ako sa mga kuwento kung paano nagkakilala at nagsasama ang magkasintahan o mag asawa. Ang gwapo ng amerikano, kamukha niya si Ryan Gosling, pero di rin patatalo ang pinay, morena beauty ang babae. Ganito naman kadalasan ang gusto ng mga foreigner, yung kulay morena ng mga Pilipina, kasi para sa kanila unique at malakas ang dating ng morena, kumbaga exotic sa kanilang paningin kapag morena ang isang panay. At sa kanilang paningin, napakaganda ng isang morena, na sa totoo lang ay tama naman, dahil may mga beauty queen nga sa ating bansa na nanalo sa mga International Pageant. Batay sa video, ang babae ay namasukan bilang Care Giver ng ama ng lalaki, at kapag minsan na umuuwi ang lalaki sa bahay ng kanyang mga magulang, nakikita niya kung paano alagaan ng babae ang kanyang ama, napaka maalaga nito, hindi maarte at pinagbubutihan ang trabaho, ang nanay kasi ng lalaki ang siyang namamahala ngayon sa kumpanya nila, habang siya ay nagsisimula na rin magtayo ng kanyang negosyo. Kalaunan, pumanaw ang kanyang ama dahil sa sakit at pagkatapos mailibing ang kanyang ama ay doon na nagtapat ng kanyang nararamdaman ang lalaki. Pero tinanggihan siya ng babae, dahil sa tingin ng babae, hindi siya karapat dapat dito, dahil isa lang siyang mahirap at mayaman ang pamilya ng lalake, ayaw ng babae na magkasamaan ng loob ang mag-ina at baka isipin na pera lang ang habol niya sa lalaki. Kaya umuwi na sa Pilipinas ang babae. Hindi niya alam na sinundan pala siya ng lalaki, at dun na nga nagsimula ang panunuyo ng lalaki sa kanya at sa huli naging mag-asawa na sila at payapang nakatira sa United States. May ngiti sa aking labi ng matapos kong panoorin ang vlog nilang mag-asawa. Ang sarap sa pakiramdam ng ganun, mala fairy tale ang love story. Saan ka pa makakakita ng ganun, gwapo na, mayaman na, mabait pa, aba jackpot si ate! Parang ang sarap sa feeling ng ganoon, kung ako lang din ang nasa puwesto ng babae, ay tiyak na masayang masaya na ko! Nakakalibot na ko sa ibang bansa, tapos ang yaman at yummy pa ng napangasawa ko! “Anong ngingiti-ngiti mo diyan babae?” ani Joy matapos bumalik pagkatapos kumain sa canteen. “Wala, natutuwa lang ako sa pinanoood kong vlog, paborito ko kasi manood ngayon ng mga vlog ng mag jowa na may afam, nakaka good vibes kasi. Nag iimagine tuloy ako hahaha.” Natatawang sinabi ko. “Ayos lang yan, atleast good vibes lang mga pinapanood mo para nalilibang ka din, nga pala, dahil nanonood ka ng mga ganyan, nabago na ba ang taste mo sa lalaki? I mean trip mo bang magka jowa ng afam?” nakangiting tanong ng kaibigan ko. “Parang, lam mo yun, naisip ko, ano kaya ang feeling kung afam ang maging jowa ko? Baka mabago ang kapalaran ko? Baka di na ko malasin? Pero yun nga, di naman ako nagmamadali at di rin ako nag eexpect, di naman ako yung tipo ng babae na dapat may jowa agad after ng break up, para may rebound ka or ano. At isa pa, di na rin kasi ako masyadong naniniwala sa love na yan, minalas na nga ako ng ilang beses eh. Kaya para sa kin kung may manliligaw sa kin na afam, kahit matanda na ito, pangit man, or ano pa man, iga grab ko na! Para saan? Para matupad ang pangarap ko na mas guminhawa ang buhay at makapunta ng ibang bansa! hahaha” natatawang sinabi ko. “Loko ka talagang babae ka!” ani Joy sabay batok sa kin. “Ano ka, peperahan mo na lang si afam? Ganun ganun na lang yun, eh pano pag nagpa kadyot si afam sayo, keri mo? Ibibigay mo sa ngalan ng magandang buhay na pangarap mo? Hay naku, binabalaan kita girl baka masaktan ka sa huli kung ganyan na ang bago mong pananaw pagdating sa pag-ibig” pagtatapat ng kaibigan sa kin. “Graduate na ko sa ganyang drama drama sa love na yan, tama na na ilang beses akong naging martir sa mga lalaki, sa pagkakataong ito, paiiralin ko ang let’s have some fun! Saka ano ka ba pagsisilbihan ko naman si afam, di naman yung tipong wala akong effort sa kanya, siyempre susuklian ko ng pag-aalaga kay afam ang mga ipaparanas niya sa kin na ginhawa sa buhay! Ibig ko sabihin kahit di ko siya mahal, pagsisilbihan ko pa rin siya, dahil ang goal ko ngayon ay guminhawa ang buhay at makarating sa ibang bansa.” paliwanag ko sa aking kaibigan. “Oh siya bahala ka, matanda ka na, alam mo na ang tama at mali, basta binalaan kita. Tara, malapit na mag 9 at simulan na natin ang mga nakatambak na trabaho sa atin” ani Joy. Natapos na naman ang isang araw namin sa trabaho at dahil Lunes ngayon, hindi kami gumagala ni Joy at ng iba pa naming kasamahan sa trabaho pag ganitong araw, diretso uwi agad sa bahay. Nang makauwi ako sa bahay ay umupo muna ako sa sofa upang manood ng TV at para ipahinga ang mga binti ko sa paglalakad sa loob ng subdivision habang hinihintay si nanay na matapos sa nilulutong hapunan namin. Adobong baboy ang niluluto ni nanay at ang sarap ng amoy nito lalo tuloy ako neexcite na kumain. Maya maya ay nagtawag na si nanay na kakain na at pumunta na ko sa kusina kasabay ang kapatid ko na kauuwi lang din galing trabaho. Pagkatapos kumain, niligpit na namin ni Mark ang kinainan namin at nag prisinta na ko sa paghuhugas ng plato. Matapos kong maghugas ng plato ay dumiretso na ko sa aking kwarto upang maligo. Dalawang beses kasi ako naliligo, sa umaga at sa gabi, pag naliligo ako sa gabi ay matinding linis sa katawan ang ginagawa ko dahil mas maraming nakakapit na germs sa katawan dahil syempre galing ka sa labas at nauusukan ng mga sasakyang dumadaan kaya naman, marami akong seremonyas na ginagawa sa aking katawan. Isa pa, dahil sa skin care at cosmetics company ako nagtratrabaho, isa sa perks ng mga empleyado dun ay 50 percent discount ang price ng mga produkto nila kapag bumibili kami mula sa planta nito. Kaya naman apaw sa mga skin care products ang loob ng banyo ng aking kwarto. Pagkatapos maligo ay nagsuot na ako ng aking nighties, kita ang hubog ng aking katawan na 36-24-34. Alas otso pa lang ng gabi kaya naisipan ko na lumabas muna sa terrace ng aking kwarto upang umupo at mag celphone, ang kagandahan sa mga kapitbahay ko ay hindi mga marites, hindi tsismosa, palibhasa ay puro professional ang mga kapitbahay namin gaya ng teacher, pulis, nars etc. Kaya pag oras ng gabi ay tahimik na dahil syempre mga pagod sa trabaho ang mga may ari ng bahay. Habang nagcecelphone ako ay sumakit ang mata ko kaya naisipan ko na tumayo at sumilip sa mga kabahayan, ang ganda kasi ng view pag nasa taas ka at ang cute tingnan ng mga townhouse pag nasa taas ka. At habang nililibot ko ang mata ko, napadpad ito sa katapat naming bahay, at laking gulat ko na may isang anghel este lalaki pala, na napaka hot. Ang tangkad, ang ganda ng hubog ng katawan, mukhang nag dyi gym ito. Katamtamang puti, matangos ang ilong, ang pula ng mga labi. Parang ang Hollywood actor na si Gerard Butler noong kabataan nito ang kamukha niya. Ang bilis ng t***k ng puso ko lalo na ng lumawak ang ngiti niya sa akin at kinawayan pa niya ako. OMG!!! Siya na kaya ang kapitbahay kong AFAM?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD