Chapter 3: Hi and Hello

1905 Words
Marianne’s POV Para bang nag slo mo ang mundo ko nang makita ko ang lalaki na sa tingin ko ay isang foreigner. Hindi man blonde ang kulay ng buhok niya ay nakasisiguro ako na may ibang lahi ito. Grabe ang gwapo. Makalaglag panty. Nakatutulo ng laway. Ang sarap magpabuntis! What???!!! “Gagi ka Marianne!” Sigaw ng isip ko. Biglang bumalik ang isipan ko sa reyalidad at buti natauhan din ako. Kita ko na nakatitig din sa kin si pogi at parang tulala din. Mukhang na weirduhan ata sa ikinilos ko. Ayun na nga, ako na ang unang bumati sa kanya. “Hello!” sigaw ko sabay kaway sa kanya. “Are you the new neighbor?” pagtatanong ko. “Yeah, I’m new here, I just came here a while ago. I’m Henry, and you are?” wika ni afam. “I’m Marianne, well I have lived here for almost 3 years. Are you the new owner of the house?” pagtatanong ko pa. “Well, my aunt bought the house, I just came here for a vacation, since my aunt is in Manila, she told me why not to stay here so I can take care also of her house” paliwanag ni Henry. “Oh, lucky you are. How I wish I may have my vacation as well haha” sabi ko. “Don’t worry, you will experience it someday” sabi ni afam sabay ngiti. “I think I must go, I have work tomorrow, I need to sleep early. Nice meeting you, Henry, good night” malambing na sabi ko. “Nice meeting you also. Good night and sweet dreams” ani Henry ng may matamis na ngiti. Tuluyan na akong pumasok ng kwarto at pinatay ang ilaw. Sa totoo lang, di pa naman talaga ako inaantok, kaso sobrang lakas ng kabog ng puso ko na kulang na lang eh lumabas ito sa rib cage ko. Hindi ko na kaya na makausap pa siya ng matagal dahil natutunaw ako sa itsura niya. Dumapa ako sa kama na tila ba punong puno ng bulate ang katawan ko sa sobrang kilig. Pinigilan ko ang sarili ko na humiyaw at baka marinig ako sa ibaba dahil nandoon pa si nanay at nanonood ng tv. Grabe ang gwapo niya as in. Marami na kong nakitang gwapo sa talambuhay ko, pero iba ang kagwapuhan niya, hindi nakakasawa, head turner, lakas ng s*x appeal, masarap magpatira! OMG! Bakit ba naisip ko yung huli? Kapag nakakakita ako ng gwapo hindi naman lumalabas sa isip ko yun. Bakit biglang naging malibog ang isip ko? Shemay, ganito ba epekto niya sa akin? At bakit ba ako nagkaka ganito? Dapat wala ng epekto sa kin yun, galit na ko sa mga nanloko sa kin. Aaayyyyy? Ano bang naiiisip ko? Feelingera ba ko? As if naman type ako ni afam? Meyged! Baka naman taken na si afam? Oo nga, bakit ba hindi ko naisip yun? Imposibleng walang jowa yun. For sure habulin ng mga babae yun. Okay, malamang sa malamang isa siya sa mga nasa listahan ng crush ko. Humarap na ko sa kisame ng kwarto ko at pinikit ko muna sandal ang aking mata dahil sumasakit ang ulo kakaisip sa kanya. Kalma ka lang Marianne. Enjoy lang muna sa buhay huwag ka muna mag isip ng mga ganyan. Pagkalipas ng limang minuto ay muli kong minulat ang aking mga mata at nagkalikot ng celphone. Sinearch ko sa google ang “Gerard Butler young” at lumabas ang mga larawan ng aktor noong siya ay nasa twenty’s pa. Haayyy, ang sarap sarap naman tingnan ang ganitong mukha. Nakakawala ng stress. Nakangiti ako na tinitingnan ang mga larawan dahil kamukha nito sa afam. Hindi ko namamalayan na unti unti na pala akong nakatulog. Kinaumagahan, maaga ako pumasok sa office upang maka chikahan si Joy. Alam ko kasi na palagi ito maaga pumasok dahil sa canteen ng kumpanya ito nag aalmual. Sa pagkakataong ito ay sinabayan ko siya mag almusal upang ikwento sa kanya ang matamis na kaganapan kagabi kay afam. “Girl, may kapitbahay akong afam” pagsisimula ko sa usapan habang kumakain kami sa canteen. “Oh talaga?” sabi ng kaibigan ko. “Ang gwapo sobra. Siya na ang pinaka gwapo na nakita ko sa buong buhay ko so far. Hawig ni Gerard Butler. Lakas ng dating girl. Nagkausap nga kami kagabi kasi pareho kami nasa terrace ng bahay, pero saglit lang kami nagka mustahan. Hindi ko na kasi matagalan pa ang makipag usap sa kanya, kasi naiilang ako, ang gwapo kasi hehe” kilig na sinabi ko. “Mukhang tinamaan ka kay afam ah..Teka…di ba sabi mo gusto mo ng afam? I mean gusto mo subukang pumatol sa afam para matupad mga pangarap mo? “ani Joy. “Oo nabanggit ko nga yun, kaso di ko pa naman lubos na kilala si afam. Henry nga pala pangalan niya. Ayun nga, baka kasi pamilyado na yung tao o baka naman masama ugali nun. Baka pakitang tao lang siya nung nagka usap kami kagabi. Saka ayun nga, ayoko naman mag first move, although gusto ko talaga pumatol sa afam, pero sila muna ang mag first move. At kapag ginawa nila yun eh, iga grab ko na agad ang opportunity!” ani ko. “Hahahaha! Bwiset ka pakipot effect ka pa palang bruha ka! Oportunista rin pala peg mo haha!” natatawang sabi ni Joy sabay hampas sa balikat ko. “Aray ko naman! Grabe ka naman sa kin, pero parang ganun na nga! I’ll take the opportunity in a good way naman. Susuklian ko ng pag-aalaga si afam basta tuparin niya lang ang mga pangarap ko hahahaha!”. Kagaya ng mga normal na araw ko sa trabaho, ay natapos din sa wakas ang duty namin at kanya kanya na ulit kami ng pag-uwi sa bahay pero, naisipan ko kumain muna sa isang café dahil naalala ko, dinuguan pala ulam naming at hindi talaga ako kumakain nun, sina nanay at Mark lang ang may gusto nun kaya naisipan ko na kumain na muna sa labas nang sa ganoon ay pag uwi ko sa bahay ay diretso pahinga na ako. Niyaya ko si Joy na kumain pero tumanggi ito dahil dahil may bisita daw sila mamayang gabi sa bahay kaya nagmamadali siyang umuwi. Wala naman problema sa kin kung mag -isa akong kumain dahil minsan ko na rin ito ginagawa. Wala rin naman akong pake kung mapicturan ako ng mga wannabe vlogger at ipopost ang mukha kong kumakain ng mag isa at sasabihin nila na ang lungkot lungkot ng buhay ko haha.. Wala akong pake sa kanila. Bago ako sumakay ng jeep ay tinawagan ko si nanay upang magpaalam nang sa ganoon ay huwag na nila akong tirhan ng pagkain, at sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay nang inis pa si nanay sa kin, “Nak, nakausap ko kanina yung poging afam. Sabi ko nga sa kanya buti at nagkaroon tayo ng foreigner na kapitbahay. Para may inspirasyon ka naman. Sabi ko nga irereto kita sa kanya kasi gusto mo ng afam diba? Hahahaha” Bumulusok ang ilong ko sa sinabi niya. “Nay naman! Ano ba kayo nakakahiya sa tao!” Alam kasi ni nanay ang mga pinagdaan ko sa mga nakaraang nobyo ko pati ang pagbabago ko ng pananaw na sa foreigner na ako papatol. Pero hindi niya alam ang motibo ko sa pagpatol sa mga afam. Naiinis na binaba ko na ang tawag. Buti na lang talaga at kakain ako sa labas para naman mawala ang inis ko kay nanay. Pumasok na ako sa isang bagong tayo na Café, gusto kong subukan kumain dito dahil nakita ko sa mga vlog na masasarap ang mga inooffer nil ana pagkain. Gusto ko rin yung pagka aesthetic theme ng interior ng café. Umorder ako ng pasta seafood, grilled chicken at salad. Deserve ko ito dahil matagal na rin ang huling kain ko sa isang café. Pagkakuha ng order ko ay pumunta ako sa second-floor ng café kung saan open ito kaya naman ramdam ang sariwang hangin at kita ang magandang view ng bayan. Habang hinihintay ko na ilapag ng waiter ang order ko, may sumulyap sa akin, at laking gulat ko na si afam este Henry pala. “Hey, you’re also here. Looks like destiny put us together huh. Are you alone? Do you have company?” pagtatanong ni Henry. “W-wala, ah no..no…I mean I’m alone here, but not lonely haha” nauutal na parang kinikilig na sabi ko. “Do you mind if I sit beside you? I don’t have company and I think it’s good to be with my neighbor since I’m new in this place.” paliwanag ni Henry. “It’s okay, you may take your seat. How did you know about this place? I mean you said you’re new in this place.” ani ko. “Thanks to vlogging and to waze. I guess social media and these kinds of apps are geniuses hahaha” sabi ni Henry. Hindi ko pinapahalata na medyo kinakabahan ako sa presensya niya, buti na lang at pinapagana ko ang utak ko para makapag salita ng matinong English. At para di mahalata na kinikilig na naiilang ako, nililibang ko ang sarili ko sa pag iinterview sa kanya. Pagkakataon ko na ito para makilala ko siya. “By the way, since you are my new neighbor, do you mind if you introduce yourself to me? If you’re not comfortable with it, it’s okay.” Ani ko. “No, it’s alright with me, since our food hasn’t arrived yet, it’s good to have a conversation with you. Well, my full name is Henry Prince Baker, from United States, my mother is a Filipina, my father is American. I was born and grew up there. I’m 26, I work as an IT Consultant. I took a vacation here two weeks ago, coz I have a mental break down and I think it’s time to reset myself in places I’ve never been into, so I came here in the Philippines, the hometown of my mom” mahabang paliwanag. “Oh, sorry to hear that, I hope you enjoy your stay here. May I ask the reason of your break down?” pagtatanong ko. “Hmm…first my work. I worked so hard that I’m so exhausted second, my girl friend broke up with me, it’s because I don’t have much time with her because of my work” ani Henry. Mas bumilis ang kabog ng puso ko sa huling sinabi niya, ibig sabihin as of now, available siya ngayon? Ayiieee… “By the way, how long are you gonna stay here?” tanong ko. “I took a three months’ vacation that’s why my filipina cousin will visit me this coming weekend so she can tour me in different places” wika ni afam. “Oh, it’s good to hear that, I hope you have a great time staying here”, sabi ko. Dumating na ang mga inorder naming pagkain at dahil sa haba ng pinag-usapan namin ay nakaramdam na kami ng gutom. Tahimik kaming kumakain nang biglang nagsalita si Henry, “Marianne?”. “Yes?” sabi ko. “Do you mind if you join with me on my trip this weekend? I mean I want you to be around whenever I go to different places.” ani Henry. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. OMG! Feeling ko mag dadate kami ni afam!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD